Twelve

711 12 0
                                    


"C-Claim na sinasabi mo dyan!" Hiyaw ko. Gusto ko sanang palabasin na galit ang boses ko pero naging mahina iyon at parang pabulong na paungol. Damn! Ang hina hina mo Nadynn! Bakit ka ba pinaglalambutan ng tuhod sa lalaking iyan?! Nakakahiyaaa! Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

Why do i find this man sexy and oozing hot kahit tila nagbabaga na ang mga mata nito? At bakit ba niya ako kinakanya?

Lumapit pa lalo si Kean sa akin. Yung mukha niya ay ilang pulgada na lang sa mukha ko. Sobrang lapit niya na parang maduduling ako habang nakikipagtitigan sa kanya. And I hate this feeling na parang libo libong paru paro ang naglalaro sa tiyan ko.

"You are mine, Dy." Pagkasabi nito noon ay mas lumapit pa ang mukha nito sa akin at napapikit na ako. Ito na ito na! He is gonna kiss me! I know I find him so ... so arousing. And I do admit I saw us kissing and even more in my mind. So doing what I had imagined, eversince I met him, is so exciting!
"Sit down."

Napamulat ako at napag alaman na wala na siya sa harapan ko. Luminga ako at nakita ko siyang nakatayo sa likod ng upuan habang may mapaglarong ngiti sa labi niya.

Nahulog ang panga ko. Seriously? No kiss?

Okay! What the fuck am I doing and why the fuck am I acting this way?!

Ah! Nakainom lang ako. Nakainom lang!

Dahil sa sobrang disappointment at pagkabigla ay napasunod na lang ako kaya natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa silya.

Umikot siya at humila ng isa pang upuan papunta sa tapat ko. But we are not even close. Malayo siya sa akin! Shit! Asan ang halik ko?

Damn! Sampalin ko kaya ang sarili ko!

Pilit kong ginigising ang diwa ko na masyadong nahalina sa lalaking nasa harap ko. Ang bango kasi eh! Ang macho! Ang gwapo!

"Im gonna be straight to you, Dy."
Nagising na lang ako sa pagmamanyak sa kanya sa isip ko nang magsalita siya.

"Bakit? Bakla ka ba sa iba at sakin ka lang straight?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko sa pamimilosopo. Huli na ang lahat nang nakita ko ang tila amused na pinipigilang ngiti sa kanyang labi.

"Are you inviting me to kiss you?" Ngayon ay malawak na ang ngiti niya.

"Ha? Hindi naman ah! Nag-aano lang ako. Ano. Alam mo yun. Yung ano. Basta! Ang assuming mo! Hindi kaya!" Shit ka Nadynn! Ikaw ang assuming kanina sa halik niya!

Napailing iling ito habang nakangisi pa rin. Owwwkay?

"Okay. Sabi mo eh. Anyway, going back to where I'm saying, hindi ka pwedeng ma-attract sa iba. Akin ka. Akin ka lang." Kala mo sa una ay nagyayabang siya pero hindi. Seryosong seryoso siya at napakasexy niya habang sinasabi niya ang katagang iyon. I even felt something squirmed in what is between my thighs. Para bang nabubuhay ang nasa gitna ng mga hita ko. At dahil lang iyon sa kanya.

Bago pa ako malunod sa pagpapantasya ay pinilit kong intindihin ang sinabi niya at kumunot ang noo ko nung mag-sink sa isip ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"What are you saying? At a-anong katapatan mo na kanyahin ako? Im a free bird, Mr. Navarro. Hindi mo ko pwedeng iyohin dahil hindi ako sayo."

Naaadik na ba siya? Naaadik na ba siya sa akin? Anong pinagsasabi nito?

Bumuntong hininga ito. "Nadynn Niell Guevarra. Sumunod ka na lang. Im not in the position to tell you but I'll just make it clear na akin ka. Wala kang magagawa para mabago iyon. You are mine."

Mas lalongnangunot ang noo ko sa kanya. Sira talaga ulo nito! "Ano bang pinagsasasabi mo? Nakashabu ka ba? Gumising ka nga! Ni hindi kita kilala--"

"But I know you. At sinasabi ko lang ang totoo bago ka pa makaisip na gumawa ng hindi ko magugustuhan."

"And who are you to be pleased? I dont care kung may gawin akong hindi mo magugustuhan! You are no one for me!"

Nauupos na ang pasensya ko sa lalaking ito. I dont know where this conversation will go. Masyado siyang arggggh! Ganun.

"You should please me. You should be the one running after me. You should be the one who beg for me. I dont know what game your father is playing na pinapadate ka sa mga lalaking kung sino sino. Pero ito lang, Nadynn. Wala kang karapatan na makipag-date o mamili ng ibang mapapangasawa mo. Dahil akin ka!"

Para akong naubusan ng dugo sa mukha. Magaling na lang makapal ang lipstick ko. Para akong kinakabahan na na a arouse sa boses niyang seryoso. Pero hindi yun eh! Yung mga salita niya! Yung mga ponagsasasabi niya! Hindi ko maintindihan pero nattakot ako. I can feel something is wrong here. At parang wala akong alam. At parang ako lang ang walang alam. MY dad is in this conversation. At kakaiba na ang pakiramdam ko. Something is so wrong.

Nagsimula akong tumayo. Dana dahan at maingat. Nakatingin ako sa mata niya habang ginagawa ko iyon. Confuse is mirrored in my eyes. And his is pure sincerety.

"Wala akong clue sa sinasabi mo. If you are playing some game, take me out of the picture. Wala akong panahon na makipaglaro sa iyo."

Nagsimula akong maglakad palapit sa pinto. Nang akma kong bubuksan iyon ay nagsalita ulit siya.

"Try asking your father about it. Pakitanong na rin kung ano ang klaseng laro ang nilalaro niya at pinakikilala ka sa mayayamang negosyate na bachelors. And do me a favor, tell your Dad that he will never have his way out. Dahil ayoko nang maglaro. Im serious this time."

Girls have instinct. At malakas ang instinct ng mga babae. And this time, gumagana ang isip ko. Marami ang naglalaro sa isipan ko. Marami akong naiisip sa mga salitang binibitawan niya na walang kalinawagan. His words are driving me to different conclusive stories. At ayokong mag isip! Naloloka ako. I hate mind bursting at yun ang mangyayari sakin kaka brainstorm ng ganitong bagay.

Hindi na ako sumagot. Nawala na rin ata ang tama ko ng alak. Pinihit ko ang doorknob kahit nanginginig ang palad ko. Lumabas ako ng kwartong iyon. Ng bar. At pumasok sa kotse ko.

I need to investigate. I need to talk to my father.

COMMENT!

Want You To Want Me (TFHNM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon