Evan's Pov
Pagdating ko sa bahay tumawag si Blake.
"Oh bakit pre?" Tanong ko.
"Punta ka ng headquarter. Sabihan mo yung iba. Asap." Sabi niya at biglang end call.
Nagshower ako at nagpalit ng damit. Tinawagan ko na sina
Axel,Chester,Dylan,Flynn at Greg.Pagdating ko sa headquarter kompleto na silang lahat.
"What's up?" Tanong ko.
"Gawin niyong magulo ang buhay ni Eya Buenavista." Sabi ni Blake ng walang emosyon at sabay bigay ng picture ni Eya samin. Tumango yung iba at napangiti. Nagulat ako sa sinabi niya.
"What? Are you serious? Anong problema nya sayo Blake?" Sabi ko sakanya. Tumahimik naman ang lahat. Mabuting tao si Eya kaya hindi pwedeng sirain ni Blake ang buhay niya.
"Yes. Fucking serious. So kung ayaw mo,you better leave." Sabi niya.
"Hindi pwede,babae sya blake." Sabi ko sakanya ng pasigaw.
"Eh ano naman sayo? Wala akong pakialam basta bukas gusto ko mag umpisa na kayo." Sabi niya at pumasok na sa kwarto niya.
Napailing nalang ako.
"Bakit nga ba concern ka sa transferee Van?" Tanong ni Dylan. Napatingin ako sakanya.
"Sya na ba ang pinalit mo kay Katkat?" Sabi ni Axel. Napatingin naman ako sakanya at di nagdalawang isip na sugudin siya,agad ko syang sinuntok ng malakas na ikinatumba niya.
"Bakit ba sya nadamay dito ha?" Galit na tanong ko.
"Bakit hanggang ngayon naaapektuhan ka pa rin Evan? Mahal mo pa ba siya?" Sabi naman ni Chester. Natahimik ako bigla. Bakit pag yan ang tanong bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Oh ano Evan? Sumagot ka!" Sabi ni Axel.
"Tumigil nga kayo mga pre!" Sabi naman ni Flynn. Tumahimik ng ilang minuto."Ano Van? Bakit di ka makasagot?" Sabi ni Chester.
"OO. Damn! Mahal ko pa sya at hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik sya! Masaya na kayo?" Sigaw ko sakanila na ikinatahimik nila. The fuck. Lumabas ako ng headquarters tapos pumunta sa mall. Magre-relax lang. Tsk! Kung alam ko lang na magkakagulo eh di sana di na ako pumunta.
Tumingin tingin ako sa paligid tapos nakita ko si Eya bumibili ng Iphone. Rich kid. Hahaha. Naalala ko yung kanina na nabasag yung phone nya. Napa-smile tuloy ako sa nakita ko.
Gusto ko syang lapitan at sabihang mag ingat sya bukas kaya lang umalis na sya.
Habang nasa starbucks ako,tumawag si Audrey. Sinagot ko naman agad ito.
"Hey! Where are you? It's dinner time." Sabi niya.
"Sa starbucks. Uuwi ako sa condo ko hindi jan sa bahay. Kumain kana" sabi ko.
"Ano ba yan! I tried my best to cook this ulam tapos hindi ka naman pala kakain dito. Si kuya Greg na nga lang tatawagan ko" sabi niya na parang nagpapaawa at nagtatampo. Haha
"Sige. Next time nalang." Sabi ko at hinang out ko na yung call. Nga pala si Greg Alvarez ay cousin ko rin.Umuwi na rin ako sa condo ko tapos nagvideo game hanggang 12. Grabe,matutulog na nga lang ako may pasok pa bukas eh.
Greg's Pov
Hinatid ko si Hanna sa bahay nila. Oo,bati na kami. Nagsorry na sya sakin. Ang saya ko nga eh,dahil napagtanto nya na sya ang may kasalanan.
"Bye babe!" Sabi niya sabay kiss sa lips ko.
"Bye. I love you" sabi ko.
"I love you too. Sorry ulit!" Ngumiti sya tapos pumasok na ng gate.
6pm na pala.
Pauwi na ako sa bahay nang biglang tumawag si Audrey.
"Oh?"
"Can you please come here in Evan's house?" Sabi niya ng nagmamamakaawa.
"Why?" Tanong ko.
"Kasi si Evan di ako sinamahan mag dinner. Ikaw nalang. Please?" Sabi niya.
"Ako talaga? Gusto mo si Blake?" Pagbibiro ko. Nabanggit niya kasi kanina na crush niya si Blake.
"What the? Seriously? Omg! Thanks Greg!" Sabi niya na sobrang tuwa.
"Just kidding Aud. Haha. On the way na ako." Hahaha. Grabe. Hindi ko ma-imagine ang mukha niya. Haha.
"K. I hate you!" Sabi niya at biglang end call. Haha. Natatawa talaga ako.Pagdating ko dun,nakatulog na sya sa sala. Kaya binuhat ko sya papuntang kwarto niya. Lalabas na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Don't leave me. Please?" Napalingon ako. Umiiyak sya?
"Ae-ro do--n't lea--ve me!" Sabi niya habang tulog siyang umiiyak. Sinong Aero? Lumapit ako tapos hinaplos ko yung likod niya para tumigil na siya sa pag iyak. Pinakuha ko ng tubig si yaya. Ginigising ko sya pero ayaw niya naman.
10pm na. Hala!
Sa wakas,huminto na rin sya. Nagpaalam na ako kay yaya at binilin ko na si Audrey sakanya.
Tapos umuwi na rin ako sa bahay dahil gabing gabi na at sermon na naman ang aabutin ko nito.
Pagdating ko sa bahay,pinagalitan nga ako ni Ate. Pero ayos lang,sanay naman ako eh at wala akong pake sakanya kahit nakakatakot sya. Nagshower na ako at natulog.
BINABASA MO ANG
The Secrets
RandomAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang inaatupag sa kanyang buhay kundi ang pakikipaglaban. Nagmula sya sa desenteng pamilya pero walang may alam na nakikipaglaban sya. Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya...