Chanson City
Naramdaman kong napatigil ang sinasakyan naming tren.
"Chanson City. Chanson City." humikab ako nang marinig ko ang anunsiyo ng isang boses ng babae.
Pagkababa namin sa platform binati kami ng malakas na hangin. The air smelt of burning. I frowned as I scanned the whole place. Napaubo ako. It's suffocating! Naningkit ang mga mata ko. Punong-puno ng usok sa paligid.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Kapitan Theo. Nagkatinginan sina Prince Lark at Alto. Biglang sumeryoso ang kanilang mga mukha kaya nakaramdam ako ng kaba.
Nakarinig ako ng mga ingay sa paligid. Tila nagkakagulo ang lahat sa loob ng istasyon ng tren.
"What happened?" narinig kong tanong ni Stanza. Nakita ko pa ang pagkapit nito sa braso ni Prinsepe Lark. Nag-iwas ako ng tingin at pinagmasdan ang buong lugar.
Bogsh!
Naging alerto ang lahat ng kasama ko. Kasabay ng pagdagundong ng boses ko ang hiyawan ng lahat ng mga nakatira dito sa Chanson City.
"Pinasok tayo!!" sigaw ng isang lalake ilang metro ang layo sa amin. Maya-maya pa ay may mga lumapit sa aming mga mga royal guards. Sila siguro ang inutos ng palasyo ng Chanson para sunduin kami. Yumuko sila kay Prinsepe Lark, Alto at pati na rin kay Prinsesa Stanza.
"What's happening?" tanong ni Prinsepe Lark. His eyes were narrowed, rigid, cold and hard.
"M-Mahal na prinsepe, nasira na po ang barriers sa buong mamamayan ng Chanson City at..." nakita ko ang takot sa mga mata nito at kaba habang nakatingin sa Prinsepe.
Prince Lark's face was red with suppressed rage. Naiintidihan ko ang nararamdaman ni Lark dahil nasa pamilya nila ang bigat ng responsibilidad ng pamilya dahil sila ang namumuno ng buong lupain ng Mellodia.
Nasa pangangalaga pa rin nila ang buong mamayan ng Chanson City at sa iba pang palasyo.
"A-At h-halos...lahat ng sinasakupan ng Mellodia ay nasira na ang mga barriers!" nanginginig sa takot na pahiwatig ng lalake na tantiya ko ay nasa edad ito ng labing walo.
I heard Princess Stanza gasped. "Then let's go! Kailangan na natin umalis!" histerikal na sigaw ng Prinsesa.
"No! We need to make sure that everything's alright first.." matigas na sabi ni Prinsepe Lark.
Wala nang nagawa si Prinsesa Stanza, tumango na lang ito habang kagat-kagat ang labi na tila ba balisa. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Napayuko ako nang makarinig ulit ako ng pagsabog. "Let's go!" nagmamadaling sigaw ni Theo at Alto sa akin. Bahagya akong nagulat nang hinawakan ni Kapitan Theo ang kanang braso ko na halos magkasabay sila ni Prinsepe Alto na nakahawak rin sa kabilang braso ko.
Umiling ako at matalim silang tiningnan. "Help your people! Damn! Wag ako ang intindihin ninyo!" sigaw ko.
"No! Baka tumakas ka pa! Dito ka lang tiger, baka mawala ka pa sa paningin ko." Ngumisi lang si Kapitan Theo pero hindi pa rin binibitawan ang aking mga braso.
Umirap ako sa kanya. Narinig ko rin ang pagtawa ni Prinsepe Alto. Bloody hell! At talagang nagsama pa ang dalawa.
"I didn't know you have a side like this Captain." nakangising puna ni Alto. "But sorry...she's with me. She'll be safe with me." seryosong sambit nito kasabay ng paghigpit nito ng hawak sa braso ko.
Napayuko ako nang may bumagsak na poste malapit sa amin. Sh*t. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa dalawang ito! Marahas kong hinawi ang pagkakahawak ng dalawang lalake sa braso ko. Narinig ko ang pagtawag sa akin ng tatlong Julam.
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music