Chapter 13

5 1 0
                                    

Eya's Pov

Maaga akong nagising. Tumawag si mommy at may pinapagawa.
Ginawa ko lang yung usual routine ko tapos pumasok na ng school. Di na ako nagpahatid. Linakad ko lang,malapit lang naman eh at maaga pa naman. Siguro 10 minutes lang pagnaglakad ka at pagsumakay 3 minutes ata.
Pagdating ko sa school binati ko agad si Guard.
"Goodmorning Guard!" Nakangiti pa ako nyan ha?
"Goodmorning!" Sabi niya naman ng nakangiti. Pumasok na ako sa room. Tapos nilagay ko yung bag ko sa katabi ng upuan ko dahil parang naamoy kong may naglagay ng mightybond dun sa upuan ko. Kinuha ko yung water ko tapos binuhos ko dun sa upuan na may mightybond para walang umupo dun. Lumabas na ako ng room,tapos di ko namamalayan na may bumatong kutsilyo sa kamay ko. Buti nasalo ko agad.
Teka? Kay Greg ba to? Akala ko pa naman mabait sya,di pala. Napailing nalang ako.

Greg's Pov

Gaya ng utos ni Blake,maagang maaga kami dito sa BWU.
Binato ko yung kutsilyo sakanya habang nakatalikod sya. Pero di ko akalaing masasalo niya. Grabe! Ang bilis niya!
Tiningnan niyang maigi yung kutsilyo at umiling.
"Alam kong nanjan ka lang Greg! Harapin mo ako! Kung tunay kang lalaki di ka magtatago jan sa lungga mo!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Pano nya nalaman?
"Natatakot ka ba? The fuck. Oo,mataray ako at di kita uurungan. Ngayon,lumabas ka kung ayaw mong itapon ko tong kutsilyo mo sa taong pinakamamahal mo!" Sigaw niya ulit na may pagbabanta. Napangiti ako sa sinabi niya. Ganyan ba sya katapang? Eh nung kausap ko nga sya kahapon,parang ang hina-hina niya. Para namang papaniwalaan ko sya.
"Ayaw mo talaga? Isa... Dalawa... Tatlo.." Bigla niyang binato yung kutsilyo dun sa may gate. Pagtingin ko,may natamaan siyang babae. Teka?

Ha--nna?

Eya's Pov

Na-feel kong papasok na si Hanna. Kaya binato ko na yung kutsilyo para sakto sa kamay. Ofcourse kilala ko sya. Di lang dahil sa kwento ni Greg.
Kundi dahil din,tinawagan ako ni mommy kanina at puntahan ko daw ang bahay ni Hanna mamayang uwian. Binigay niya sakin yung address. Pinakita niya yung picture sakin at yung ibang details about kay Hanna. Yes! She's my cousin. Nagulat din ako kasi nung nakita ko yung picture niya,siya yung linigtas ko sa America laban sa mga rapist. 2 years ago.
Nadaanan ko siya kanina sa bahay nila na nakaready nang umalis kaya alam ko na kasunod ko lang syang dadating.

Biglang lumapit sakanya si Greg. At ako din lumapit.
Bigla niya akong sinakal. Galit na galit sya sakin. Hahaha. Natatawa ako. Pero di ko ito pinahalata.
Bigla nalang may sumuntok sa kanya kaya natumba sya. Si Evan pala.
"Ano ba Evan? Tingnan mo ang ginawa niya sa girlfriend ko! Tapos kakampihan mo pa sya?" Galit na sigaw ni Greg.
"Yan lang ang ginawa nya? Galit na galit kana? What if natamaan mo rin sya kanina? Magagalit ka din ba?" Sigaw naman ni Evan. Tahimik naman na nakikinig si Hanna.
"Bakit ako magagalit? Eh walang kwenta ang babaeng yan eh! Dapat lang na patayin sya." Sabi niya naman tapos tiningnan ako ng masama. Umiling nalang si Evan at nag-smirk.
"Humanda ka mamaya!" Sabi niya ulit tapos Inalalayan niya si Hanna papuntang clinic.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Evan.
Tumango lang ako at pumunta na ng room. Sumunod naman sya sakin.
Nag umpisa na yung lesson. Katabi ko si Evan. Grabe! Sobrang boring.
Nung breaktime. Pumunta ako sa rooftop.
"Hey! Diba sabi ko sayo wag kang pupunta kahit saan ng mag isa?" Bigla sumulpot si Evan. Oo nga pala. Sinabihan niya ako kanina. Nakalimutan ko.
"Sorry. Nakalimutan ko!"
"Okay lang. Haha."
Andami naming topic ni Evan. Sinabi ko din sakanya na cousin ko si Hanna kaya di sya magagalit pagnalaman niyang pinsan ko sya. Nagulat sya. Sinabi rin sakin ni Evan na pinsan niya rin daw si Greg at kagrupo pa kaya kahit mag away sila,magbabati din naman sila. Syempre nagulat din ako,kaya pala magkasama sila kahapon eh. Ang saya niya kausap. Ewan ko ba kung bakit ang bait bait niya sakin. Bigla nalang akong napuwing. Ang ginawa nya inihipan niya yung mata ko para matanggal yung dumi. Grabe. Ang bango ng hininga niya.
Pero bakit parang may nakatingin samin habang iniihipan niya ako?
"Ano wala na?" Tanong niya.
"Wala na thanks." Sagot ko at ngumiti sakanya.
"Tara na? Matatapos na yung breaktime eh!" Sabi niya.
"Sige. Tara!" Ngumiti ulit ako sakanya.

Kathy's Pov

Breaktime. Nakita ko si Evan na papuntang rooftop. Gusto ko siyang sundan pero mamaya na,kakain na muna ako sa cafeteria.

Pagkatapos kong kumain,pumunta ako sa rooftop. Nagulat ako sa nakita ko. Si Eya may kahalikan? Bakit di ko mamukhaan yung lalaki. Pero parang pamilyar. Hindi! Hindi sya yun. Sana nga. Nung papunta na sila dito. Nagulat ako kasi si Evan nga yung lalaking kahalikan nya. Dali-dali akong bumaba at pumunta sa comfort room bago pa nila ako makita. Naiyak nalang ako sa nakita ko.
Masakit pero wala na akong magagawa.
Bakit si Eya pa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon