Paalam, Noelle [15]

539 9 7
  • Dedicated kay all Silent Readers out durrrr
                                    

Dedicated po ang chapter na ito sa lahat ng silent readers lalung-lalo na sa mga naglalike at nagdadagdag ng PN sa kanilang library! Naappreciate ko lahat ng mga yun sana lang po eh makapag-iwan kayo ng kahit isang comment lang/ Magparamdam na kasi. Hahaha. If ever lang naman na meron.

Ano sa tingin niyo ang mangyayari sa susunod?

----------------------------------------------------------------------------------------

15.

Akala ko noon ay magiging maayos na ang lahat. Na pagkatapos ng tatlong taong puno ng kalungkutan at paghihinagpis ay mapapalitan ito ng panghabambuhay na ngiti at kaligayahan.

Pero...

masyado akong umasa.

Totoong buhay pala ito... Na kung saan ay papatayin ka ng mga pangarap mo.

Pagkatapos ng ilang buwang kalayaan, dito rin pala ang bagsak ko. Sa ospital.

At gaya ng dati... Kung saan ako magaling... Tulog na naman ako. Ayun sa mga pag-uusap ng nurse na kumakalinga sa akin, narinig ko na isang linggo na rin pala akong nandito. Hindi pa ako binibisita ni Noelle, siguro nagpapahinga pa siya o kaya naman ay galit siya sa akin.

Sabagay, kung ako siya, poot at galit din ang mararamdaman ko sa taong mahal ko na hindi man lang ako pinagkatiwalaan sa kondisyon niya ngayon.

Nung sumunod na araw, sobrang saya ko dahil binisita na ako ni Noelle. Gusto kong malaman kung kamusta na sila ng anak namin pero tahimik lamang siya buong araw. Hindi niya ako kinausap.

Pero hindi niya binitawan ang kamay ko.

Biglang may kumatok sa pintuan.

"Noelle, pwede ba kitang makausap?"

Marahil ay tumango lang si Noelle. Hindi kasi siya nagsalita. Ni hindi nga niya pinakawalan ang kamay ko.

"Alam mo namang nabubuhay pa siya dahil sa nakakabit na life support sa kanya di ba? Alam kong kakayanin ni Mike ang lahat, malakas pa ang katawan niya pero sa tingin ko..."

"Ayoko dok."

At dun ko na lamang narinig muli ang boses niya... Ang boses na may halong kalungkutan.

"Kung ayaw mo, we'll be the one to do it."

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ayokong mamatay si Mike. Kakayanin niya ulit ito."

Ganyan si Noelle. Hindi ko siya nagawang pagkatiwalaan sa kondisyon ko pero sobra-sobra ang pagtitiwalang binibigay niya sa akin.

"It's not that. Iha, hindi ka ba naaawa sa kanya? Kung magpapatuloy ito, mangyayaring muli ang nangyari sa kanya nang ilang beses na noon, which is very dangerous. Pero hindi ba sumagi sa isip mo na oras na niya?"

Tumigil ang doktor upang huminga ng malalim.

"May dalawa kaming choices na binibigay sa mga mahal sa buhay ng pasyente. Una, ang hintaying mawalan ang pasyente ng hininga, o, ikalawa, ikaw mismo ang... alam mo na."

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, nagsalita na rin ang doktor.

"Mauna na ako Noelle. Mas aasikasuhin pa akong ibang mga pasyente."

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, napahinto ang doktor nang magsalita si Noelle. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Dok, ako na po."

"Be strong Noelle. You're very brave."

Sambit ng doktor bago tuluyang umalis.

Pagkasara ng pintuan, tahimik na nagluksa si Noelle. Nararamdaman kong basang-basa na ang kamay ko pero wala akong pakielam. Nasasaktan si Noelle dahil sa akin... Sinasaktan ko si Noelle.

Kung mamamatay din lang naman ako, mas mabuti nang mamatay ako sa mga kamay ng taong pinakamamahal ko.

Paalam, Noelle //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon