Dedicated ang chapter na ito kay Pumkinxx. Maraming salamat sa mga comments mo. Naappreciate ko lahat yun. Pramis. Fighting! :D Natutuwa lang ako sa tuwing mababasa ko yan.
---------------------------------------------------------------------------------
14.
Pagkatapos ng ilang linggo, dumating na rin ang due date ni Noelle.
Kahapon ko pa nga sinasabi sa kanya na magpaconfine na kami sa ospital pero ayaw niya. Ayan tuloy, umagang-umaga, sinusugod ko siya sa ospital. Tinawagan ko na rin ang mga magulang namin. Kay tagal na kasi nilang hinihintay na magkaroon sila ng apo.
Ipapasok na sana nila si Noelle sa delivery room pero napatigil ang mga nars nung sumigaw siya nang napakalakas.
"Hindi ko ilalabas ang sanggol na ito kung wala ang asawa ko!"
Boses niya ang umalingawngaw sa hallway ng ospital. Posible ngang sa buong ospital eh.
Natawa tuloy ako sa kanya. Sa totoo lang, payag naman talaga ang doktor na pumasok ako. Kailangan ko lang daw magbihis para maging safe ang delivery ng sanggol. Alam niyo yun, yung mga sinusuot sa ulo, mga gowns na ewan.
Pagpasok ko, hinawakan ko agad ang kamay ni Noelle.
"Nandito lang ako Noelle. Kaya mo yan."
"Mike."
Kaya naman daw ni Noelle ang normal delivery sabi ng doktor na sinang-ayunan naman ni Noelle. Halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Noelle. Sabi naman ng doktor, okay lang naman daw kung makakatulong yun sa kanya para mapalabas ang baby. At paniguradong nasanay na siya sa mga sigaw. :D
"Iri pa. Malapit na."
Sabi ng doktor.
"Kaya mo yan Noelle. Isa pa."
Huminga siya nang malalim.
"Maaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyykkk!!!"
Nang marinig ko ang iyak ng sanggol na kakalabas mula sa sinapupunan ni Noelle, unti-unti nang nandidilim ang paningin ko. Nanghihina na ang katawan ko.
Lumabas agad ako sa delivery room. Hindi ko na nga nakita ang anak namin. Sumandal ako sa pader.
"Hindi ito pwede."
BINABASA MO ANG
Paalam, Noelle //
Romance[July 11, 2011 - September 12, 2011] Saksihan ang istorya ng pag-iibigan nina Mike at Noelle. Sapat nga ba talaga na mahal niyo ang isa't isa upang mapasunod ang tadhana sa inyong kagustuhan?