Chapter 4

9 1 0
                                    

Kathy's Pov

Kakauwi ko lang galing sa bahay nina Eya. Yup. Short for E-lle Y-vangeline A-lexandria. Madali lang syang matuto. Nakakatawa nga syang magsalita eh. Hay. Sana maging magkaibigan kami. Gusto ko talaga syang maging kaibigan. Di siya kaputian pero maganda sya. Btw,ako si Kathy De Vera. 14 years old. Galing ako sa broken family. Si Ate lang ang kasama ko sa bahay. May 3 katulong. At 3 ring driver. Si Daddy ang bumubuhay sa amin kahit may iba na syang pamilya. Hay nako! Kung ano anong iniisip ko. Matutulog na nga ako. Pupunta na sana ako sa kwarto ng bigla kong marinig ang boses ni Ate. "OK! PATAYIN NIYO KUNG KINAKAILANGAN!" sigaw niya sa kausap niya sa telepono at pagkatapos binagsak niya ng malakas.
Kumatok ako. Maya-maya binuksan niya.
"Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong.
"May problema ka ba Kelly? Makabagsak ka naman ng telepono kala mo wala ng bukas." Paliwanag ko.
"Oh Bakit? Papalag ka? Wala kang pake. Tabi nga jan!" Bigla nya nalang akong tinulak. Nakakainis.
"Hoy! Balak ko magtransfer." Sigaw ko sakanya na ikinahinto ng paglalakad niya.
"Nababaliw kana ba? Saan ka na naman maglalandi? Bahala ka sa buhay mo!" Napahinto ako sa sinabi niya.
"Ang kapal mo naman magsabi ng malandi. Akala ko ba kapatid kita. Bakit di mo ako kilala? Nakakainis ka!" Galit na sabi ko.
"Bakit hindi ba? Bakit ka nilipat ng school? Diba dahil lumandi ka? Sakin kapa may maganang magalit. I'm just telling the truth! The Fck!" Sabi niya.
"Ganyan kana ba talaga? Simula yan ng ini---" Sinampal niya ako. Shet. Ang sakit!
"Don't you ever tell that fckng phrase to me or else,papatayin kita." Sabi niya na galit na galit.
"Ibang iba kana talaga! Tsk!" Sabay walkout ko. Naiiyak na talaga ako. Ang sakit niya namang magsalita plus yung sampal pa.
Dumiretso ako sa kwarto. Siya si Ate Kelly. Isa syang gangster. Magkaiba ang pinapasukan naming paaralan. Sa Blue Warriors University(School of Gangster) samantalang ako sa Fashion Academy (All girls). Dati dun ako nag aaral sa BWU kaso linipat ako. Mahabang story.
Tinawagan ko si Daddy. At ilang ring lang sinagot agad.

"Hello Dad?"-ako

"Yes? May kailangan ang baby ko noh?"-Dad

"Haha. Ang galing niyo po dad! Pwede na po ba akong bumalik sa BWU?"-ako

"Diba napag usapan na natin yan nak?" -dad

"Please? Daddy. Promise Hindi ko na po uulitin. Palagi nalang po kaming nag aaway ni Ate. Hindi ko na kayang tumagal dun sa FU." -ako.

"Fine. But don't forget yung napag usapan natin ha? Promise is a promise. Okay. Goodnight baby! Love you!"-dad

"Thank you daddy. I love you. Goodnight po. Bye"

"Okay. Bye!"

End Call.

Napangiti nalang ako sa napag usapan namin ni Daddy. Ang bait niya talaga.
Nagshower ako. Pagkatapos natulog na ako.

The SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon