Song of Death
Nanlalaki ang aking mga mata nang mabilis na nakarating si Sonatina sa aking harapan. Bloody hell! Namukhaan ba ako nito?
Tumingala ako sa kalangitan.
Innumerable stars flicked the sky, unti-unting tinatakpan ito ng itim na ulap at ang buwan ay parang kristal na kumikinang sa kalangitan. Ito na ba ang Mystic Moon?
Humalakhak si Sonatina at tinitigan ang mukha ko. Makatingin sa akin akala mo naman siya ang pinakamaganda.
I rolled my eyes.
"Just the right time to lure the right one." makahulugan nitong sabi habang nakataas ang kilay nito. The eyes of the evil-witch had a mischievous glint in them and had a smirk on her lips. Tumingin ito sa direksyon ni Prinsepe Cai. Laking gulat ko nang napapalibutan na ito ng mga alagad ni Sonatina.
"Cai." I whispered his name. Umiling si Cai at makahulugan itong tumingin sa akin. I sighed and nod. Inalala lahat ng mga pinag-usapan.
"Hindi ka pa ba nadadala sa nangyari noon o gusto mo ng sumunod sa impyernong pinanggalingan ng mga magulang mo?" nakangising tanong ni Sonatina.
Nakakuyom ang aking kamao habang matalim siyang tinititigan.
"Why not be one of us?" natatawang dugtong nito. "Ayaw mo ba makasama ang pinakamamahal mong prinsepe?"
I gritted my teeth. Kalma lang.
Kalma lang. Kailangan kong kumalma kahit gustong gusto ko na siyang murahin.
Dumating ang grupo nina Kapitan Theo kasama si Prinsepe Lark at ang nakangising si Stanza.
"It's been a long time, Melody." masayang bati ni Stanza. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang senswal na paghawak nito ng braso kay Lark.
Binalewala ko 'yon ngunit parang sasabog ang puso ko. Shit! Naiirita din ako sa pagmumukha ng babaeng ito!
Tinalikuran ako ni Sonatina at inutusan ang mga kawal na isarado ang lahat ng lagusan palabas. Nakarinig ako ng sigawan. Nagkakagulo na ang lahat na para bang may marahas na ginagawa ang mga alagad ng reyna. I saw some royalty guards na kontrolado ni Sonatina at marahas na pinipigilang makalabas ang mga inosenteng Mellodian. Tuwang tuwa pa ang bruha!
What will I do? Ano na ang susunod kong gagawin? Sht. Parang nablanko ang utak ko at mas lalong hindi nakakatulong dahil sa panginginig ng aking mga kamay! I can't even move my body! Kabadong-kabado ako. Bloody hell! Ito na ba ang katapusan ko?
Tumingala ako sa langit. The mystic moon is here. Ang liwanag ng buwan na nagtatama sa aking katawan ay himalang nagbibigay sa akin ngayon ng kakaibang lakas. There's a strange feeling inside of my body. Na parang pinaghalong kuryente at lamig ang humahaplos sa buo kong pagkatao. Natawa ako ng bahagya. Ito na ba yung moment na magkakaroon ka ng super powers? Sabagay, kung ganito naman kahirap ang sitwasyon ko, hihilingin ko na lang maging super hero. Atleast, kaya kong iligtas ang lahat. Kaya kong salbahin ang mundong puno ng kasamaan.
Pero ayokong sumuko. Hangga't nabubuhay ako! Kailangang matuldukan na ang kasamaan ni Sonatina. Madami na ako pinagdaanan. Ngayong pa ba ako susuko?
"Kung mamatay lang din naman ako, mas mabuting isama kita sa impyerno!" gigil kong sigaw kay Sonatina.
Lumingon sa direksyon ko si Sonatina. Kinuyom ko ang aking kamao. I won't let her win this time. Ayokong masayang ang lahat ng sakripisyo at paghihirap ng mga magulang ko.
Matalim kong tinitigan si Sonatina.
She wore a slim, backless crimson long gown with diamoned-like beads. She's a true beauty but her soul is rotten inside. Her soul is darker than the night. Marami nang namatay dahil sa kanya and I will risk my life just to make her suffer in hell!
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music