Eya's Pov
Days have passed. Umuwi na si mommy sa America. Iniwan nya ako dito sa bahay together with the 8 maids. Ang problema lang malayo sa school, so I decided to buy a condo unit. Maganda sya at simple lang. Dito ko balak tumira muna habang nag-aaral ako. Para di hassle. Oo nga pala,napagdesisyunan namin ni Kathy na sa BWU kami mag-aaral. Alam nya na kumuha na akong condo. Pumupunta nga sya dito eh. Palagi rin kaming pumupunta sa mall. Minsan pumupunta ako sa bahay nila pagwala ang ate nya. Di ko pa kilala ang ate nya pero sabi niya sakin mataray daw at matapang. May naalala nga ako nung sinabi niya yun eh. Nevermind kung sino.
Pupunta kami ngayon ni Kathy sa BWU para mag-enroll. Actually tinatamad ako pero wala eh,kailangan kasi.
Tawagan ko kaya si mommy? Hmmm. Sige na nga."Yes Hello?" pagbungad nya.
"Mom pupunta kami ngayon sa papasukan naming school."
"Saan naman yan?" Tanong nya habang may kinakain ata.
"Sa BWU" sagot ko.
"Maganda ba jan baby?" Paninigurado nya.
"Oo naman po mommy. Dito nga rin po si Kathy mag aaral eh." Pagpapaliwanag ko.
"Really? Oh. That's Good. Sige give me the number of the school." Sabi niya.
"Wait po. Oh here 424-687." Binigay ko sakanya yung number na nakalagay sa form. Tumigil sya sandali tapos parang may kinakausap sya.
"Ok na baby. Wag na kayong mag-enroll." Sabi niya na ikinagulat ko. Hindi to pwede.
"Bakit mommy? Gusto ko po talaga dun mommy eh. Sige na please?" Pagmamakaawa ko.
"May sinabi ba akong hindi ka dun mag-aaral?" Tanong nya ulit.
"So what do you mean?" Tanong ko rin.
"Sabi ko wag na kayong magpa-enroll dahil enroll na kayo."
Sabi niya."REALLY? Yehey. Thank you mommy. I love you." Tuwang tuwa ako. Grabe. Ang lapad ng ngiti ko. Hahaha
"Next time baby patapusin mo akong magsalita okay? Sige na. Take care ha? Love you too."
"Bye po mommy!"
End Call.
Dumating na si Kathy.
"Oh? Bakit anlakas ng sigaw mo? Hanggang labas Eya!" Sabi niya sabay upo sa couch.
"Abot ba? Haha. Natutuwa lang kasi ako dahil finally enroll na tayo sa BWU!" Sabi ko sakanya ng nakangiti.
"Nababaliw kana ba? Eh pupunta palang tayo dun ah?" Gulat na tanong nya.
"Si mommy ang nag enroll satin dun! So Basic!" Sabi ko sakanya.
"Mahirap makapasok ng basta basta sa BWU. Lalo na kung di talaga ikaw kasama sa pag enroll. Sigurado ka bang enroll na tayo?" Panigurado niya ulit.
"Oo nga! Ang kulit mo naman! Gusto mong tawagan ko ulit si mommy para maniwala ka?"
"No need. Pero IMPOSSIBLE!'
Sabi niya habang umiiling."Bakit naman impossible?"tanong ko.
"Kasi--. Nevermind!" Sabi niya.
"Ish. Bakit nga?" Pangungulit ko.
"Wag kanang makulit. Kumain nalang tayo."
Hindi ko na sya napilit. Nagluto ako ng adobong manok tapos sinigang na baboy. Si manang linda ang nagturo sakin kung pano lutuin yun. One of our maids.
"Hoy Kathy. Sabihin mo na kasi sakin." Sabay pout ko.
Tiningnan nya ako bago nagsalita.
"Gusto mo ba talagang malaman?" Seryoso niyang saad.
"Oo naman." Sagot ko.
"Fine. Ganito kasi yun,hindi ka makakapasok ng basta-basta dun kung wala kang kapit." Paliwanag niya.
"Kapit?"
"Oo. Makakapasok ka dun ng madalian kung may kamag-anak kang isa sa mga Facilitators or Administrator. Meron ba?" Tanong nya.
"Ha? Eh di ko nga sana malalaman yun na school kung di mo sinabi sakin eh. Eh maski si mommy tinatanong ako kung maganda ba daw dun. Kaya pano naman ako magkakaroon ng kapit dun?" Paliwanag ko rin."Yun naman pala eh. Eh paano tayo dun nakapasok ng basta-basta? Eh hindi nga natin nadaanan ang mga pagsubok eh. Suppose to be,ngayon sana natin haharapin ang mga pagsubok pero like what you've said hindi na tayo tuloy." Sabi niya at uminom na siya ng tubig tapos na ata syang kumain.
Linigpit ko na yung pinagkainan namin. Tapos sinundan ko sya sa sala.
"Pero wala talaga akong alam" sabi ko rin sakanya. Totoo naman eh. Wala talaga akong alam about dun.
"Siguro nga wala kang alam pero malay mo may mga kailangan kapa talagang malaman. Dahil Impossible talaga!" Sabi niya sakin. Tumango nalang ako. Sisiguraduhin kong aalamin ko ang lahat ng ito."Sige. Aalis na ako Eya. Baka hinahanap na ako ng ate ko." Pagpapaalam nya.
"Okay. Bye! Ingat" Hinatid ko sya sa labas ng gate tapos nakasakay na rin sya sa taxi.
Pumasok na ako ng bahay at hinugasan ko yung pinagkainan namin.Kailangan ko talagang malaman ang totoo. Tatanungin ko kay mommy at kung di niya sabihin,I have my source. Napangiti nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/51244066-288-k8121.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secrets
RandomAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang inaatupag sa kanyang buhay kundi ang pakikipaglaban. Nagmula sya sa desenteng pamilya pero walang may alam na nakikipaglaban sya. Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya...