Paalam, Noelle [5]

638 7 3
                                    

5.

Naging mahimbing ang pagtulog ko kagabi. Ngayon lang ulit ako nakadama ng kapayapaan. Marahil kasama ko si Noelle sa pagtulog kaya nagkaganun. Matagal na rin kasi siyang di nagpapagabi dito.

Paggising ko, hindi ko siya naramdaman. Na para bang nawawala siya.

May naririnig akong nag-uusap. Napakahina ng mga boses na iyon. Siguro nasa labas sila ng kwarto at nakabukas ang pintuan. Mahirap intindihin nang maayos ang mga pinagsasabi nila.  Ngunit, isa lang ang nasisiguro ko, may kausap si Noelle.

Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang mahinang pagsara ng pintuan kasabay ng paghagulgol ni Noelle. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bumagal ang tibok ng puso ko. Sa bawat paghikbi, nababawasan ako ng lakas.

Noelle... Bakit ka umiiyak?

Noelle... Nasasaktan ako.

Noelle... Tahan na oh.

Noelle... Nanghihina na ako.

Noelle... Bakit parang bumabagal na ang pagtibok ng puso ko?

Noelle...

Noelle...

"Noelle."

Paalam, Noelle //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon