Eya's Pov
Mahigit apat na araw na akong tinuturuan ni Kathy at ni Sir Andrew, infairness parang laking Pilipinas na talaga ako. Magkaibigan na kami ni Kathy at nagulat pa nga sya nung sinabi kong kaibigan ko sya.
Nagustuhan din ni mommy ang tawag sakin ni Kathy kaya simula daw sa pagpasok ko sa school Eya Buenavista na daw muna ang gagamitin ko. Buenavista ang maiden surname ni Mommy. Ewan ko rin kung bakit yun na ang gagamitin kong pangalan pero sabi niya ayos lang naman daw.
Welcome Party.
Saturday na pala ngayon. Naghahanda ako para sa welcome party mamaya. Everyone's busy for preparation. Naligo na ako. After that inayos ko yung gamit ko. Naglagay lang ako ng powder sa mukha ko tapos lipgloss tsaka sinuot ko na yung purple dress ko. Ayan,perfect.
Hindi naman kasi ako sanay ng sobrang kapal na make-up.
Pumunta na kami sa Fuentiveros Hotel. Ang dami nang tao. Hinanap ko si Kathy. Siguro wala pa siya. Naglibot pa ako ng aking paningin. Lahat mga sosyal.
Hinanap ko na si Mommy. Pero di ko pa rin sila nakikita. Siguro hindi pa siya dumadating. Sa Parlor kasi siya nagpaayos. Pwede namang home service pero ayaw nya.
Umupo nalang ako sa designated seat namin. Ang dami ring gwapo. Shet. Haha.
Maya-maya dumating na si Kathy. Naka-Blue dress sya tapos naka-make-up na simple. Ang ganda niya.
"Ang dami namang gwapo!" Sabi niya.
"Oo nga eh!" Sagot ko.
"Kamag-anak nyo?" Tanong niya.
"I don't know!" Sagot ko ulit.
Nagkwentuhan pa kami pero nagsimula na rin yung program.
Pinakilala ako sa tunay kong pangalan. Maraming kumausap sakin,mga tito at tita ko daw,may mga ka-business partner naman.
Sinasabi nilang dalaga na daw ako. Dati raw ang liit liit ko pa nung pumunta ako dito. Di ko na matandaan yun. Maraming pumuri sakin dahil ang ganda ko daw. Haha. Ewan ko kung compliment or insult. Marami silang tanong. Basta panay smile at sagot lang ang ginagawa ko.
Kumain na kami ni Kathy at napagpasyahan namin na maglibot-libot. Nag-cr muna si Kathy at ako naman dumiretsong garden. Nagpahangin lang. Napansin ko yung babaeng may kausap sa phone. Nung medyo malapitan na. Nagulat ako kung sino ang nakita ko. Ang bestfriend ko. Si Victoria. Hindi ako makagalaw,grabe. Ilang taon ko na syang di nakikita.
Di talaga ako makapaniwala na dito ko lang sya sa hotel makikita. Lalapitan ko na sana sya ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Andito ka lang pala Eya. Kanina pa kita hinahanap." Si Kathy pala. Paglingon ko sa likod ay wala na si Victoria Sayang naman.
"Ayos ka lang Eya?" Nag aalala nyang tanong.
"Oo naman" I smiled at her.
"Bakit parang may hinahanap ka?" Tanong nya ulit.
"Ha? May nakita kasi akong pamilyar na mukha doon tapos paglingon ko wala na." Paliwanag ko.
"Ah. Halika na. Hinahanap kana rin ng mommy mo."
Pumunta na kami sa loob.
The party's ongoing. Lahat sila enjoy na enjoy samantalang ako nagmamasid. Pakonti ng pakonti ang tao.
Pagkatapos ng party ay hinatid na namin si Kathy sa bahay nila.
Umuwi na rin kami at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
The Secrets
RandomAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang inaatupag sa kanyang buhay kundi ang pakikipaglaban. Nagmula sya sa desenteng pamilya pero walang may alam na nakikipaglaban sya. Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya...
