Ang pinakamahabang update so far ay dinededicate ko kay ate rach. Hihihi.
Sa lahat ng readers nito lalung-lalo na sa mga nagcocomment, maraming maraming salamat na sa sobrang dami ay umaaapaw na. At sa mga silent readers, kung meron man, magparamdam naman kayo. *bow* Enjoy the chapter.
-----------------------------------------------------------------------
10.
Pinagpahinga lang ako ng mga doktor at nars ng ilang araw pagkatapos ay kung anu-ano nang tests ang mga isinasagawa nila sa akin para daw matiyak ang kondisyon ko.
Pagkapasok pa lang ng doktor sa kwarto ko...
"Noelle, pwede bang pabili ng saging sa canteen ng ospital?"
Agad-agad akong nagpabili kay Noelle.
"Hay naku Mike. Paghihintayin ko pa si dok, mamaya na lang."
Protesta niya.
"Sige na Noelle, please?"
Pero syempre ayaw kong magpatalo sa kanya.
"Oh siya siya. Wait lang po dok ha. Maarte yung pasyente. Hehehe."
Pagkatapos ng ilang minuto, bumalik din si Noelle dala ang dalawang piraso ng saging na pinabili ko sa kanya.
"Sorry dok kung natagalan. Ano po ang isinadya niyo rito?"
Sabi ni Noelle sabay bigay sa akin ng pinabili kong saging.
Bago siya sumagot, tumingin muna siya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Nakita kong medyo nagtaka si Noelle pero di na lang niya pinansin.
"Gusto ko lang sabihin na sobrang bilis ng paggaling ni Mike. Halos hindi nga namin akalain iyon. Mukhang napakagaling talaga ng personal na doktor niya. Hahaha."
"Hindi naman po. Sadyang palaban lang yang si Mike."
Bakit masyadong kang mapagkumbaba, Noelle?
"Sa susunod na linggo, maaari na siyang makalabas."
Halos maiyak na si Noelle sa balitang inihatid ng doktor. Nagulat nga ako nung niyakap niya agad si dok, dahil sa sobrang saya.
"Thank you po dok!"
"Walang anuman iha, trabaho lang namin yun. Sige, maiwan ko muna kayo."
"Oh, bakit parang di ka masaya jan Mike."
Napatingin agad ako kay Noelle. Mukha ba akong malungkot ngayon?
"Ha? Hindi naman sa ganun. Masyado lang sigurong malalim ang iniisip ko."
Nagpapalusot na naman ako sa kanya.
"At ano naman ang iniisip mo?"
Mag-iimbento sana ako ng kwento sa kanya pero pinili kong huwag na lang. Hindi naman masamang maging seryoso kahit minsan di ba? Tsaka, matagal ko na rin naman tong kinikimkim.
"Tatlong taon kitang sinaktan...
at pinaghintay. Hindi ko alam kung mamahalin mo pa rin ako gaya ng pagmamahal mo sa akin tatlong taon na ang nakararaan."
Habang sinasabi ko ang mga iyon, nakatuon lang ang atensyon ko sa may bintana ng kwarto.
"Ano ka ba Mike. Sa tingin mo nandito pa rin ako ngayon kung hindi kita mahal? Sa tingin sasayangin ko ang tatlong taon para lang bisitahin at alagaan ka araw-araw? Sa tingin mo, sasayangin ko pa ang oras at laway ko para sagutin ang tanong mo? Mike--"
Kilala ko si Noelle. Minsan, kung gusto talaga niyang mapatunayan ang isang bagay, gagawin niya. Kaya bago pa niya ako sermonan, nagsalita na ako.
"Kung gayun, payag ka?"
Napatingin na agad ako sa kanya. Nakita ko ang naguguluhang ekspresyon sa mukha niya. Sa bagay, sobrang labo naman ng tanong ko.
"Ha? Payag saan?"
Tumigil ako ng ilang segundo.
"Na pakasalan ako."
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na may mag-aalok sa kanya ng kasal dito.
Pinilit kong tumayo mula sa aking higaan at naglakad ng dahan-dahan papalapit sa kanya.
"Wala akong singsing ngayon, pasensya na. Pero..."
Lumuhod ako sa kanang paa at kinuha ang kanang kamay niya.
"Noelle Dizon, will you marry me?"
Napatakip agad siya ng labi niya na paniguradong bumuo ng hugis bilog dahil sa pagkasurpresa niya. Naikita kong nanliligid na ang mga luha samga mata niya.
"Silence means yes?"
Dahan-dahan siyang tumango ng ilang beses habang nakatitig sa akin. Tumayo na rin ako at niyakap siya. Pagkatapos ng ilang taon, ikakasal na rin kami sa wakas si Noelle.
"Pangako, sa pagkakataong ito, wala nang hahadlang sa atin. Mahal na mahal kita Noelle."
At hinalikan ko siya sa kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Paalam, Noelle //
Romance[July 11, 2011 - September 12, 2011] Saksihan ang istorya ng pag-iibigan nina Mike at Noelle. Sapat nga ba talaga na mahal niyo ang isa't isa upang mapasunod ang tadhana sa inyong kagustuhan?