"Shit.." mahinang bulong nina jiro at L, nakita ko naman ang paghina ng mga apoy ni emp. Napahakbang paatras si Andrei kay stone at nanlalaking mga matang nakatingin dito.
Napaatras na din kami dahil umatras din itong mga guardians na nakahawak sa amin ni kei. Nagkatinginan kami ni kei at tumango ito sa akin.
Bigla nalang mas lumamig pa dito na parang naging instant north pole na ang lugar na ito at kitang- kita ko ang mabilis na pagkalat ng ice sa mga inaapakan ni stone.
Napa atras pa sila, napatango naman ako kay L ng magkatinginan kami, tumango din siya at tumingin kay jiro. Nagmasakop ng ice ni stone ang buong room doon naman mas guminaw pa at nag nakikita na namin ang usok na lumalabas dahil sa init ng mga katawan namin. Nawala na din nga ang apoy ni emp.
"1,2, 3!!!!" malakas na bilang at sigaw ni emp at mabilis kaming nagsigalawan. Siniko ko sa tagiliran ng malakas ang guardian na humahawak sa akin at kumawala dito at mabilis na tumakbo sa pintu-an, Nagsimula namang tumubo ang matataas at matatalim na ice spikes sa buong room na gawa ni stone. Mabilis din namang tinulungan nina kyo at mariel sina L at jiro at mabilis na tumakbo sa labas. Naiwan lang doon sina emp at stone dahil kailangan ni emp na tulungan si stone.
Plano lang ang lahat kanina., Mabuti nalang at naipasa ng maayos ni L ang plano kina kyo at mariel pati na din ang walang reactions pagtitig ni stone ay plano lang talaga. Ginawa ko talaga on purpose ang pag suntok sa kanya ng malakas para magkaroon ng tsansang mabitawan siya ni Andrei mirai at maisagaw ang palno.
"ahhh.., akala nyo matatakasan nyo ako!!" napalingon kami sa nakabukas na pintu-an ng makitang galit na galit si Andrei at nagye-yellow na ang kanyang mga mata habang ang dalawang kamay nito ay naging mahahabang bakal na matatalim na.
Nakatayo naman sa harapan niya sina emp at stone na magkahawak kamay. Nakita naman namin ang lahat ng mga guardians na nagkatusok- tusok dahil sa ice spikes ni stone.
"Akin kalang stone,. Akin kalang.. piñata ko ang ama natin or should I say ang tunay kung ama para lang sa iyo. Pinatay ko siya dahil nagpla- plano siyang ibalik ka sa laboratory. Ginamit ko ang shadows para matulungan ako sa plano kong kunin ka. Pero hindi ko akalain na sasama ka sa mga iyan. Sa mga taong iniwan ka, at hindi ako papaya.. hindi ako papaya na kukunin ka nila sa akin. Akin kalang stone, akin kalang!!!!!.." malakas na sambit neto na tila tuwang- tuwa at galit na galit na nakatingin kay emp.
"Ako lang dapat ang kasama ni stone, noong bata pa tayo pero ang mga walang hiyang mga magulang ko kumuha pa ng isang batang lalaki at pinag- ekspirementuhan. At ako na anak nila na tinago sa lahat ay nanatili sa isang kwarto habang inggit na inngit na nakatanaw sa inyong dalawang naglalaro sa labas ng mansion. Ako na hindi makalakad at mahina ang katawan. Pero.., mabuti naman at kinuha ka ng ama mo ciel pero kinuha naman ng lalaking iyun si stone at binalik sa poder ni jiro. At dahil sa sakit at pangungulila at galit ni ama ay sa akin niya ibinunton ang lahat. Ginawa niya akong isang taong tutubuan ng mga matatalim na bakal sa mga kamay kapag gugustuhin ko, noong una ayaw ko pero natutunan ko itong mahalin dahil ito na din ang nagbigay lakas sa katawan ko na siyang dahilan para makalad ako. Kaya pingako ko sa sarili ko na babawiin ko sa inyo si stone scarlet,. Akin lang siya,. Akin..." mahabang litany neto at sa mabilis na Segundo mabilis siya sumugod kay emp., nabitawan ni emp ang kamay ni stone para sanggain ang bakal ni Andrei.
Lumabas ang apoy sa kamay ni emp at hinawakan sa braso si Andrei kaya napasigaw ito. Sinipa ni Andrei si emp sa gilid kaya napa atras si emp, mabilis namang sumugod si Andrei kay emp.
Naiiwasan ni emp ang atake ni Andrei not until nakita-an ng lusot ni Andrei si emp kay nasaksak ito sa gilid, napasigaw si emp at napahawak sa gilid nito. Bigla na naman kaming nakaramdam ng lamig kaya mabilis kaming napatingin kay stone ng mabilis siyang sumugod kay Andrei at tila di makapaniwala.
Nag ye- yellow din ang mga mata ni stone at may matalim na ice na parang katana siyang hawak na mabilis na umatake kay Andrei. Nasangga iyun ni Andrei at sinipa si stone sa tagiliran na hindi niya nakita kaya napatalsik siya sa pader, nagkaroon ng butas ang pader habang napapatayo si stone, susugod sana si Andrei kay stone pero mabilis na napahinto ito ng takbo ng may dumaang bolang apoy sa harap niya. Galit na bumaling siya kay emp at akmang susugod dito pero napahinto din siya ng maramdamang may malamig na bagay na nakatutok sa leeg nito.
"One wrong move,. Puputulin ko yang putanginang ulo mo Andrei mirai.," malamig na sambit ni stone na nakatayo sa gilid ni Andrei at nakatutok ang ice katana niya sa leeg nito.
"mahal na mahal kita stone,. Pero kung hindi ka naman magiging akin, mabuti pang mamamatay kana!!" malakas na sambit nito at mabilis na humarap kay stone at yumakap. Napasigaw kaming lahat at mabilis na napalapit sa pwesto nila pero tila nag slow mo ang lahat ng biglang napatingin sa amin si stone at lumabas ang dugo sa kanyang bibig. Napa atras si Andrei kay stone at nakatingin lamang ito sa kanya., unti- unting bumagsak si stone sa malamig na sahig at umubo- ubo ito ng dugo.
Kita namin ang pagtulo ng dugo sa bakal ni Andrei na nakatingin pa din kay stone na nakatingin din sa kanya..
"HINDI!!!!!" malakas na sambit ni emp at biglang sumiklab ang apoy sa buong katawan niya at mabilis na sinugod si Andrei. Di na nakaiwas si Andrei kay emp at unti- unting nasusungog ang balat at mga buto ni Andrei sa katawan na kahit anong iwas at takas niya kay emp ay nahahabol padin siya nito.. Galit na galit si emp dahil sa ginawa ni Andrei kay stone.
Mabilis namang dumalo si mariel at binigyang ng pressure ang sugat ni stone. Nanghihinang napasalampak ng upo at hagulgol si jiro sa gilid ni stone at humawak sa kaliwang kamay ito at pinisil.
"little princess..please, wag kang bibitaw.. wag mo akong iwan, kami.. please.."mahinang sambit nito at umiiyak pa din na nakatingin kay stone.
"emp,. Enough!!" sambit ko kay emp na galit na galit pa din habang sinusunog niya pa din ang sunog na sunog na walang buhay na katawan ni Andrei, napangiwi nalang ako ng maamoy ang karneng sunog na sunog. Mabilis naman siyang kumalma at dali- daling pumunta sa pwesto ni stone.
Yumuko siya at hinaplos ang pisngi nito nagkatitigan lang silang dalawa ng ilang Segundo. "You're going to be fine." Mahinang sambit nit okay stone at hinalikan sa noo, umubo muna ng dugo si stone at napapikit ng mga mata niya.
Mabilis na binuhat siya ni emp at nagmamadaling bumaba sa mansion at lumabas. Sumunod lang kami sa kanya....
BINABASA MO ANG
The Grail (complete)
ActionEveryone has its own demon...... Waiting just to be unleashed...