Eya's Pov
Nandito ako ngayon sa rooftop. Mamaya pa naman yung last subject ko ngayong umaga eh.
Ang ganda dito tumambay. Kung nandito lang sana ang mga gangmates ko. Nga pala,I have 7 gangmates. Bale 8 kami lahat. Tatlong babae at limang lalaki. We're friends since pre-school. Wanna know why? It's because me and my gangmates are pure Filipino. We just study there in states for our family's sake at dahil na rin dun kami pinanganak.
Humiwalay na muna yung iba dahil sa business and education. Pumunta sila sa iba't ibang bansa. (Sina Aero,Yumi,Rain at Xavier) Tapos yung dalawa,(si Zea at si Jeff) ay pumunta sa Korea at Japan. Si Victoria ang right-hand ko. Magaling sya sa bows and arrows. Magaling syang makipaglaban at konti ang pasensya nya. She's my bestfriend pero bigla nalang syang nawala kaya di namin alam kung nasan sya. At ako,nasa Pilipinas. We promise that we are going here in the Philippines someday. Inaasahan kong susunod sila balang araw. Lahat ng parents namin hindi alam na mga gangster kami. Siguradong magkakagulo pagnalaman nila. Ang grupo namin ang pinakamagaling sa buong America. Pero walang may alam kung sino kami. Oo,may mask kami pagnakikipaglaban. Kaya di nila malalaman.
"Wow. Cool!" Sabi ng isang lalaki dun sa may hagdan. Bigla nya nalang kasi akong binato ng kutsilyo pero nasalo ko ito ng hindi nasusugatan. Nagulat nga ako kasi nagpapahangin ako tapos biglang may taong darating.
"Tsk." Yung lang ang nasabi ko at umiling.
"Sino ka?" Tanong nya.
"Eya." Sagot ko.
"Nice to meet you. I'm Greg." Pakilala niya at ngumiti.
"Who cares?" Sagot ko.
"Just sharing. The fuck. Pati ba naman ikaw magtataray?" Galit na sabi niya.
"Nag-away kayo noh?" Sabi ko sakanya habang nakatingin sa kawalan.
"How did you know? The Fuck. Stalker?" Sabi niya.
"No. Gasgas na linya ng mga walang kwentang magshota na nag aaway. Langhiya! Pati pagtataray ko nadamay. Kasalanan ko bang maging moody ako?" Sagot ko sakanya at ready na sana ako magwalk out nang biglang hilahin niya ang kamay ko.
"I'm sorry" walang emosyong sabi niya. Tumango nalang ako. Tapos sinabi nya rin sakin kung bakit sila magkaaway ni Hanna,girlfriend niya. Kasi daw napaaway daw sya isang gabi dahil binabastos yung girlfriend nya tapos pagdating daw sa bahay ng gf nya sinampal pa sya nito at grabe ang pagtataray ngayong umaga. Grabe naman yun. Naaawa tuloy ako kay Greg.
Pero maganda sya kausap. I like his company. Sabay kaming bumaba at pumunta sa cafeteria. Kumain lang kami sandali tapos pumunta na sa room namin. Kaklase ko pala sya.
Habang nag aactivity kami,may nag aaway dun sa unahan. Pero pinapabayaan lang ng teacher namin. Bahala nga sila.
Bigla nalang silang huminto nung may dumating na grupo. Tatlong babae at siyam na lalaki.
Napag alaman ko kay Greg na SSG officers pala yung mga dumating. Ewan ko ba! Bakit sa teacher namin di sila natatakot samantala yung mga katulad lang naming estudyante ay takot na takot sila.
"Ibang klase kasi magparusa ang SSG." Sabi ni Greg.
"Ha? Bakit? Pinapatay ba nila ito?" Gulat na tanong ko.
"Hindi lang basta patay,ipapakilala ka pa nila sa d*m*ny*. Pero yung mga malalaking Gang di nila binabangga." Sabi niya.
"Oo? Anong klase silang SSG?" Tanong ko.
Nagbikit balikat lamang siya at lumabas na ng room.
Oo nga pala,lunch na. Pupunta na ako sa cafeteria at tinawagan ko na rin si Kathy na pumunta nalang dun.
Nasa cafeteria ako ng biglang naki-upo si Van/Evan. Nag order na kami ng kakainin namin tapos nagkwentuhan habang hinihintay ko si Kathy.
"Close pala kayo ni Greg noh?" Tanong niya.
"Ah. Hindi naman" sabi ko. Totoo naman eh. "Di kami close,nag uusap lang." Dugtong ko.
"Anong pinag usapan nyo?" Tanong niya. Curious masyado.
"Lovelife nya." Sabi ko.
"Ganon ba? Gusto mo ba malaman lovelife ko dati?" Tanong niya.
"Kahit hindi ako interesado,sige kwento mo na! Pero bakit dati? Wala na ba ngayon? " Sabi ko sabay subo ng pagkain ko.
"Ganito kasi yun,nung 1st year kami nabihag ang puso ko ng isang nerd tapos niligawan ko sya pero akala nya nangtitrip lang ako. Pinatunayan ko iyon sakanya tapos makalipas ang limang buwan naging kami. After 2 months naming maging couple nalaman yun ng pamilya nya tapos linipat sya ng school hanggang ngayon di ko na sya nakikita." Bigla syang ngumiti pero puno ng kalungkutan ang mata nya.
"I'm sorry about that." Sabi ko with full of sincerity.
"Okay lang. Ano ka ba! Ako ang nagpresentang ikwento yun sayo. Tsaka,past is past. Hahahaha" sabi niya habang tumatawa.
"Mahal mo pa?" Tanong ko.
"I don't know." Ngumiti sya.
Nagpatuloy na kaming kumain hanggang sa umalis na sya dahil sabi niya may pupuntahan pa sya. Hinihintay ko pa rin si Kathy. Shet. 12:49 na. May pasok pa ako. Antagal nya.
BINABASA MO ANG
The Secrets
RandomAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang ibang inaatupag sa kanyang buhay kundi ang pakikipaglaban. Nagmula sya sa desenteng pamilya pero walang may alam na nakikipaglaban sya. Lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kanya...