3.
Nandito lang sa loob ng kwarto si Noelle. Hindi niya ako iniwan. Aalis lang siya sa tabi ko kung pupunta siya sa CR o di kaya'y may aayusin siya sa mga gamit niya.
Buong araw siyang nagkwento sa akin.
"Alam mo ba Mike, may mall na rin sa atin. Kapapatayo lang nila yun. Sabi nila, maganda raw yun kasi eco-friendly. May mini-park daw sa loob. Gusto ko ngang pumasok dun eh, pero alam mo, ayoko pa. Kasi walang silbi pag pupunta ako dun kung hindi ko naman kasama yung taong napakaimportante sa akin."
Gusto kong yakapin ngayon si Noelle pero ni hindi ko nga magalaw kahit isang daliri ko eh.
"Hayaan mo, paglabas mo dito. Dun tayo unang mamamasyal."
Paano kung di na ako makakalabas dito sa ospital, Noelle? Ayokong maging sanhi ng kalungkutan mo. Alam ko, nahihirapan ka ngayon dahil sa akin. Patawad, Noelle.
Hindi umuwi si Noelle nung gabing iyon. Alam mo ba yung pakiramdam na kasama mo sa pagtulog ang mahal mo? Kahit na hindi ko masabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin, kahit na matagal ko na siyang hindi nakikita, kuntento na ako. Basta ba't nararamdaman ko ang pagmamahal niya, sapat na yun upang mapunan ang mga pagkukulang na aking nararamdaman ngayon.
"Sana kahit sa panaginip man lang, makasama kita Mike."
Kung alam mo lang Noelle. Gabi-gabi ko yang hinihiling.
At gabi-gabi rin akong nabibigo.
BINABASA MO ANG
Paalam, Noelle //
Romance[July 11, 2011 - September 12, 2011] Saksihan ang istorya ng pag-iibigan nina Mike at Noelle. Sapat nga ba talaga na mahal niyo ang isa't isa upang mapasunod ang tadhana sa inyong kagustuhan?