Yeppy.. Excited na ako para sa aming tour. Saan kaya kami pupunta? Hehehe.. Sana sa beach para makita ko kung gaano ka sexy mag suot si tanya ng swimwear niya.
Tsaka gusto ko ding makita kung gaano ka sexy ba talaga si stone. Sigurado naman akong maganda talaga ang katawan ni stone. Oy, di ako lesbo hah.. Baka sabihin niyo tomboy ako. It's a big no no.. I'm difinitely a girl.
Gusto ko lng naman makita sila, just being curious. Hehehe..
"Muntanga kana naman diyan mariel, tigilan mo yan nagmumukha kang baliw na tanga." napabalik ako sa sarili ko ng marinig ko na naman ang words of wisdom ni bitter tanya. Tsk..
"Panira ka talaga kahit kailan, alam mo yun?" sambit ko dito na naka pout pa.
"Alam ko, matagal na." walang kabuhay- buhay na sambit nito sakin.
"Halika na nga, baka knina pa sila doon naghihintay sa atin." padabog kong sambit at pumwesto na sa front seat ng ferrari enzo ni tanya. Sakanyang sasakyan muna yung gagamitin namin papuntang school. Tinatamad kasi akong mag drive ngayon tsaka iiwan din naman daw yung mga sasakyan kasi mag so- school bus daw kami.
Sumakay na din siya sa driver seat at pinaandar na papuntang school.
"Iba talaga kutob ko sa tour na to eh. Di naman nagpapa tour yung dean natin. Tsaka bakit ngayon lang?" seryosong sambit ni tanya. Sa totoo lang kahit nga ako ay masama din ang kutob dito.
Mabuti lng nga at may baon kaming armas kung saka- sakali lang na may magaganap na di kanais- nais. Di nalang ako umimik habang pinag- iisipan ko din ang tungkol sa tour namin. Sigurado naman kaming may masamang mangyayari.
Pagkarating namin sa school ay agad kaming lumapit sa mga kaklase namin na naghihintay malapit sa bus. Nandito na din pala ang guro namin at yung driver ng bus.
Nilibot ko lng ang paningin ko. Marami- rami din pala kami sa section ng 3-A1. 25 kaming lahat kasama na dito sina emp, kyo, kei, jiro, L, tanya, ako at si stone.
Nakita ko sa di kalayu- an si jiro at L na nakatayo malapit sa lamborghini aventador nila at mukhang may pinag- uusapan.
Si emp naman ay nakasandal sa lamborghini blancpain na itim niya habang nakaupo naman sa hood ng lamborghini huracan sina kyo at kei. Putchaks, ang gagara lang ng mga sasakyan namin noh?. Hahaha.. Ganun talaga basta astig.
"Completo na ba tayo?" rinig kong tanong ng guro namin.
"Si miss stone nalang po ang wala." sambit ng isang kaklase namin. Nilibot ko naman ang paningin ko tama wala pa nga dito si stone.
"Tsk.. Pasaway talaga." rinig kong sambit ni jiro habang binubutingting ang cp niya.
Bigla naman kaming napalingon sa isang zenvo ST1 na itim nahumaharurot papunta sa aming pwesto. Nanlalaki naman ang mga mata namin. Anong balak nito? Sagasa- an kami dito?
Pero bigla nalang itong nagdrift at maayos na nagpark sa gilid ng aventador nina jiro. Whoo.. Akala namin kanina didiretso siya sa amin eh. Pero ang cool ng pag di- drift niya. Perfect na perfect. Idol ko na siya kung sino man siya, hehehe.
Lahat ng mga mata ay nakatutok sa zenvo at inaabangan kung sino ang lalabas. Masyado kasing tinted ang kotse niya katulad ng amin.
Lumabas dito ang stone na yamot na yamot at padabog na kinuha ang backpack niya na mukhang walang laman at dire- diretso sa pagpasok sa bus pagkatapos niya e lock ang kotse niya. Nakasunod naman lahat ng mga mata sa kanya. Walang kahit na isa ang nag- iingay. Ang cool niya talaga, siya na. Idol ko na talaga si stone, putchaks..
"Tsk." sabay na sambit nina emp at jiro. Nagkatingin pa sila bago lumakad na din papasok sa bus. Napapa iling naman sina kei at kyo habang si L ay napakamot nalang sa batok niya.
"Halika kna mariel, wag ka nang tumanganga diyan." sambit naman ng katabi ko. Napakamot na din ako sa ulo ko. Ano bang nangyayari sa kanila? Mukhang wala sa mood ang mga tao ngayon hah. Maka akyat na nga din sa bus.
Pagpasok namin sa bus bumulaga naman ang eksenang di ko akalain na makikita ko.
Sina jiro at emp nakahawak sa magkabilaang kamay ni stone. At tila may kuryenteng dumadaloy sa kanilang pagtitinginan.
"Sa akin siya tatabi." madiin na sambit ni jiro habang hinihigit si stone sa left side ng bus.
"No, my scarlet will be seating beside me." cold na sambit naman ni emp habang hinigit din si stone sa right side ng bus. My scarlet?? Yan ba yung endearment ni emp kay stone? Possessive hah, ngayon ko lang nakitang ganito si emp. Nakakakilig tuloy, ang haba haba naman ng hair ni stone.. Mga papables ang nag- aagawan sa kanya, hehehe..
"No.." nabalik ang tingin ko kay jiro ng higitin na naman niya si stone. "Mine.." sambit naman ni emp habang hinigit ulit si stone.
Pabalik balik nalang ang tingin namin sa dalawa habang pinag aagawan pa din si stone.
"Ugh.. Tama na!!" malakas na sigaw ni stone dahilan para makuha niya ang atensyon ng lahat.
"Kayo nalang dalawa ang magtabi mga ugok!" dagdag neto at hinigit niya ang knyang mga kamay sa dalawa at naglakad palampas sa amin at umupo sa gitnang bahagi sa katabi ng weird naming kaklase. Yung parang baliw, nakalimutan ko yung pangalan ng kaklase namin yung. Gwapo naman ito kaya lang parang ang weird niya lang kasi.
"Tsk" napatingin ulit ako kina emp at jiro na padabog na umupo sa magkabilaang upuan. Napapailing nalang kami dito.
Pfftt... Wala naman pala silang panama kay stone. Hehehe..Pfftt...Naku naman kasi... Di ko akalain na ang dalawang tinaguriang cold guys ay magkakaganito dahil lang kay stone. Lakas talaga ng karisma ni stone eh noh. Siya na talaga siyang siya na. Umupo na din ako sa tabi ni tanya na naka headset na at nakapikit.
Napatingin naman ako sa pwesto ni stone. Naka headset na din ito at nakapikit na din ang mga mata. Napatingin naman ako sa katabi niya, nakangiti itong nakatingin sa nakapikit na si stone. Ang weird niya talaga masyado, kakaiba din ang aura niya. At isa lang ang nasisiguro ko, malakas at delikado ang isang to.
Bigla naman akong nagulat ng lumingon ito sa akin at nag sign na parang pinapatahimik niya ako habang nakangiti ng makahulugan. Napakunot noo naman ako at binalik niya ulit ang tingin niya kay stone at pinasandal ang ulo ni stone sa balikat niya. Mas lalo tuloy akong na we- weirdohan sa inasal ng baliw na yun, ang weird niya talaga promise.
Well, matutulog muna din ako masyado pa naman kasing maaga. Mukha yun na din nga ginagawa nila. Malayo- layo pa siguro ang pupuntahan namin.
Sa susunod nalang ako mag- iisip ulit kasi inaantok na ata ako. Mag 4 palang sa umaga eh at masyado pang madilim sa paligid habang nagba- byahe ang bus.---------------------
Someone's poV
Hahahaha... Malapit na, malapit nang maging akin ng tuluyan si stone.
Konting oras nalang at mabubura na sa landas ko ang mga walang kwentang harang sa pagmamahalan namin ni stone.
Ang galing ko talagang mag plano. Hahaha.. Tour?? Much more like a bloody tour to me.
.
.
.
.
.Akin kalang stone, akin lang..
------------------------------------------
Okay2.. How's this chappy guys?? Malapit na magkaroon ng bloody chappy dito guys.. Hehehe...
Who's in for the bloody tour daw guys??
Nga pala sa lahat po ng naghihintay ng book 2 ng silver skull, wait wait pa po kayo hah.. Hehehe', please bare with me guys..
Lalagyan ko talaga ng book 2 yun, kasi alam ko naman na nabitin talaga kayo doon.. Tsaka nag iisip pa po ako ng magandang plot para sa book 2.,' mag bri- brain storming muna ako guys.. Lol',. :)
Do comment and vote guys.. Thankies.. :)
BINABASA MO ANG
The Grail (complete)
ActionEveryone has its own demon...... Waiting just to be unleashed...