"Puta, kainis!!" inis kong sambit habang naglalakad ako dito sa academy na to at hindi ko na alam kung saan ako patungo.
Niluwagan ko pa ang neck tie ko hanggang sa mabuhol na ang pagkaka knot neto. Habang naka bukas na ang aking black blazer.
Wala akong pakialam kung hindi maayos ang pagsusuot ko nang aking uniporme. Di ako komportable sa unipormeng ito.
Bwisit na L kasi eh, pinipilit niya kasi akong magsuot ng uniporme kasi daw bawal daw yung naka civilian. Tsk, kakainis.. Tapos ayun pilit akong pinapasuot kanina ng black shoes na yun.
Binugbog ko na nga yun kanina ng pilit niya akong pinapasuot ng uniporme tapos pipilitin pa yung sapatos na yun? Aba't nakakarami na siya hah.
Rule breaker na kung rule breaker, wala akong pakialam. Dagdagan pa ng bwisit at booring na prof na yun, ayun nabinyagan agad ng kamao ko.
"Puta!!" yan lang ang namutawi sa bibig ko ng kamuntikan na akong mapasubsob sa lupa ng patidin ako ng isang kulugo na naka upo sa bench. Mainit na nga ang ulo ko dagdagan pa ng kulogo nato?
"Hahaha...hahha.." tawa pa neto sa harap ko. Tila nagsi akyatan naman ang lahat ng dugo ko sa ulo ko habang pinagtatawan pa ako.
Mabilis kong hinaklit ang collar niya at nilapit siya sa akin. "Putangina mo, ako pa ang napili mong pag tripan hah." nag ngingitngit sa inis at galit kong sabi sa kanya habang halos di na siya makahinga dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa collar niya na hinigpitan ko pa lalo.
"At nagawa mo pa akong pagtawanan hah" kahit gustong- gusto na niyang makawala sa akin ay di niya magawa. Nakahawak na siya sa kamay kong nakahawak sa collar niya.
Tinadyakan niya ang tuhod ko. Pero tila wala akong maramdaman. Puta ang weak ng gago.
"Sa.. Uulitin...wag.. Na.. Wag.. Mo akong...tripan.." putol putol kong sabi habang sinusuntok ko siya sa mukha habang nakahawak pa din ako sa kanya.
At isa pang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya dahilan para lumupaypay na siya at binitawan ko na siya.
"Walang kwenta!" sambit ko at tinalikuran nalang ang lalaking yun habang wala ng malay sa lupa.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung pinagtri- tripan ako.
*swwisshhh..
Mabilis kong naiwasan ang isang dagger na tumusok sa puno at napatingin ako sa isang lalaking galit na galit na nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip.
"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" galit na galit na tanong neto sakin. Puta.. Sinong kapatid pinagsasabi neto?
"Bat mo siya binugbog?" sigaw pa neto sa akin.
"Puta..alam mo naman palang binugbog ko siya tapos tatanungin mo pa ako? Asan utak mo??" tila umusok naman ang ilong neto sa sinabi ko. Totoo naman eh. Mga tao nga naman oo, nakita na nga ang nangyari tapos tatanungin pa.
"Papatayin kita!!" sigaw neto sa akin habang tumatakbo siya pasugod sa akin.
"Siguraduhin mong magagawa mo!" mabilis niya akong bibigyan ng sipa pero dahil sa nababagalan ako sa kanya. Sinalo ko lang ang paa niya at binalibag ko siya sa puno. Dumura naman siya ng dugo bago tumayo ulit.
Ang weak naman neto.. Sasayangin ko lng pala ang lakas ko.
Sumugod siya ulit at akmang susuntukin ako ng hablutin ko ang kamay niya at binali ito. "Aahhhhhhh"
Sigaw neto, pinaharap ko siya sa akin at sinuntok ang mukha nito ng tatlong beses hangang sa pumutok ang labi neto at dumugo ang ilong niya tapos sinipa ko siya sa sikmura kaya tumalsik siya at nawalan ng malay.
Tumalikod na ako at hahakbang pa sana ng makita ko ang isang lalaking pula ang buhok. Teka,. Ito yung lalaking kasama ng anghel na hunk..tama, ito yung may hawak ng susi noon.
"Cutting classes, punching a prof and beating two students in one day.. Hmm, not bad for a new student." napa kunot noo ako ng marinig ang sinabi niya. Teka nakita niya ba lahat ng ginawa ko kanina? Wala naman siya sa room kanina hah.
"Detention room, miss stone." yun lang at tinalikuran na niya ako. Napanganga naman ako, puta sino siya para sabihan ako?
"Btw.. I'm Kyou, VP student council." narinig kong sabi neto at tuluyan ng umalis.
"Fuckinggg shhhiiittt!!!" malakas na sigaw ko. Can my day get any worse??.
Pero naisip ko.. Ako si Stone Scarlet, ang babaeng rule breaker at walang kinakatakutan kaya syempre di ako susunod sa kanya. Hahaha..
Akala niya hah..
This is me..fucking idiots!! No one will control me! No one!!..
BINABASA MO ANG
The Grail (complete)
ActionEveryone has its own demon...... Waiting just to be unleashed...