Memories
Parang nanlalaban ang lamig at init sa aking kaloob-looban, dahilan sa paninigas ng buong katawan ko habang nakahiga. Ramdam ko ang bawat butil ng pawis na lumalabas sa aking katawan. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil wala akong makitang liwanag.
"Magmadali kayo, inaapoy siya ng lagnat!" nakarinig ako ng mga boses na para bang nagkakagulo.
At habang umiinit ang pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng kadiliman.
"Melody."
That voice.
Parang tumigil ang mundo ko nang idilat ko ang aking mga mata. Where am I?
Ang huling natatandaan ko ay kasama ko sina Jazz. Inilibot ko ang aking buong paningin.
I gasped when I'm standing on a cliff. Napaatras ako nang maramdaman ko ang lakas ng hanging yumayakap sa buong katawan ko. Dinig na dinig ko pa ang lakas ng paghampas ng alon sa ibaba ng bangin.
I stood there with my mouth wide open in complete shock. Bloody hell!
Muli akong umatras dahil nakakalula naman talaga sa ibaba. Napalunok ako. Sinasayaw ng hangin ang laylayan ng aking damit at halos tangayin ako ng hangin paibaba. Kaya umatras ulit ako.
Inayos ko ang buhok kong tumatabing sa aking mukha.
Pinanood ko ang buong paligid. Hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.The leaves dancing on the ground and take small flights into the air. Hindi kulay asul ang dagat. Itim ito na para bang nahaluan ng dugo.
Napatakip ako ng tenga nang may marinig akong kakaiba.
Muffled voices chattered in my ear.
Yer 'ill see the border with nothingness.
But If yer see, it's meaningless.I looked around, puzzled by the weird sounds.
Darkness yer 'ill see.
Yer ''ill see, the black river.Napayakap ako sa aking sarili. Nanlalamig ako.
Naglakad ako at susubukang alamin kung nanggaling na ba ako dito dati, nanginginig ang aking tuhod habang tinatahak ang daanang posible kong maging daan pauwi.
May parteng bahagi ng lupa ang nalalanta na ang mga damuhan pero ang mismong kinakatayuan ko ay buhay pa rin dahil sa tingkad nitong kulay berde.
Bigla akong kinilabutan.
Pero nasaan ba talaga ako? Wala man lang akong makitang barko, banka, mga tao, mga bahay at mga hayop. I'm definitely alone in this place. Pero sinubukan ko pa rin maghanap ng mga taong pwede kong pagtanungan.
This is f'cking crazy! Lizette never told me about this place in the Philippines. Ano 'yun, iniwan niya ako?
Wala akong matandaan. Ang natatandaan ko lang ay —
Nanlaki ang aking mga mata. Napatigil ako sa paglalakad. Naalala kong nawalan ako ng malay! And now I'm here!
Kinurot ko ang aking sarili. Napangiwi ako. I can feel pain.
Hindi ko na alam kung alin ang totoo. Kung panaginip pa rin ba ito, ilusyon o realidad?
Lahat ng iyan ay wala akong maisagot! Nababaliw na yata ako.
I'm still hearing voices. I shut my eyes, hoping that it would bring clarity. But sh't! Where am I?
"Black river."
Pain would throb so violently around my skull after hearing that voice again.
"Who are you?" I gritted my teeth.
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasiShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music