Paalam, Noelle [END] //

546 14 20
  • Dedicated kay ALL MY LOVELY READERS!!!
                                    

MAMAYA ANG AKING SPEECH. ^___^ IPLAY NIYO YUNG YOUTUBE VID, PARA NAMAN MAY BACKGROUND MUSIC KAYO. PARA MAS MAFEEL NIYO YUNG CHAPTER. CHOS. SANA TALAGA MAGUSTUHAN NIYO TO. (OO, ALL CAPS TALAGA)

-------------------------------------------------------------------------------

[Noelle's POV]

Dumating na ang itinakdang araw. Ang pagpapaalam ko kay Mike. Habang wala pa yung mga doktor, lulubusin ko na ang natitirang oras na kasama si Mike. Tinitigan ko lamang siya. At sinimulan na siyang kausapin.

"Mike naman. Akala ko ba, magiging masaya na tayo. Di ba yun rin ang gusto mo, na mabuhay na tayo nang masaya kasama ang anak natin? Ano na ang nangyari ngayon? Huwag ka namang bumitaw agad oh. Ang hirap-hirap Mike. Ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung sinumpa ba ako ng Diyos at lagi na lang akong nasasaktan... lagi na lang akong umaasa."

Tumigil muna ako. Kailangan kong huminga. Marami pa akong kailangang sabihin kay Mike. Hindi dahil galit ako sa kanya. Hindi dahil gusto ko siyang sermonan... Kundi dahil... baka huli na ang lahat.

"Ang sinungaling mo talaga Mike. Sabi mo hindi mo ako iiwang mag-isa. Nangako ka. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin ngayon?"

Napatigil ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang paghawak ni Mike sa kamay ko. Nanginginig ang labi ko. Basang-basa na ang mga pisngi ko sa patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

Sobrang saya ko dahil nagising na muli siya. Ibig sabihin, mabubuhay pa siya. Hindi ko kailangang gawin ang bagay na ikamamatay niya.

Pero...

Tinanggal niya ang oxygen mask niya.

Umakma akong ibalik iyon sa kanya ngunit pinigilan niya ako at umiling na para bang may pinapahiwatig siya sa akin. Pagkatapos nun ay ngumiti siya.

"Pero kung tutuusin, hindi ko pa nababali ang pangakong yun."

Pagkasabi niya nun, narinig ko ang pag-iyak ng anak namin.

Biglang may pumasok sa kwarto. Si papa.

"Anak, ayaw tumahan ni baby. Hinahanap ka siguro."

Tumayo ako para kunin ang anak namin ni Mike kasabay ng paglabas ni papa sa kwarto.

"Sssshhh. Tahan na baby. Nandito na si mommy."

Kahit na anong gawin ko, ayaw niyang tumahan. Iyak siya nang iyak.

"Siya ba?"

Mahina ang pagkakasabi ni Mike pero narinig ko siya. Lumapit ako na buhat-buhat ang anak namin.

"Anong pangalan niya?"

"May balak sana akong isunod siya sa pangalan mo. Michael."

"Huwag. Ayaw kong masapit niya ang mga masasakit na pangyayaring napagdaanan ko. Ayaw kong makita mo ako sa kanya. Gusto kong magkaroon siya ng ibang buhay, ang buhay na magbibigay sigla at pag-asa sa'yo."

Mahina ang pagkakasabi ni Mike pero ramdam ko ang emosyon na pinapahiwatig niya sa akin.

"Noah."

Sinabi niya ang pangalang iyon kasabay ng paghaplos sa pisngi ng anak namin, bigla siyang tumahan at tumawa na para bang sobrang saya. Lukso nga siguro ng dugo.

"Noah? Kay gandang pangalan."

Sambit ko.

"Mahal na mahal kita Noelle. Sorry talaga."

Pagkabanggit niya ng katagang "sorry", naalala ko yung araw na yun.

*flashback*

"Para makasiguro tayo sa kaligtasan niyong dalawa Noelle."

Pinagpipilitan kasi niya na gawing bawat linggo ang pagbisita ko sa doktor.

"Mike, basta nasa tabi kita, nakakasiguro akong ligtas kaming dalawa."

Nginitian ko na lang siya nang sobrang tamis pagkatapos kong banggitin angmga katagang iyon. Malaki kasi ang tiwala ko kay Mike. Nakita ko na ngumiti rin siya sa akin. Ngunit parang may kakaiba sa ngiti. Parang may mali. Parang may kulang.

Narinig ko na bumulong siya ng "Sorry". Hindi ko na laman iyon pinansin.

*end of flashback*

Kung sana, noon ko pa sya kinausap. Eh di sana... sana hndi na siya nahihirapan nang ganito. Sana matagal ko na siyang dinamayan para kahit kaunti ay mabawasan ang bigat ng problemang binubuhat niya.

Kinausap ko yung doktor ni Mike kanina. May mga pinirmahan kasi akong mga papeles.

*flashback*

"Alam mo ba, matagal na naming nadiagnose ang sakit niya, at matagal na rin namin itong ginagamot. Hindi muna namin sinabi sayo dahil baka hindi mo makayanan at makaapekto pa sa paggaling ng pasyente."

Tahimik lang ako nun habang nagsasalita ang doktor.

"Yung araw na nagising na si Mike, hindi ba't nagpabili siya sayo? Hindi dahil nagugutom siya. Alam na niya na may sakit na siya at yun ang ibabalita ko. Ayaw lang niya na malaman mo. Pinakiusapan niya ako na gawin itong sikreto. Kaya palihim siyang bumibisita sa akin, gaya nung araw na nagpacheck-up kayo sa doktor tungkol sa baby niyo."

At bigla kong naalala ang araw na yun. Sinabi niya na mauna na ako sa sasakyan. Ang alam ko ay babalitaan lang niya ang doktor na maayos na siya... Yun pala...

"Hanga ako sa kanya dahil nagtagal siya nang ilang buwan. Ang alam namin, isang milgro ang nangyari. Siguro, ang pagmamahal niya sayo ang nagbigay sigla sa kanya. Mahal ka talaga niya. "

Yung mga huling kataga niya ang nag-udyok para tumulo ang mga luha ko.

*end of flashback*

"Mag-ingat kayo ha. Tandaan niyo na lagi ko kayong babantayan. Mahal na mahal ko kayo."

Humihina ang boses ni Mike at para bang unti-unting naglalaho ang kapaligiran ko.

"Noelle."

May tumatawag ng pangalan ko.

"Noelle."

Nararamdaman kong may yumuyugyog sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Tinignan ko agad si Mike sa pag-asang gising talaga siya. Pero panaginip lang pala lahat.

"Oras na."

Sabi ng doktor.

"Alam kong hindi mo kaya. Huwag mong pilitin ang sarili mo. Huwag kang mag-alala. Oras ko na talaga."

Napalingon sa paligid ako nang marinig ko ang boses niya... Si Mike. At napangiti.

"Hindi na kailangan dok. Oras na ni Mike."

Pagkabanggit ko, nakikita ko ang unti-unting pagbagsak ng linya sa bagay na nakakabit kay Mike.

Bago tuluyang maging deretso ang linya at ang pag-alingawngaw ng tunog mula sa machine na yun...

"Paalam, Noelle."

*teeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet*

Nagsimula na namang umiyak si Noah.

Masaya ako. Ang pangalan ko ang huling sinambit ng labi ni Mike.

Paalam, aking mahal.

END.

Paalam, Noelle //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon