Chapter 11

7 2 0
                                    

Kathy's Pov

12:00o'clock natapos yung klase ko. Papunta ako sa cafeteria kasama si Farrah,kaibigan ko simula 1st year. Siguradong bored na dun si Eya. Binilisan pa namin yung lakad namin. Nang makarating kami sa cafeteria. Hinanap ko agad sya. May nakaagaw ng pansin ko na may tumatawa dun sa likod. Pinuntahan ko yun. Pagdating ko,nagulat ako sa nakita ko. Si Evan at si E--ya? Magkasama? Nagtatawan? Ewan ko pero parang nag iba yung aura ko at bigla nalang umalis sa lugar na yun. Hindi ko alam kung selos ba to o ano. Pero isa lang ang sigurado ko,ayaw kong makita muna si Eya.
"Oh? Bakit tayo umalis? Nakita mo na ba siya Kath?" Tanong ni Farrah.
"Ah. Hindi. Siguro umalis na kasi ang tagal natin." Sagot ko.
"Hindi tayo magla-lunch?" Tanong niya ulit.
"Mamaya na siguro. Hindi pa naman ako gutom eh. Ikaw?" Sabi ko ng walang emosyon.
"Hindi rin." Sabi niya. Tapos after ng ilang minutes nagsalita ulit sya. "Nga pala Kath,kaya ka ba umalis dahil nakita mo si Van? And worst,may kasamang babae?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ah? Nandon ba sya? Di ko napansin." Pagmamaang-maangan ko.
"Oo. Nandon sya. Maganda naman yung girl tapos simple lang." Sabi niya pero nainis ako sa pahayag niya.
"Wag na natin sila pag usapan." Sabi ko.
"Mahal mo pa?" Tanong niya.
"Hindi na. Past is past." Sagot ko.
Yeah. Past is past pero bakit hanggang ngayon naaapektuhan pa rin ako. Ex ko nalang sya kaya wala na akong karapatan magselos. Oo,EX ko si Evan Monreal. Kabilang sa grupo ng pinakasikat na gang.
"Oo na nga lang" sabi niya at ngumiti.
Mga 1pm,pumunta na ulit kami sa cafeteria at wala na dun si Eya. Hinatid kaya sya? Ano ba tong pinag iisip ko. Nag order na kami ni Farrah at kumain.

Eya's Pov

Umalis ako sa cafeteria,12:55 o'clock. Bakit kaya di dumating si Kathy? Eto tuloy ako,tumatakbo na naman dahil late na ako. Habang tumatakbo ako,may nabangga ako tapos pareho kaming natumba. Nagulat ako kasi nagdikit yung mga labi namin. Buti nalang walang nakakita. Tumibok ng mabilis yung puso ko. Dali dali akong tumayo at sinampal ko sya.
"Bakit ka ba nananampal? Eh ikaw ang tumatakbo. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo next time!" Tapos umalis na sya. Omg! Sya yung lalaking palaging may headset sa tenga. Blake ata ang pangalan. Tsk. Sungit. Kasalanan ko naman kasi eh,nasampal ko tuloy sya dahil nagulat ako sa pagdikit ng mga labi namin. First time ko yun eh. Hindi ako makapaniwala. Natulala ako ng saglit.
Hala! 1pm naaa. Late na ako!
Pagdating ko ng room. Lahat na naman sila nakatingin sakin. Napatigil sila sa mga ginagawa nila saglit tapos bumalik ulit. Wala pa yung teacher namin. Buti nga. Siguro akala nila ako ang teacher nila tapos nung napagtanto nilang estudyante lamang ako ay bumalik sila sa mga ginagawa nila. Hahaha.
Dumating na yung teacher namin. Nag activity ulit kami. Tapos dismiss. Paulit ulit lang ang ginagawa ng mga teacher.
Sa wakas uwian na. Tinawagan ko na si Manong Dan para sunduin ako. Grabe! Andaming nangyari ngayong araw. Hindi ako makapaniwala na nakaligtas ako ngayong araw. Pero nagsisimula palang ito. Habang hinihintay ko yung driver,nakita ko si Evan at si Greg na magkasama. Pareho silang seryoso. Magkakilala pala sila.
May lumapit na magandang babae sa dalawa at kiniss nya pa yung dalawa sa pisngi at yinakap. May dumating na Ferrero tapos sumakay na silang tatlo. Maya-maya,dumating na rin yung sundo ko.

Pagdating ko sa condo ko,nagbihis ako dahil may pupuntahan ako.

Pumunta ako sa mall tapos bumili ng bagong Iphone kasi ngs nasira kanina yung isa at pumunta ako sa isang restaurant at dun na nagdinner. Tinatamad ako magluto eh.

Pag uwi ko,agad kong sinalpak yung simcard ko. Tinawagan ko si Mommy at kinamusta,kinamusta niya rin ang first day of class ko,sabi ko ayos lang. Tinawagan ko rin si Kathy ng ilang beses pero di niya sinasagot. Busy yata. Bahala nga sya. Kanina di na nga sya sumipot tapos di pa sya sumasagot. Nakakatampo.

Nagshower na ako tapos nanood ng tv at nakatulog nalang dshil sa pagod.

The SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon