Paalam, Noelle [6]

557 10 11
                                    

6. 

Ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko. Sobrang sakit ng katawan. At napakahapdi ng kanang braso ko. Panigurado, kung anu-ano na naman ang tinurok sa akin.

Inaalala kong mabuti kung ano nga ba ang nangyari kanina. Teka, kanina nga ba? Ilang oras o araw na ba ang nakalipas?

Pilit kong inaalala yung mga pangyayari sa nakaraan nang biglang kumirot ang puso ko. Dahil dun, bigla kong naalala si Noelle. Hindi ko maamoy ang pabango niya sa kwarto, hindi ko rin maramdaman na narito siya. Nasaan na kaya si Noelle?

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Kumalat agad ang napahalimuyak na pabango ni Noelle. Naramdaman ko ring may kasama siya sa kanyang pagpasok.

"Kamusta na po si Mike, Doc?"

"Sa ngayon, hindi ko pa masasabi. Biglaan kasing naging unstable ang heartbeat niya... Baka, ito na ang nagsasabing malapit mo na siyang pakawalan iha."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Noelle kasabay ng kanyang paghikbi.

"Doc naman. Huwag mo nga akong lokohin. Eh karirinig ko lang noon na binanggit ni Mike ang pangalan ko."

"Paano naman yun mangyayari? Wala pa rin tayong nakikitang paggalaw ni daliri man lang ng pasyente."

Kalmadong sinabi ng doktor.

"Doc, nagsalita talaga siya."

Nagppumilit talaga si Noelle.

"Baka nagkamali ka lang Ms Noelle. Wala pang vital signs na nagising o di kaya'y gising na ang pasyente."

"Pero doc."

"I'm sorry."

Lumabas na ang doktor sa kwarto. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Noelle.

"Mike. Sabihin mo ang pangalan ko. Di ba kaya mo naman yun? Di ba Mike?"

Sabi ni Noelle habang niyuyugyog ako. Kung pwede lang sana, matagal ko nang tinawag ang pangalan mo, Noelle.

"Alam mo, sinabi sa akin ng doktor kanina na baka wala nang pag-asang magising ka pa pero ayaw ko siyang paniwalaan. Di ba, itutuloy pa natin ang naudlot nating kasal?"

Pagkarinig ko ng biglaang paghikbi ni Noelle, nagsisimula na naman ang ritwal ng puso ko.

Paalam, Noelle //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon