Parang isang zombie akong naglalakad papunta sa classroom namin. Di na nga kami nagkasabay ni L. Inaantok pa kasi ako.
Umubob agad ako pagkarating ko sa loob ng classroom. Wala na akong pakialam sa paligid ko basta makabawi manlang ako sa tulog.
Pero tangina lang.. Naririndi ako sa mga tili-an ng mga hinayupak na kaklase ko.
Kyahhhh... Pumasok na sina kyo at kei!!
Oh my gash!!! Ang ga- gwapo talaga nila!!!
Shittnesss!! Si papa ciel.. Papasok na!!!
Kyahhhh... Nandito na daw si jiro my labs!!
Kyahhhhh!!! Mga papables!! Come to mama!!!
"Putangina nyo mga haliparot magsitahimik kayong lahat!!" at binalibag ko ang upuan na malapit sa akin, di na ako makatiis sa kaingayan ng mga bwiset na malalandi.
"Ayan tumahimik din kayo." naupo ako ulit sa upuan ko at umubob ulit.
"Fuck!" bulalas ko ng maistorbo na naman ang aking katahimikan ng may isang hinayupak na gumambala sa aking pagpapahinga.
"Kunin mo yang mga kamay mo sa buhok ko. Kung ayaw mong maputol yan." sambit ko sa hampaslupang naglalaro sa maganda kong mga buhok.
"Ouch naman, ganyan mo ba ako namiss at kahit pag hawak ko lang sa buhok mo nagagalit kana?" napa diretso ako ng upo ng marinig ko ang boses niya at mabilis siyang niyakap.
"Wow.. Miss mo talaga siya no? Ako stone, wala bang yakap?" sambit naman ng isa na nasa gilid ko na din at naka upo.
"Aray/ouch!" reklamo ng dalawang kumag nato.
"Para san yun?" maang na tanong ni L. Binatukan ko lang naman silang dalawa ni jiro.
"Mga ulol." sambit ko nalang sa kanilang dalawa at napa pout naman sila. Seriously??
"Puta.. Ang papangit nyong mag pout!" walang gana kongbsabi sa kanila.
"Ciel.. Di pa ba tayo uupo?" napatingin naman ako sa kabilang side ng room ng marinig ko ang familiar na boses.
Nanlalaki agad ang aking mga mata sa nakita ko. Oh my ghad! Kaklase ko silang tatlo?
"Dude??!!" gulat na sigaw ko sa lalaking anghel na hunk na may kasama pang turo sa kanya.
Napatingin naman ang lahat sa akin pati na din yung dalawang kasama niyang lalaki. Yung sina blonde haired guy na may piercing at yung VP council na red hair guy na si kyo daw.
"Yes scarlet? Do you miss me too?" naka smirk na sambit ng anghel na hunk sa akin. Napatingin naman ang lahat sa kanya at nagsipag singhapan pa pati na din ang dalawang kasama neto.
"Kaklase pala kita dude?" wala sa sarili kong sambit.
"Sad to say but yes." nakangiting sambit neto. Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko namumula na ang aking mga mukha. Nag ha- heart naman ang mga mata ng kababaihan na malalandi dahil sa smile niya. Puta, dapat ako lang ang makakakita ng smile niya. Ako lang dapat!
Ipinilig ko naman ang ulo ko at napatingin sa dalawa niyang kasama.
"Oh hi miss stone, btw gwapong kei pala." nakangiting sambit ni kei sa akin o yung lalaking blonde ang buhok na may mga piercing sa tainga at nag wink pa. Napaismid naman ako sa kanya. Babaero!!
BINABASA MO ANG
The Grail (complete)
ActionEveryone has its own demon...... Waiting just to be unleashed...