Melody 13 : Just Listen

3.2K 166 4
                                    

Just Listen

Isang linggo.

Isang linggo ko ng hindi nakikita ang mga magulang ko. Isang linggo ng mainit ang ulo ko. Wala pa rin magandang balita. Kahapon matapos ng pangyayari kay Adelaide, ibinalita ni Queen Bell na nahanap ng royal guard kung saan matatagpuan ang Anim na Keepers.

Hindi ito isang ordinaryong isla.

Nababalutan ito ng makapal na ulap at maraming nagbabantay na nakakatakot na halimaw. Halos kalahati ng kawal na sumugod sa isla ay namatay at ang mga natirang kawal ay pinili na lang bumalik ng palasyo para ibalita ang nakaambang na panganib kapag ipinagpatuloy pa nila ang pagpasok sa isla ng kadiliman. Bahagya kung sinabunot ang aking mahabang buhok sa inis.

How can I able to save my parents? I don't have any superpowers. Kung pwede lang hilingin na maging Darna o maging isang Wizard pinatulan ko na maligtas lang ang mga magulang ko.

I heaved a sigh as a sign of defeat.

At isa pa may problema rin ako sa School Festival. Bukas na daw iyon. Pinaaga na nila dahil sa nalalapit na Mellodian's Winter Wonder Musical. Magpapasko na pala dito pero ibang iba ang tradisyon nila. May dadalo na tatlong kaharian galing sa iba't ibang realm. Ang kinakatayuan ko ngayon ay ang Harpion City, the Center City of the Land of Mellodia kung saan matatagpuan sa Northside ng lupain. Isa itong Isla na pinapalibutan ng maraming barriers at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa umaga at gabi dahil ang araw ay natatakpan ng isang makapal na itim na ulap. Kaya pala laging maulap sa umaga. Madalas din umalan dito dahilan para dumami ang nagkakasakit.

Napailing ako.

Nakwento sa akin ni Prince Piper ang lahat ng ito. Kahit papano napapakinabangan ko rin ang pagkadaldal ni Piper. Si Prince Piper at Harper ang nakasabay ko sa pag-uwi kagabi at hanggang ngayon hindi ko pa nakikita sina Prince Lark at Alto.

Bumalik na naman ang ala-ala ko sa musical competitions.

The hell I care in that musical competitions!

Kanya kanya ng practice ang mga estudyante. Mapahighschool man o college. Pwede din pala bumuo ng grupo. May mga accredited musical club rin kung trip mong sumali. Pero kung trip mo magsolo ay pwedeng pwede. Mas malaki ang allowance at grades.

Napadako ang tingin ko sa isang music room dahil nakarinig ako ng sigawan.

Tumapat ako sa Music Rome 4012. Nasa pinakadulo ito ng mahabang hallway. Nakabukas ang pintuan kaya madali kung nakikita ang mga tao sa loob.

Tatlo sila. Isang babae at dalawang lalake na sa tingin ko ay kanina pa nag-aaway. Mga Fourth Year College sila kagaya ko dahil sa kulay na dark red cloak. Ang palatandaan naman kapag High School Student ka ay walang suot na cloak. Isang highwaist black skirt na hanggang tuhod lang para sa mga highschool students na babae at slacks na itim naman para sa mga lalake. Ang pang-itaas naman ay isang long sleeve polo na kadepende ang kulay nito kung anong year level ka.

"Ang simple simple na nga hindi niyo pa magawa!" sigaw ng babae. Short hair ang brown hair nito, maputla na morena at matangkad. Singkit ang mga mata at mapupula ang labi. She's wearing a shirt with a black and white polkadot, jeans and sneakers underneath her cloak.

Nagkamot naman ng ulo ang kausap ng babae. Matangkad at parang banyaga ang dating nito dahil sa kulay asul nitong mata. He has a pale skin at nakatali ang hanggang balikat nitong buhok. Wearing a white shirt and jeans underneath his dark red cloak. I must admit that I'm attracted in that kind of look lalo na ang mga nakasalamin. Biglang sumagi sa isip ko si Harper.

"Miss Melody?" I was jolted out of my own reverie as I heard a voice. Napatingin ako sa isa pa nilang kasama na lalake na maputi ang kutis, putlang putla rin at halatang pagod. Ito naman mukhang badboy look. He's wearing a dark faded jeans and a red shirt. Nakasombrero ito tulad ng laging suot ni Bruno Mars. Bahagya kung nakita ang magkabilang dimples nito ng ito ay ngumiti sa akin.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon