Eya's Pov.
Kanina ko pa kasama si Evan. Palibot-libot lang kami dito sa campus. Siya ang tour guide ko. Infairness,di siya boring kasama.
Hinahanap ko rin si Kathy pero di ko sya makita. Tawagan ko nga sya.
"Hello?" Pagbungad nya.
"Hey! Asan ka?" Tanong ko.
"Nasa room. Bakit?" Sabi niya.
"Pumunta ako jan kanina pero wala ka. San ka pumunta?" Tanong ko.
Habang si Evan patuloy lang sa paglalakad. Nasa unahan ko siya. Ewan ko kung nakikinig sya.
"Ah. Nasa CR ata ako nung pumunta ka." Sabi niya.
"Okay." Sabi ko.
"Ikaw asan ka?" Tanong niya.
"Naglalakad kasama si E--" bigla nalang akong natapilok. Buti nalang nahawakan ako ni Evan. Nahulog tuloy yung Iphone ko na bagong bili. Bahala na. Pagtingin ko crack na yung screen. Okay lang. Bibili nalang ako ng bago.
"Ayan kasi. Di tumitingin. Tsk!" Sabi sakin ni Evan habang pinupulot nya yung Iphone ko at umiiling.
"Sorry naman! Kasalanan ko bang may humps pala dito?" Sabi ko naman. Ngumiti nalang sya bilang sagot at binigay sakin yung Iphone ko.
Nagsimula na naman sya sa pagto-tour sakin. At di nawawalan ng mga tingin samin. Patuloy lang kami hanggang sa napagod na ata sya kaya sya tumigil sa paglalakad.
"Tara. Cafeteria tayo." Sabi niya.
"Ah,ikaw nalang. May next class pa ako." Sabi ko sakanya at ngumiti.
"Sige na. Libre ko!" Alok nya.
"Next time nalang. Sige,bye" tumakbo na ako dahil paniguradong late na ako.
Pagdating ko sa Room 4 bldg.3,lahat sila napatingin sakin. Hinihingal pa ako sa pagtakbo. Lahat ng student ngayonNandon na pala yung teacher namin. Hala lagot!
"Uhm. Sorry I'm late." Sabi ko.
"Find your seat Miss!"
Nakita ko yung isang upuan na bakante at umupo ako. Katabi ko yung kaninang walang partner sa first class ko. Napaka-seryoso ng lalaking to.
"Introduce yourself." Sabi ng teacher namin na maganda. 30 years old na ata to. Hula ko lang.
Lahat naghihintay kung ano ang sasabihin ko. Tatayo lang ako sa tapat ng upuan ko at sasabihin ko lang ang pangalan ko. Bahala sya.
"Eya Buenavista" sabi ko.
"Wala na bang mas iikli pa sa sinabi mo miss Buenavista?" Pagtataray nya. Tiningnan ko lang sya ng walang emosyon.
"Okay. Nagmeeting kami ng admin kahapon na wala muna daw na lesson ngayon. First day naman diba? So,you can go wherever and do whatever you want. Dismiss!" Sabi niya sabay alis. Badtrip yun ah? Akala ko pa naman kanina may lesson. Umalis na lahat. At ako nalang ang naiwan. Makaalis na nga.
Aalis na sana ako ng biglang may humarang saking mga lalaki.
"So,ikaw pala ang bagong girlfriend ni Van."
"What?" Iritang tanong ko.
"Magmamaang-maangan kapa ha? Sige ligpit niyo yan." Sabi ng isang leader ata. Hinawakan ako ng dalawa. Hindi naman ako pumalag. Wala akong pake sakanila. Mamaya ko sila bibigyan ng magandang show.
Dinala nila ako sa 4th floor ng building 5. Nasabi sakin kanina ni Evan na ditong room daw,headquarters ng Red Lion Gang (RLG). Isa sa pinakadelikadong Gang dito sa BWU. Kalaban din nila ito pero lagi naman daw natatalo ang RLG lalo na pagnakakalaban ang leader nila.
"Ano bang kailangan nyo sakin?" Tanong ko sakanila. Buti nalang talaga,free time ngayon.
"So nasa Room1 Bldg1 ka pala kanina. It means,magaling ka. Tingnan natin ang galing mo!" Bigla akong sinampal ng napakalakas ng leader.
"Vince wala atang laban eh. Wag mo ng patulan!" Sabay tawanan ng lahat. Sinabunutan naman ako ng isa. The F. Nakakadalawa na to ah?
"Wag na wag kang lalapit ulit kay Van kundi papatayin kita!" Sabi niya ng may pagbabanta. Dahil sa sinabi niya,natawa ako. Hindi ganon ang isang gangster. Gusto ko tuloy syang pikunin.
"Sino ka para pangunahan ako?" Sabi ko na ikinapikon nya. Sasampalin nya sana ako ng bigla ko itong napigilan at sya ang sinampal ko. Lahat sila natulala.
"Sabi ko,wag nyo akong basta-bastahin. Tabi nga jan! Pupuntahan ko pa ang BOYFRIEND KO!" Asar ko sakanya tapos bigla ko siyang tinulak para maka-daan ako. Pagtapat ko sa pinto,bumaling ulit ako sakanila.
"Nga pala,nakalimutan ko" sinabunutan ko yung long hair na lalaki at halos maalis sa anit yung buhok. Hahaha. Buti nga. Bumaba na ako tapos tumambay sa likod ng cafeteria. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga ay may sumampal na naman sakin. Pagtingin ko isang babaeng kikay ang sumampal sakin kasama ang siyam na babaeng puno ng make-up ang mukha.
"Get away from Van. He's mine not yours!" Sabi nung sumampal sakin.
Nginitian ko lang sila at umalis na ako sa lugar na yun. Tsk. Ayoko ng gulo.

BINABASA MO ANG
The Secrets
RandomAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang inaatupag sa kanyang buhay kundi ang pakikipaglaban. Nagmula sya sa desenteng pamilya pero walang may alam na nakikipaglaban sya. Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya...