TG1

7.5K 170 2
                                    


"Ano na naman ang ginawa mo this time?" nang- gagalaiting tanong sakin ng matandang ito.

Tiningnan ko lang siya ng bored look at ngumuya ako ng bubble gum tsaka ito pinalobo at pinaputok.. "Ay dumikit" walang kabuhay- buhay kong sabi at itong matandang ito ay pulang- pula na ang mukha sa galit.

Parang gusto ko nang tumawa ng malakas sa harap ng matandang ito.. Parang toro na kasi ang mukha nito.

"Araw- araw nalang nasa principal's office ka. Sawang- sawa na nga ang guidance councilor niyo dahil oras- oras nalang pinapatawag ka niya." blah blah.. Paulit- ulit lang naman yang dak2 ng matandang ito. Tsk..

"Ano?? Sinapak mo na naman ang kaklase mo dahil sa inupu-an niya ang upuan moh? O tinapunan mo naman ang guro niyo ng bubble gum mo?? Oh my god.. Stone scarlet. Kung hindi ka lang ang pinaka matalinong estudyante dito sa paaralang ito, matagal na sana kitang pina kick- out!.." mahabang litanya ng gurang nato. Tsk.. Alam naman pala niya kung anong ginawa ko magtatanong pa.. Ang shunga talaga ng principal nato..

"Get out.. Before pa kita e kick- out dito..!!" malakas na sigaw niya sa akin. Well wala naman akong paki kahit na e kick- out ako dito. Sino ba kasi nagsabi na pumasok ako sa paaralang ito? Bwesit na buhay naman oh.

Dire- diretso lang ako sa gate ng paaralan na to, dahil sa tinatamad na akong pumasok. Lahat naman ng mga estudyante na madadaanan ko ay humahawi. Dapat lang noh.. Kung ayaw nilang bangasan ko ang pagmumukha nila.

Di na ako sinuway ni manong guard.. Nakatikim na kasi yan ng bangas sa mukha at medyo takot pa yan sa akin.

Dire- diretso lang ako sa paglalakad sa kalsada. Umiiwas naman sakin ang ilang tambay sa gilid. Takot lang nila.. Hahahaha...


"Puta.. Sino na namang hampas lupa ang pumasok sa pamamahay ko!" wala sa sariling sambit ko.

Panu ba naman yung gate nakabukas. Tsaka halatang may pumasok talaga.

Pumasok din ako sa mansyon na to at pinabayaan ang nakabukas na gate. Wala namang maglalakas loob na pumasok dito sa mga tambay dahil sa nakakatakot na itsura ng bahay at kalat na din dito sa lugar namin na isang dating laboratory ito at madaming pakalat kalat na mga ispirito daw dito.

Isa lang namang uri ng tao ang maglalakas loob na pumasok dito, at yun ang mga makapangyarihan at alam ko naman kung bakit sila nagpapabalik- balik dito.


Pumasok na ako sa loob at dumiretso na sa basement ng mansyon. Nasa basement kasi ang silid ko at ito ang itinuturi ko ng bahay ko.


Wala akong mga magulang at ang kumupkop sa akin ay patay na. Ewan ko ba bakit nag- iisa lang ako dito, pero may isa akong guardian.

Siya ang nagbabantay sa akin. Siya din ang nagsabi na pumasok ako ng paaralan dahil ang isang tulad ko daw ay dapat na mag- aral. Kainis lang diba?.

Minsan lang yan gumawi dito. Yung araw- araw sa isang linggo tapos tig- iilang oras lang ang pag si- stay niya at aalis din agad.


"Ang aga mo naman atang umuwi ngayon, pinagalitan ka naman noh?" napa- irap nalang ako sa lalaking ito na biglang- bigla nalang kung sumulpot.

"Tinanong mo pa.. Alam mo naman pala. Kainis..batukan kaya kita.." nag smirk lang siya sa akin at umupo sa mesa na nasa kanan ko at nilaro- laro niya ang isang dagger sa kamay niya.


"Aalis ako at matatagalan pa akong makakabalik dito." sabi nito sakin habang pinaglalaruan parin ang dagger.


"Oh? Palagi ka namang umaalis hah. Kung nag- aalala ka sakin, wag mo nang gawin..tsk.." pa irap kong sagot dito. Tumayo lang ito at ginulo ang buhok ko. Tinapik ko lang ang kamay neto at ngumiti lang siya.


"Di ako nag- aalala sayo noh. Nag- aalala ako sa principal mo baka kasi matuluyan nalang yun dahil sa konsumisyon." kinuha ko naman ang isang libro sa mesa at hinagis ito sa kanya. " gago!"


Tumawa lang siya habang hinihimas ang balikat niyang nasaktan.

"Seryoso.. Mag- ingat ka.." sumeryoso na din ako at napatango. Nilapitan niya lng ako at hinalikan sa noo bago tumalikod sa akin.

"Jiro.. Mag- ingat ka din" napahinto siya at napalingon sa akin at ngumiti bago umalis na.

Siya si jiro.. Ang nag- iisa kong guardian. Matanda lang siya ng tatlong taon sa akin at siya ang nag- aalaga at sumusuporta sa akin mula ng mamatay ang mga taong kumupkop sa akin.

Humiga na ako sa kama ko at tumagilid, pinagmasdan ko lang ang isang malaking tube na nakasara sa loob ng silid na to. Tsaka ako tumihaya at pinagmasdan ang kesame..


----------------------------------------------------------------------

Hello..?? Whehehehe... Do vote and comment guys', thankies.. :)


The Grail (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon