Sacred Chamber of the Stone
I hate it! Damn it!
I really hate this day!
Ang daming nagkukumpulang mga estudyante at halos mahilo ako sa kanilang ginagawa.
They are all staring at the bulletin board.
Nasa likuran lang ako ng mga estudyanteng nagkakagulo sa harap ng Bulletin Board. I have no idea kung ano ang nakasulat sa Bulletin Board.
Waah! Si Prince Lark ang nangunguna sa listahan!!
My babes Prince Alto ang pangalawa!!!
Waaahhhh! Si Prince Harper at Piper nasa Top 10 rin.
Halos masuka ako sa lantarang panlalandi nila.
Makaalis na nga bago pa masira ang araw ko. Nakakainis lang kasi yung mga ganitong eksena. Parang gusto ko silang pag-uuntugin sa bulletin board.
"Ate Melody!!!" tumigil ako sa paglalakad nang makita ko si Carol at ang mga kaibigan nitong kumakaway sa akin.
Nilapitan ko sila na nakakunot ang aking noo. Ano na naman kaya sasabihin ng mga batang ito?
"Waah! Ate Melody! Magpeperform kami mamayang gabi!" masayang-masaya sambit ni Carol.
"Yes ate, so saya talaga ng feeling! It will be fun! Madadagdagan na naman ang mga manliligaw ko." as usual,ang conyong si Rhianna.
"Tigil nga kayo, masyado na naman kayong excited!" angal ni Jazzlyn na sinang-ayunan ni Adelaide.
"Manonood ka diba ate?" Adelaide asked. Nasa tono nito ang excitement.
Pinagmasdan ko silang apat. Kahit na First year palang sila sa kolehiyo, hindi ko parin maitatanggi ang kagandahan ng apat na ito.
Tanging si Carol at Adelaide na lang ang hindi namumutla ngayon. Both of them have a fair complexions.
At ngayon ko lang naisip na itanong sa sarili ko kung paano nga ba biglang naging normal ang kulay ng balat nila?
Last time I checked napapalibutan sila ng dark aura dahil sa kakagawan ng isang Reyna ng mga Bitter.
Psh! That Evil Queen!
Paborito ata ang Ampalaya kaya sobrang bitter ang buhay at gustong idamay ang mga Mellodian.
Kahit naman na namumutla parin sina Jazzlyn at Rhianna, malakas parin ang pangangatawan mga ito di tulad ng iba na halos hindi na makabangon o wala sa sarili tulad ng mga nakita ko sa labas ng palasyo.
They're young and talented kaya deserving din silang makapasok sa Top 10.
"Okay. Manonood ako." I simply said at nagpaalam na rin.
Alam kung busy ang lahat sa paghahanda ng Winter Wonder Musical Day nila.
Umagang-umaga palang yan na ang bukam-bibig ng mga mag-aaral dito sa Mellodia's School of Music.
At kahit na ako na ang panghuli sa paligsahan kahapon hindi parin nakaligtas sa pandinig ko ang kasiyahan ng karamihan tungkol sa Winter Wonder Musical Day at eto na nga ang araw na iyon.
Wahh! Makikita ko ulit si Prince Lark sa kanyang magarang kasuotan.
Oo nga! Ang hot niya sa suot niya last Winter!!
Pati na rin si Prince Alto!! Nakuuu! Naalala ko na naman nung hinalikan niya ako sa pisngi!
Wag niyo rin kalilimutan sina Prince Piper at Harper!!
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music