Paalam, Noelle [8]

588 13 17
                                    

Maraming salamat sa laging pagpapangiti sa akin dahil sa mga comments mo. :D Kaya yan, dedicated ang chapter na ito sayo.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

 8.

"Mike, sorry, sorry, sorry. Sorry talaga kung naisipan kong iwasan ka. Kapakanan mo naman talaga ang iniintindi ko eh. Pero nakalimutan ko nang isipan ang puso mo. Sorry talaga."

Pagkagising ng diwa ko, hagulgol agad ni Noelle ang narinig ko. Gusto ko sana siyang yakapin at sabihin na maayos na ang lahat, na naiintindihan ko siya. Ang tanging magagawa ko na lang ay pakinggan ang kanyang paghikbi. Pakiramdam ko, nagiging pabigat na ako sa kanya. Wala talaga akong silbi. Imbes na ipadama ang kaligayahan sa taong mahal ko, kasalungat naman ang ginagawa ko.

"Kung narinig mo man yung pag-uusap namin ng doktor kanina, pasensya na. Nagdedesisyon agad ako, ang sasabihin lang pala ng doktor ay baka konektado raw ang nararamdaman ko sa nararamdaman mo kaya mag-ingat daw ako. Ang akala ko, paghihiwalayin niya tayo. Sorry talaga."

Medyo kumalma na si Noelle dahil nararamdaman kong nawawala na ang kalungkutan niya.

"Pero Mike, masaya ako. Kahit mukhang patay na ang katawan mo, nararamdaman kong buhay na buhay ang puso mo. Salamat."

Hinalikan niya ako sa aking noo na siyang nagpangiti sa puso ko.

Ilang minuto ang nagdaan bago muling may doktor na dumating. Kinausap niya si Noelle. Pabulong lamang ang mga yun. Siguro naninigurado sila na dapat ay hindi ko marinig ang mga iyon. Ngunit, naririnig ko naman.

"Noelle, iha, nanghihina na ang puso ni Mike. Hindi ko alam kung kaya pa siyang buhayin ng mga gamot na binibigay namin sa kanya."

"Huwag kayong mawalan ng pag-asa Doc. Palaban yang si Mike."

"Pero Noelle, baka hindi na kayanin ng katawan niya ang mga lakas ng gamot na dumadaloy sa dugo kung ipagpapatuloy pa namin iyon. Ihanda mo na ang sarili mo Noelle. Baka ngayon linggo o di kaya'y sa susunod na ang araw na pinakaayaw mong dumating."

"Hindi pwede Doc! Hindi ako kayang iwan ni Mike. Mahal niya ako."

"Minsan, hindi talaga sapat ang pag-ibig, kahit gaano niyo man kamahal ang isa't isa."

Nagulat ako sa sinabi ng doktor. Siguro nga, hindi talaga ganun kalakas ang pag-ibig, na siyang sinasabi ng ibang tao.

Paalam, Noelle //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon