Eya's Pov
First day of class kaya maaga akong pumasok. Hinatid ako ni Manong Dan,driver namin. Pagbaba ko ng kotse ay bumungad sakin ang napakalaking gate. Medyo tago tong lugar na to kaya wala masyadong dumadaan. May parang pasukan dun ng form bago ka makapasok so ang ginawa ko pinasok ko ang form ko at agad naman itong nagprocess at biglang lumabas ang temporary I.D ko.
Ini-scan ko dun sa gilid ng gate tapos nag thumb mark ako at biglang bumukas yung gate. Napakalawak naman ng school na to. Ang laki ng grounds at sigurado akong maliligaw ako dito. 6 buildings ang nakikita ko. Pumunta ako sa guard at nagtanong.
"Guard,Can you please help me find my classroom?" I asked him formally.
"Where's your temporary I.D?" Tanong nya rin.
"Here" binigay ko sakanya yung temporary I.D ko.
"Wow. Siguro perfect mo yung pagsubok noh?" Nakangiting saad nya.
"Ha? Hindi po. Bakit mo naman po nasabi?" Pagtatakang tanong ko.
"Eh nasa Room 1 . Bldg.1 ang first subject mo eh." Sagot nya.
"Anong meaning po nun?" Walang gana kong tanong.
"Hindi mo alam?" Tanong nya na ikinainis ko.
"Obvious po ba? Kaya nga nagtatanong eh."
"Ang ibig sabihin nun,kaklase mo ang lahat ng pinaka magaling at pinaka sikat na mga gangster sa campus" seryoso niyang saad. Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Kahit po ibang level?" Tanong ko.
"Oo,pero sa first subject lang yun. Sa second subject hanggang huli,ang mga kaklase mo ay ang mga kaedad at kalevel mo na. Gets? Sige na pumunta kana sa room mo habang maaga pa." Pagpapaliwanag niya.
"Okay po. Thank you sa guide. Bye. " Binigyan ko sya ng isang ngiti bago ako umalis.Pagpasok ko sa room,wala pang tao. Kinuha ko na muna yung cellphone ko tapos tinawagan ko si Kathy. Sabi niya papunta na raw sya. Sana iisang room lang kami.
Dumating na si Kathy ng mga 7:15am. Nalaman ko rin na hindi kami magkaklase. Room 10. Bldg.1 sya. Medyo nadismaya lang ako. OP tuloy ako.
Nag-umpisa na ang klase. Lahat sila nakatitig sakin buti nalang dumating na ang guro namin.
"GoodMorning class!" Bati niya sa seryoso niyang mukha.
"Morning Mr. Santos" bati rin nila pero parang walang pake.
"As you all see,we have a transferee.." Tinuro nya ako.
"So,Can you please introduce yourself Miss? The floor is yours." Nginitian niya ako. Pumunta na ako sa unahan.
"Hi! I'm Eya Buenavista." Wala na akong balak dugtungan at nahalata yun ng guro namin kaya naman ngumiti nalang sya.
"Okay, thank you miss Eya.
Class,dahil first day of class ngayon wala na muna tayong lesson pero may activity."
Tahimik lang kaming nakikinig sakanya.
"Find a partner,boy to girl, at dapat may partner kayo. Hindi pwedeng wala,kung hindi maglilinis ang walang partner sa buong campus. Btw,dahil 25 kayo,may isang lalaking matitira. May ipapagawa ako sakanya. Is that clear?"
"Yes Sir" sagot ng iba at umiling naman yung iba. Sino ba naman ang gugustuhing maglinis ng buong campus?
Seryoso ba sya? Eh paano ako? Wala pa nga akong kakilala dito eh. Naku! Sigurado akong mapapalinis ako. Ayoko nun! Pero gaya ng sabi ni sir isa lang daw ang matitira dahil 25 kami at lalaki yun. Yes! Hahaha
Nakita kong may kanya-kanyang partner na ang iba at konti nalang ang natira. Jusko po! Hanggang sa tatlo nalang kaming natira. Shet,dalawang gwapo pa ang kasama kong natira.
"Miss,partner kita gusto mo?" Lahat sila napatigil ng tanungin ako ng lalaking maputi na chinito at sobrang gwapo.
"A-ko?" Tanong ko. Naninigurado lang. Baka hindi naman,masabihan pa akong assuming.
"Yup! Okay lang ba sayo Blake?" Pagtatanong nya dun sa lalaking seryoso na may nakasalpak na isang headset sakanyang tenga at naglalaro sa Iphone niya. Ang gwapo nya rin. Mas gwapo sya kesa dito sa isa. Tumango lamang ito bilang kasagutan.
"Oh pano yan,partner tayo." Sabi niya sabay ngumiti. Shet. Gwapo. Nginitian ko rin sya pero sandali lang dahil nagsalita na si Mr.Santos."Okay Class,dahil lahat na kayo may partner. Ang gagawin niyo ay kikilalanin niyong mabuti ang isa't isa. Next week,ang lahat ng itatanong ko about sa partner nyo ay dapat masagot nyo. Clear?"
"Yes Sir!" Ang korni ni sir. Tsk!
"Okay! Dismiss!" Lumabas na sya ng room. Lahat ay nagsibulungan at tumingin sakin. Hinayaan ko lang sila.
Maya-maya lumapit yung chinito sakin. Yung partner ko."Hi! What's your name again?" Tanong nya.
"Eya" sagot ko.
"Cute. Btw,I'm Evan" nginitian nya ako at nakipag-shakehand.~
A/N: Next Update is on Tuesday evening.
Thanks for reading.
Vote and comment :)
BINABASA MO ANG
The Secrets
De TodoAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang inaatupag sa kanyang buhay kundi ang pakikipaglaban. Nagmula sya sa desenteng pamilya pero walang may alam na nakikipaglaban sya. Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya...