1.
Si Noelle ang unang babae kong minahal at huli kong mamahalin. Siya lang ang laman ng puso at isipan ko. Tatlong taon na ang nakalilipas simula nung araw na yun... Ang araw na makakapagpabago sa takbo ng aming mundo...
Puro ngiti ang nakapinta sa mga mukha ng mga taong dumalo. Puti at kulay berde ang mga kulay ng mga damit ng mga panauhin. Bakas ang kaligayahan sa paligid.
Yun ang araw na aming itinakda para sa aming pag-iisang dibdib. Pero iba ang itinakda ng Diyos. Dahil yun ang araw, na nawasak ang mundo naming dalawa.
Nasa harap na ako ng simbahan nun, nakikipag-usap sa mga panauhin. Nagulat na lang ako nung may mga nagsihiyawan. Nagsitakbuhan silang lahat. Bakas ang takot mula sa mukha ng aking mga kaharap. Napalingon ako...
May malaking trak na sobrang bilis ang takbo ang paparating sa aming direksyon.
Naramdaman ang napakalakas na pagtama nito sa aking katawan.
"Mike!!!"
Ang kanyang boses na puno ng paghihinagpis ang huli kong narinig at ang puting pigura na tumatako papaunta sa akin ang huli kong nakita bago ako yakapin ng kadiliman.
Namatay ang mga kasama ko noon... Ako?
Nabuhay... pero parang namatay na rin.
BINABASA MO ANG
Paalam, Noelle //
Romance[July 11, 2011 - September 12, 2011] Saksihan ang istorya ng pag-iibigan nina Mike at Noelle. Sapat nga ba talaga na mahal niyo ang isa't isa upang mapasunod ang tadhana sa inyong kagustuhan?