Hello Sweets! :D *kaway!*
Feeling ko nagiging korni na yung update ko. Hihihi. Kung masusunod ang outline na ginawa ko, malapit na ang katapusan ng storya nila Noelle at Mike kaya abangan. Ano bang gusto niyo, happy or sad ending? Chos. Matagal ko na yang napagdesisyunan. For now, read, comment and like. Maraming salamat!
----------------------------------------------------------------------
11.
Dumating na rin ang araw ng pinakahihintay naming kasal. Masyado kaming naghintay nang matagal para dito kaya hindi ko hahayaang masira muli ito.
Narito na ako sa harap ng simahan. Kinakausap ang aking mga panauhin. Hindi ko naman maipagkaila na bumabalik din naman sa aking alaala ang mga nangyari tatlong taon na ang nakalilipas. Ayaw ko nang maulit pa yun. Sapag-iisip ko pa lang nun, parang nabubuksan ulit ang mga naghilom na sugat sa puso ko. Hindi yun pwede. Araw namin to ni Noelle. Dapat masaya ako.
"Mike, pumasok ka na. Parating na raw ang asawa ko."
Tinawanan ko na lang ang sinabisa akin ng isa sa mga tapat kong kaibigan.
Pagkatapos ng ilang mga minuto, sinimulan nang patugtugin ang musika. May puting pigura na unti-unting lumalapit sa akin. Sobrang higpit ang kapit niya sa isang lalakeng hindi maipagkakailang may katandaan na.
"Ikaw na ang bahala."
Sabi nung lalake habang iniaabot ang kamay ng babae sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala."
Nakita ko naman ngumiti sa akin ang babae.
"Handa ka na?"
Tanong ko sa kanya.
"Oo."
Nararamdaman ko ang pagnginig ng kanyang kamay. Hinawakan ko na lang nang napakahigpit upang sabihin na nandito lang ako sa tabi niya. Napatingin naman siya sa akin. Nginitian ko na lang siya.
Pagkatapos ng mga seremonyas, nagharapan na kami ni Noelle para sa mga pangako namin sa isa't isa.
"Ikaw, Mike, tinatanggap mo ba si Noelle bilang iyong asawa?"
"Noelle, saksi lahat ang mga taong naririto pati na rin ang Panginoon, pinapangako ko... Hinding-hindi na kita iiwang mag-isa. Tandaan mo yan. Kaya opo, padre."
Narinig ko ang palakpak at paghiyaw ng mga tao sa loob ng simbahan. Nakakatuwang isipin na ganun talaga ang ginawa nila. Sa bagay, may pagka-korni naman ang sinabi ko eh.
"Ikaw, Noelle..."
"Opo."
Narinig ko naman ngayon ang tawanan ng mga tao pati na rin ang pari. Hindi pakasi siya tapos eh sumagot na tong si Noelle.
"Ayoko na kasing patagalin pa. Baka kung ano na naman ang mangyari. Ayaw ko nun."
"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa."
Nagsihiyawan at nagsipalakpakan ang mga tao nang nagdampi ang labi naming dalawa ni Noelle.
Pagsapit ng gabi...
"Mahal na mahal kita Mike."
"Mahal na mahal din kita Noelle."
At nalunod na kami sa pagmamahal ng isa't isa.
Binigay ko ang buong puso at pagmamahal ko kay Noelle sa pagsapit ng gabing iyon. Hindi ako nagsisisi dahil sinuklian niya rin ito, walang labis, walang kulang.
BINABASA MO ANG
Paalam, Noelle //
Storie d'amore[July 11, 2011 - September 12, 2011] Saksihan ang istorya ng pag-iibigan nina Mike at Noelle. Sapat nga ba talaga na mahal niyo ang isa't isa upang mapasunod ang tadhana sa inyong kagustuhan?