Chapter 7

10 0 0
                                    

Kathy's Pov

Linggo ngayon. Bukas na ang pasukan. Excited na ako. Pero hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na enroll agad kami dito sa school. Hanggang ngayon ay di pa rin kami nagpapansinan ni ate. Kasalanan nya yun eh. Hay nako. Bahala nga sya sa buhay niya. Ano kayang magandang gawin ngayon? Mag-mall kaya ako? Sige na nga.

Tinawagan ko si Eya kung pwede sya pero hindi daw dahil pupunta daw sya sa bahay nila. So,ako nalang solo.

Naligo na ako at nagbihis. Simpleng plain white v-neck lang tapos pants ang suot ko tapos rubbershoes. It really fits me. Kinuha ko na yung bodybag ko tapos nagpaalam kay yaya at umalis. Hindi ko nakita si Ate. Umalis din ata.

Pagdating ko sa mall. Pumili ako ng mga damit. At sa 1hour kong pagpipili,dalawa lang ang nabili kong damit worth 1500. Ang ginawa ko ay pumunta ulit ako sa ibang botique at after 2hours may 5 damit akong nabili.

Pinuntahan ko naman sunod ang "Shoes that Fits you" Shoe Shop ni Ate Den. Magaganda ang mga sapatos dun kaso ang mamahal. Bumili ako ng black shoes na gagamitin ko bukas. Bumili rin ako ng 3 rubbershoes. Ang saya ko dahil may discount ako. Haha. Pinsan ko eh.

Pagkatapos kong mamili,pumunta ako ng coffee shop. Umupo ako tapos nag order. Hay! Nakakapagod namang magshopping. Tiningnan ko yung relo,Omg! Six o'clock na pala. Ok lang. Bahala na.

Tuningin-tingin ako sa paligid at nagulat ako sa nakita ko,si Evan at may kasama syang babaeng maganda. At inaayos nya yung sintas nung girl. Sweet. Kadiri. Shet. Bakit ang gwapo nya pa rin at di ako magsisinungaling na namiss ko sya. Napailing ako. Nakita ko syang lumingon sa direksyon ko. So,ang ginawa ko ay nagpanggap na walang nakita at nagfocus sa coffee ko. Girlfriend nya kaya yun? Hay nako,kung ano anong iniisip ko.
Pero bakit hanggang ngayon,masakit pa rin? Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
"Shet" mahinang bulong ko.

Pagtingin ko sakanila ay nakaalis na sila. Nakakainis. Di niya man lang ako nilapitan. Pero okay na rin siguro to.

Umuwi na ako sa bahay. Di na ako nagdinner dahil nawalan na ako ng gana. Ang ginawa ko ay hinanda ko yung mga gagamitin ko bukas. Tapos nagshower na ako at natulog.

Evan's Pov

Ako si Evan Monreal. 14 years old. Nag-aaral sa BWU. Gustong makuha ng lahat ng kababaihan.Syempre,gwapo daw eh. Haha. Oo mayaman kami pero wala akong pake. May anim akong kaibigan. Ang grupo namin ang pinaka-sikat sa BWU at walang sinuman ang nagtangkang bumangga samin.

Nasa mall ako ngayon kasama si Audrey. My cousin. Isa syang model at kakauwi nya lang sa Pilipinas. Kanina pa kami pasikot-sikot ng mall. Nakakapagod na nga eh. Marami na rin siyang binili at ako pa talaga ang pinabitbit. Maya-maya natapakan ko yung sintas ng rubbershoes nya. Tsk! Bored kasi ako eh kaya di ko sinasadya.
So,ang ginawa ko inayos ko na ito bago pa sya magalit. At isa pa naka-skater skirt sya kaya di niya naman ito maaayos kaya ako nalang. Nakakainis.
Nung pagtayo ko,may napansin akong nakatingin saakin. Tiningnan ko sa may coffee shop at di nga ako nagkakamali. May isang babaeng nakatitig sakin na agad namang binawi ang tingin. Di ko sya namukhaan pero parang pamilyar. Huminga nalang ako ng malalim at umiling.

Umalis na kami ni Audrey dun at pumunta sa Jewelry Shop. Bumili sya ng bracelet worth 4000+. Mayaman naman sya eh. Kayang kaya niya bilhin ang ano man na gusto nya. Pagkatapos nun,umuwi na kami dahil past 7 na. Hinatid ko na rin si Audrey sa bahay nila.
Bukas na ang first day of class at paniguradong konti ang transferee. Mas mahirap ang pagsubok ngayon eh. Bahala na. Wala naman akong pakialam eh.
Nagshower na ako at natulog.

The SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon