2.
Sa tatlong taon na aking pagkatulog, araw-araw naririnig ang pag-iyak ni Noelle. Sa panlabas na anyo, mukhang mahimbing ang aking tulog at ako'y nasa kapayapaan ngunit ang katotohanan ay araw-araw akong naghihinagpis. Tanggap ko ang aking sitwasyon ngayon, tanggap ko lahat ng mga nangyari sa akin. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit kailangan madamay sa aking paghihirap ang pinakamamahal kong si Noelle. Masyado siyang mahalaga sa akin para saktan lamang.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naamoy ko ang napakatamis na halimuyak ng bulaklak. Isang indikasyon lamang na meron si Noelle.
"Kamusta ka na Mike? Ikaw ha, di ka ba napapagod matulog?"
Sinabi niya yun habang nilalapag ang mga gamit na dala niya.
Nararamdaman kong unti-unti siyang lumalapit sa akin. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang malambot na kamay sa aking pisngi. Naramdaman ko ang matamis na pagdampi ng kanyang labi sa aking labi kasabay ng pagtulo ng mga luha sa aking mukha. Bigla na namang kumirot ang aking puso. Oo, "na naman".
Narinig ko ang pagkataranta ni Noelle.
"Mike. Mike. Anong nangyayari sayo?"
May naririnig akong mahinang tunog na nakakarindi.
"Nurse! Nurse!"
Nagsidatingan agad ang mga nurse at doktor. Pinalibutan nila ako. Kung anu-ano ang kinakalikot nila sa mga bagay-bagay na nakakabit sa aking katawan. May naramdaman akong matulis na bagay na dumampi sa aking balat ngunit wala akong naramdamang sakit.
Pagkatapos ng ilang minuto...
"Stable na siya Noelle. Nagkaroon lang ng problema sa daloy ng dugo sa puso niya."
"S-s-salamat po."
Labinsiyam... Labinsiyam na beses siyang humikbi habang inaasikaso ako ng mga doktor kanina. Kahit na salita nang salita ang mga doktor at nars kanina, boses pa rin ni Noelle ang nangibabaw.
"Huwag ka namang magbiro Mike oh. Tinakot mo ako. Akala ko, mawawala na talaga kita."
BINABASA MO ANG
Paalam, Noelle //
Romance[July 11, 2011 - September 12, 2011] Saksihan ang istorya ng pag-iibigan nina Mike at Noelle. Sapat nga ba talaga na mahal niyo ang isa't isa upang mapasunod ang tadhana sa inyong kagustuhan?