• • ₰• • ₰ • • ₰• •
Letter
Nagising ako nang matamaan ng sinag ng araw ang aking mga mata. Nakaupo ako sa sahig pero ang ulo ko ay nasa sofa.
Bahagya kong kinusot ang mga mata ko dahil sa hapdi. It felt like I'm emotionally drained.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili na parang walang nangyari. Paano nga pala ako napunta dito? Bakit hindi man lang ako ginising nina Papa?
Dumeretso ako sa aking kwarto. Humarap ako sa salamin at bahagyang kumunot ang noo ko. Nagtaka ako kung bakit sobrang magang-maga ang mga mata.
I blinked.
Then my dream last night suddenly flashed instantly. Umalis ako ng kwarto at tumakbo papunta sa kwarto nina Mama.
This can't be. Panaginip lang iyon!
Nakabukas ang kwarto nina Papa. Pero wala sila doon. Hindi naman lumalabas ang mga iyon kung hindi sila nagpapaalam sa akin.
Nanghihina akong bumalik sa living room. Nahagip ng aking mga mata ang isang bagay na kumikinang. Ang silver flute! Kay papa ito. Agad ko naman dinampot.
My heart was beating so loud. Unti-unting nagiging klaro ang lahat ng nangyari sa mga magulang ko. They're gone! Umalis sila kasama nung mga lalakeng nakasuot ng itim na kapa.
I remembered everything!
The weird sound at ang pag-iyak ni Mama.
Hindi na ako makaisip ng tamang sagot kung ano ang nangyari kagabi. Agad akong nagbihis at pumunta sa malapit na police station. I need to report this! Nandito pa ang kotse ni Papa. Kaya confirmed na kinidnap sila ng masasamang tao.
—
"Miss are you s-ure na.... n-nakidnapped sila?" tanong ng isang pulis. Napangiwi naman ako.
Halos hindi na magkasya ang uniporme ng lalake sa sobrang laki ng tiyan nito.
Habang tinatanong niya ako, ngumunguya pa ito ng hamburger. Siguro kung ibang pagkakataon lang ito baka pinagtawanan ko na itong mamang pulis.
Umayos ako ng pagkakaupo. Tyring to ignore the sounds of his chewing.
"Sir I'm serious! Kinuha po talaga ang mga magulang ko. Nakasuot po sila ng maitim na kapa." Ang alam ko kapag may mga serious crime pinapadrawing nila sa mga witness ang mukha ng mga criminal pero ngayon parang wala naman gumagawa ngayon.
Imbes na tulungan nila ako pinagtatawanan pa nila ako!
"Miss. Ano 'yun..mga kulto?" natatawang sabi ng isang payatot na pulis.
Napahilamos ako ng mukha. "Sir.. please help me!" halos mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Wala pang 24hrs na nawawala sila Miss. Baka naman may pinuntahan lang sila at hindi nakapagpaalam sayo.." mahinanong sabi ng kararating na pulis. Mga nasa edad 25 na siguro ito. Mukhang matino naman itong kausap kaya humarap ako sa kanya.
"Sir, naiwan po nila yung kotse nila." nasa tono ko ang malamig at seryosong tono.
"Ok ganito na lang miss. Ibigay mo yung mga picture ng mga magulang mo at kami ang mismong tatawag sayo kapag may nakita namin sila. Pakibigay na lang ng personal information mo." Napakunot ang noo ko. Pero ibiginay ko na lang ang kailangan nila.
"Pss, mga galawan mo rin eh no?..nakakita ka na naman kasi ng magandang babae." natatawang sabi ng matabang lalake na hanggang ngayon ay ngumunguya ng burger.
"Sige na miss, tatawagan na lang kita —namin." Kumindat pa ito sa akin.
Napangiwi pa ako. Hindi na ako nakapagtimpi kaya tumayo na ako. "Sige po mga sir. Alis na po ako." that time parang gusto ko silang murahin dahil sa napaka-unprofessional nila!
Hindi na ako umaasa sa sinasabi nila na tatawagan nila ako. Kaya ako na mismo ang maghahanap sa kanila. Wala pa namang 24hrs kaya maghihintay muna ako sa bahay baka nandun na sila ngayon.
Nagtanong-tanong na rin ako sa mga kapit bahay namin lalo na sa Barangay Hall. Lagi kasing may kantahan doon at sayawan. Madalas kasi nakikitambay ang mga magulang ko doon.
Halos matapilok pa ako sa daan dahil sa paghahabol ng oras.
Kinakabahan na talaga ako. They just don't leave without saying goodbye!
—
Patakbo akong pumasok sa bahay namin.
"Mama..Papa!!" halos napapaos kong tawag sa kanila. Wala parin sila hanggang ngayon.
Tinawagan ko si Klaine. Nagriring lang ito pero walang sumasagot. Hawak-hawak ko ang phone nina Mama at Papa.
23hrs na!
Isang oras na lang! Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Nakayap ako sa aking mga binti habang nakaupo sa sofa. Iyak lang ng iyak habang tinatawag sina Mama at Papa.
Para akong bata na naagawan ng laruan.
Kinuha ko ang silver flute ni Papa. Tinitigan ko lang ang nakaukit sa silver flute. May hugis nota ito na napapalibutan sa flute. Sobrang ganda.
Tinuruan ako dati ni Papa magflute pero yung ordinaryong flute lang. Ayaw ipagamit ni Papa ang silver flute niya. Ngayon naiintidihan ko na, dahil halata naman na iba ang materyal na bagay ang ginamit sa silver flute ni Papa. Limited lang ata ang ganitong flute. Ibang-iba sa mga flute na nakikita ko sa school.
Titig na titig lang ako sa silver flute. There's something in this flute na kanina ko pa tinitigan. May emerald stone ito sa gitna. Hinawakan ko iyon.
Click!
Nabigla ako dahil bigla na lang itong umilaw at nahati sa dalawa ang flute. Bigla akong napamura.
Patay ako nito kay Papa! Hala! Kinakabahan akong nakatingin sa flute. Pero kumunot ang noo ko nung nakita ko ang isang papel na nakaroll.
Kinuha ko ito at binuksan ang papel.
Sulat kamay ito ni Mama.
Melody,
Anak, sa mga oras na ito siguro kinakabahan ka kasi bigla na lang nahati sa dalawa ang silver flute ni Papa mo no?
Natawa naman ako bigla. Si Mama talaga.
Melody, anak..hindi mo man maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Siguro sa mga oras na ito hinahanap mo na kami, inaasahan na namin na darating dito ang mga alagad ng kasamaan para makuha kami. Melody anak, nandito kami sa isang sagradong lupain na hindi napapasukan ng mga ordinaryong tao. Anak, itago mo ang silver flute ng papa mo. Yan ang isa sa mga instumento na kailangan ng Dark Queen. Wag mo kaming alalalahanin anak. May magbabantay sa iyo ngayon. Darating din siya. Tandaan mo..mahal na mahal ka namin anak!
Magang-maga ang mga mata ko habang binabasa ko ang sulat nina Papa at Mama. Naguguluhan ako pero hindi ko lubos maisip na bakit mas kailangan pang ingatan itong silver flute kaysa sa buhay nila. Ganito ba kahalaga ito?
Nakaramdam ako ng galit. Hanggang ngayon iniisip parin nina Mama kung gaano kahalaga ang musika sa puso nila.
Hindi na normal ito.
Kung normal lang ito hindi mawawala ang mga magulang ko dahil lang sa silver flute na ito at kung sino man Dark Queen na sinasabi nila...halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil parang mababaliw na ako sa sitwasyon ko ngayon.
Walang fairy tale! Sa TV o sa libro ko lang naririnig ang Dark Queen.
Humiga ako sa sofa habang yak-yakap ang silver flute at ang sulat.
How much I despise this musical instrument. Iingatan ko parin ito.
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music