TG8

4.1K 145 6
                                    

"Haist,. Nakakatamad naman dito. Ang boooorrrinngg..." reklamo ko ng reklamo sa upu-an ko. Habang si tanya nakadukdok lang sa upu-an niya. Mukhang natutulog na nga siya eh.

Ang boring naman kasi, walang thrill yung klase namin ngayon. Nilibot ko lang ang paningin ko sa kabuu-an ng classroom namin.

Yung ilang estudyante di na nakikinig sa prof namin. May natutulog gaya ng katabi ko dito. May nagte-txt sa kanilang upuan ng patago meron ding nagbabasa kunwari ng libro pero isang mangga naman ang binabasa. Meron ding nagbubulungan na parang mga bubuyog. Haist, typical scenaryo inside the room.

Napatitig naman ako sa upu-an na nasa gilid namin sa kabilang side. Bakante ang tatlong upuang iyun.

Yun ang upuan nina emp at ng dalawang magigiting na reapers. Balita ko nandito na si emp pero bakit di parin siya pumapasok?.

Napatingin naman ako sa left side ko sa kabilang bahagi ng room. Bakante din ang tatlong upuan doon. Sa katunayan may nka upong dalawang lalaki doon sina L at Jiro ang dalawang mababangis na reapers ng dragon empire clan ang isa sa tatlong malalakas na mafia na bumubuo din sa trinity.

Bakit kaya di pa bumabalik si jiro??

Napatingin naman ako sa gitnang bahagi ng room kung saan naka upo ngayon ang isang lalaking ngumingiti- ngiti lang.

Boogghhss..

Nagulantang kaming lahat ng biglang bumukas ng pabalang ang pintu-an. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa lapastangan.

Isang babaeng naka poker face ang pumasok. Matangkad, maputi at tila anghel na mukha. May mahabang kulay violet na mga buhok na may side bangs ang pumasok.

Kahit na parang di marunong magsuot ng kanyang uniform ay kitang- kita talaga ang magandang hubog ng katawan niya.

Dire- diretso lang siyang pumasok na parang walang prof na nasa harapan.

"Ex-.." di pa natapos sa pagsasalita si prof ng may biglang pumasok na naman na tila gulong- gulo pa ang mga buhok at may mga pasa at cut sa labi.. Teka..si L to hah.

"Anong nangyari kay L??" takang tanong nitong katabi ko. Akala ko tulog ito.. Nilibot ko ang paningin ko ulit at ngayon ko lang napagtanto na ang tahimik na pala ng loob ng classroom at lahat ay nakatutok kina L at doon sa babae. Teka.. Familiar ang mukha ng babaeng to uh.. Sino nga ba to? Basta ito yung babaeng nakabugbog kay tanya.

Tiningnan ko naman si tanya at tama nga ako nakatutok siya doon sa babae.

"Stone naman.. Suotin mo kasi tong black shoes!" lahat kami napanganga dahil sa mga nakikita namin. Pano ba naman binato ng babae yung backpack niya kay L habang nakataas pa yung dalawang kamay ni L na bitbit pa ang black shoes na merong konting heels.

"Puta.. Ipapakain ko yang sapatos na yan pag di kapa tumigil diyan!!" naiinis na sambit ng babae at tumalikod na at lumakad papunta sa left side namin doon sa inuupuan nina L at Jiro.

Nagbubulong bulong lang si L habang bitbit pa din ang sapatos at yung bag ni stone ata yung pangalan.

Padabog niyang binigay ang bag na inirapan lamang ni stone.

"Stone naman.. Ayusin mo naman yung uniform mo!" rinig pa namin dahil sa ang tahimik pa din ng buong klase.


Di lang siya pinansin ni stone na nakatingin na ngayon sa bintana. Ano kayang relasyon ng dalawang ito? Di namin akalain na titiklop din pala si L at sa isang babae pa.

"Ehem... Ahm.. Miss can you please introduce yourself?" napatingin naman kaming lahat sa unahan ng magsalita ang prof pero si stone parang wala lang narinig.





Siniko naman siya ni L. Kaya tumayo ito ng walang gana "stone" yun lang yung sinabi niya at umupo ulit at tumingin ulit sa bintana.


Tiningnan naman namin yung prof at parang namumula na ito sa galit. "Miss stone ke bago-bago. -"


"Putangina!! Ipagpatuloy mo lng yung klase mo diyan. Di yung bubunganga-an mo ako! Sinabi ko naman pangalan ko, ano pa bang gusto mong marinig?" pag puputol ni stone sa sasabihin pa sana ng prof namin. Napanganga nalang yung prof namin.


"Puta.. Bakit pa ba kasi ako narito sa walang kwentang section na to? Ang boring- boring ng klase mo! Mas maganda sana yung klaseng pinagmulan ko!! Walang kwentang guro!!" sabi pa nito na tila nag papagalit pa sa guro namin.




"How dare you say that to me miss stone? Di porket kasama mo si L ay ganyan kana umasta-" napa singhap nalang kami ng makitang sinuntok ni stone ang prof namin at natumba nalang iyun sa sahig.




Whoa.. Ang bilis niya. Pabalik- balik lang ang tingin namin sa inuupu-an niya kanina at sa pwesto niya ngayon.



"Tsk.. Lampa naman pala eh." at naglakad na siya palabas ng room namin. "Saan ka pupunta?" nakatayong sambit ni L.



"Sa impyerno, sama ka?" walang ka buhay buhay na sambit ni stone at lumabas na habang napapailing lamang si L at umupo ulit sa upuan niya.



"Waahhh..ang galing!!! Di na boooring ang klase!!" na e- excite kong sabi.




"Tsk.. Exciting nga!" sambit naman ni tanya at umubob ulit.



Hehehehe... Can't wait to see what will happen inside this academy.


And gusto kung maging kaibigan si stone!!.. Ang cool niya kasi..


-----------------------------

Thanks for reading!! Do comment or vote guys',.. Hehehe',.

The Grail (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon