"Hoy, fallen!!"
"Puta naman.. Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong pasabugin ko yan!!"
"Ang mean mo talaga sakin..hmmpp!" napa pout nalang ako. Kainis kasing fallen to eh. Parang palaging menopause..
Nga pala.. Ako si Mariel Jane Smith..ang gorgeous lady assassin ng isang napakadilikado at pinakamalakas na mafia clan sa buong mundo. Syempre kasama ko dito ang palaging may menopause na si Tanya Grace Dela Vega o tinatawag na fallendemonangel. Ang haba ng code name noh?? Tsk.. Tsk.. At syempre di ako papatalo sa codename noh!! My beautiful codename is...tentenen... Blackbutterfly!!! Ang ganda diba?? Hehehe...
"Muntanga kana diyan black.." napabalik lang ako sa sarili ko ng magsalita tong si fallen. Panira talaga palagi sa pagmomoment ko..
"Oh.. Ito na pala yung mansyon. So panu natin makikita ang "the grail" na iyun?? O ang project G na sinasabi ni emp??"
"Ewan!" walang ganang sabi neto sakin at napanganga naman ako.. Puta cheness.. Totoo?? Ano to lokohan lang?? Taengers yan....
"Oh.. Bago umusok yang mga ilong mo at pumatak na naman yang mga bibig mo.. Maghanda ka muna dahil may mga kasama tayo!" lintek lang.. Naudlot pa ang pagsesermon ko kay fallen. Panu ba naman pupunta kami dito para sa project g na iyun tapos di pala namin alam kung ano ang itsura nun??..
Pero magiging masaya to dahil may mapaglalaruan na naman kaming dalawa.
Hinanda ko na ang mga shuriken ko at ganun na din ang ginawa ni fallen. Kumubli kami sa isang puno at pinagmasdan ang paligid.
Nandoon sila sa loob ng mansyon at mukhang may hinahanap. Puta...
"So.. Gusto din pala nila makuha ang project g na iyun. Gaano ba talaga ka importante yun?"
" isa lang naman ang nasisiguro ko. Masyado itong importante para pag agawan!" at napatahimik nalang ako sa sinabi ni fallen. Tama siya, masyado itong mahalaga na kahit ang isang napakalakas na clan ay gusto itong kunin. Pero di naman nagsasabi si emp kung ano talaga ito basta ang sabi lang ay kunin ang project g at protektahan.
Napapitlag kami ni fallen ng marinig namin ang isang malakas na pagsabog at nagsitalsikan samin ang ilang mga bubog at parte ng mansyon. Agad na nanlalaki ang mga mata namin ng makitang sunog at wasak wasak na ang buong mansyon!!..
"Tangena men!!!" di ko mapigilang maibulalas...panu na yan?? Sabog na ang mansyon. Pnu namin makikita ang project g??..
"Shit.. Sibat na tayo black!!" parang kinakabahang sambit ni fallen sakin pero tila wala akong narinig.
"Puta black.. Halika na!!"
"Bakit??" parang wala sa sariling sambit ko.
"Puta... Nandito ang master ng shadows!" mahinang sambit neto at tila naubos ang dugo ko sa mukha dahil sa narinig ko.
"Sha.sha...shadows??" utal utal na sambit ko. Tanenga lang, parang tumakas lahat ng kulay sa mukha ko at mabilis akong hinigit ni fallen at sumakay sa kotse namin na nakaparado di gaanong kalayo sa mansyon at pinahururot niya ito.
Puta.. Ayaw ko nang bumalik doon...ayaw ko nah!!..
Flashback
"Mommy..daddy.. Huk.. Mommy...!!" iyak ng isang bata habang siya'y nakagapos sa mga kadena.
"Wag ka nang umiyak diyan bata. Wala din naman yang patutunguhan. Patay na sila..." nakakatakot na sambit neto sa akin habang tila aliw na aliw pa itong hinahaplos haplos ang aking pisngi..
"Hindi...hindi.. Huk.. Hindi.." yun lang naman ang nasasambit ko.
"Tama na yan!! Layuan mo siya!! Demonyo ka!!" sigaw ng isang batang babaeng nakagapos din na katulad ko.
Lumayo nga ang demonyong iyun pero nilapitan niya at sinampal ng paulit ulit ang batang sumigaw. Di ko matiis na pagmasdan ang pagdugo ng mga labi ng batang iyun. Dahil sa akin kaya siya nasaktan..
"Sorryy!!" mahinang bulong ko na tila napipiyok na naman ang boses ko.
"Okay lng iyon!" mahinang sabi din neto natila nasasaktan pa din.
Araw araw kaming pinapahirapan kapag di kami sumunod sa utos ng master at palagi niya din kaming sinasaktan at pinabubogbog..
Kami daw kasi ang kabayaran sa mga utang ng mga magulang namin. Demonyo talaga siya demonyo!..
.Kaya nung minsan magkaroon ng isang kaguluhan ay nakatakas kami ni tanya..
At sa pagtakas naming iyun ay doon naman kami inaruga ng isang makapangyarihang tao. At doon din kami naging parte ng isang napakalaking clan. Kaya hanggang ngayon naninilbihan kami doon bilang mga assassin nila at ito'y kagustuhan namin para maprotektahan ang kumupkop samin at nangako ding protektahan at sundin ang kanyang nag iisang heir si emp..
"Wag mo nang balikan ang nakaraan black!" mahinang bulong ni fallen sa akin at ngayon ko lang napagtantong kanina pa nagdudugo ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakakuyom ko.
"Sa huli maniningil tayo sa kanya.." at napatango lamang ako kay fallen. Tama sisingilin namin ang buhay ng master ng shadows at pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa amin.
"Emp!" yumuko muna kami ni fallen ng makaharap na namin si emp.
Nakatalikod lamang ito sa amin habang hawak hawak niya ang isang wine glass na may lamang red wine.
"Negative.. Pinasabog ng shadows ang buong mansyon ng di nila mahanap ang project g!" paliwanag ni fallen kay emp. Ininom lang ni emp ang wine.
"As I expected.." malamig na sambit neto at tila nanindig lahat ng balahibo namin sa katawan dahil sa lamig.
"Magpahinga na kayo," tsaka kami yumuko muna at lumabas na sa silid na iyun. Now what?? First time namin mapalpak...
-------------------------------------------
How's this chappy guys??.. :)
BINABASA MO ANG
The Grail (complete)
ActionEveryone has its own demon...... Waiting just to be unleashed...