Class
Maya-maya'y dumating na ang guro. Nakasuot ito ng puting polo at black pants.
Infairness, gwapo rin. Hindi ata uso ang pangit sa mundong ito. Tantiya ko hindi nalalayo ang edad nito sa akin.
Umayos ako ng upo nang magtama ang mga mata namin. He stared at me na para bang ineexamine niya ang buong pagkatao ko. Lumingon ako sa likod ko baka naman kasi nag-aassume lang ako.
Pero wala naman tao sa likuran ko.
Nung binalik ko ulit ang tingin ko sa guro ay ngumiti ito sa akin.
He cleared his throat. "Students! The Headmaster informed me that we have a new student here." sabi nito at sabay tumingin sa akin. "Please introduce yourself." Nakangiti parin ito.
I'm trying to calm my nerves when Alto suddenly hold my left hand. "Chill lang!"
Inirapan ko siya at tumayo na ako. Tumingin pa ako kay Lark, nakapikit ang mga mata nito.
Who cares!
Bumababa ako ng platform at tumabi sa guro. I don't know his name yet. Humarap ako mga kaklase ko. Namumutla rin ang mga mukha ng mga estudyante. Most of them are glaring at me. Siguro nagtataka sila kung bakit ako lang ang hindi matamlay.
"I'm Melody." maikling sabi ko at nagbow. Walang reaksyon ang mga estudyante. Kaya akmang aalis na ako sa platform nang hawakan ng guro ang braso ko.
"Binibini!" tinaasan ko siya ng kilay. "Ako nga pala si Lennox. Ako ang magiging guro mo."
"Obviously" walang ganang sabi ko.
"Tama nga sila,nandito na ang anak nina Lady Lyrica at Master Clarion. Ikinagagalak ko na makilala kita Melody!" masayang sabi nito sa akin.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagkakahawak nito ng braso ko. "Sir? Pwede niyo na po ba ako bitawan?" tanong ko.
Binitawan naman niya ako at napakamot ito ng ulo. "S-sorry." Napansin ko namumula ang magkabilang tenga nito.
Umakyat na ako papunta sa inuupuan ko. Nadatnan ko si Lark na mataman akong tinititigan.
Problema ng lalakeng ito?
"As all all you know malapit na ang school festival." Sabi ni Lennox. Bahagyang tumingin ito sa direksyon namin. "Mahal na Prinsepe Lark at Prinsepe Alto, nais ko po sana ipaalam sa inyo na kayong dalawa ang magiging representative sa Fourth Year level ng ating paaralan. Magkakaroon ng tagisan ng galing sa pagtugtog ng musika. Maaasahan ko po ba kayo?" magalang nitong sabi.
Musical competition huh! Napangiwi ako. Kapag naalala ko ang mga ganyang kompetisyon ay naalala ko sina Mama at Papa.
Naramdaman kong nag-iinit na ang bawat sulok ng mata ko. Gustong-gusto kung kalimutan ang musika dahil ito ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang mga magulang ko.
Akala ko makakapagsimula ako ng bagong buhay nung nagpaalam ako sa mga magulang ko na hindi na muna sasali sa mga paligsahan pero sadya talagang mapaglaro ang tadhana. Mas lalo pang gumulo ngayon.
Ikinuyom ko ang aking mga palad. I swear! Makakapatay talaga ako kapag may nangyari sa mga magulang ko!
How can I fight that evil dark queen? Good music versus bad music?
Base sa mga pinatugtog dati ng mga alagad ng Dark Queen ay nakakapanghina talaga ito.
I mentally roll my eyes.
Kamukha kaya ng Dark Queen si Maleficient o kasing ugali nito ni Ursula sa The Little Mermaid? Will I be able to bring back my parents sa mundo ng mga tao?
Will I be able to survive here in this freaking school na puro musika ang laman ng bibig?
—
Tumunog ang bell hudyat na para sa lunch break. As usual nakasunod lang ako sa dalawa. Poker face lang silang dalawa. Walang kaemo-emosyong tumingin ako sa paligid at halata sa mga estudyanteng nakakasalubong namin ay nakarehistro ang takot sa mga mukha nila.
When we entered the hallway of the cafeteria, lahat ng tao sa loob nito ay napatigil at napatingin sa direksyon namin.
Girls are drooling, obviously dahil sa dalawang kasama ko. Nakita namin sina Piper at Harper na nakaupo sa gilid ng malaking bintana. Mas maayos ang lamesa at upuan nila. May pagkain na rin na nakahanda. Exclusively for the Royals lang ata ito. Nung una nag-alinlangan akong umupo katabi nilang magkakapatid pero hinatak ako ni Alto at pinaupo sa tabi niya.
Ramdam ko ang mga matatalim na tingin ng mga tao sa paligid namin. I can almost hear someone saying "Bakit kasama nila yung pangit na yun?"
I gasp for air. Did she just said pangit ako? Tumingin ako sa nagsalita.
Halos mapanganga ako sa sobrang ganda nito. Mahaba ang buhok nito at makinis ang mukha, chinita at payat. May nunal ito sa gilid ng labi. Nakasuot ng maikling palda at dark red cloak. Ayos na sana kung hindi lang makapal ang make up nito.
May kasama siyang tatlong babae rin. Simple at magaganda rin na nakasuot ng maiikling palda. Lumapit ito sa amin. Nakataas ang isang kilay ng chinita na babae na nakatingin sa akin.
Nanlilisik ang kulay asul na mata ng chinita.
"Sino siya?" nakataas kilay nitong tanong sa magkakapatid. Pero sa akin parin nakatingin.
"Tss. Wag ka ngang manggulo dito." Sambit ni Lark habang kumakain ng sopas. May sopas rin pala sa mundong ito?
"Why? I'm your fiancée at may karapatan akong malaman kung sino itong babaeng ito." Sabay turo sa akin.
Oh. Ang aga naman. Fiancee agad? This cold jerk guy has a girlfriend. Imagine? Para bang may nagbara sa lalamunan ko sa iniisip ko.
"Yes, fiancee niyo kaming apat so may karapatan kami." Sabi naman ng isang morenang babae. Mahaba ang buhok nito, nakasuot ito ng asul na cloak. Maamo ang mukha pero di ko alam pakiramdam ko kasi nagtatago ang pagkamaldita nito sa malaanghel nitong mukha.
Tumango naman ang dalawa pang babae na kasama ng morena at chinita. Nakasuot ng dilaw na cloak ang mahinhin na babae, kulay asul rin ang mga mata nito. Yung isa naman ay pula ang kulay ng buhok nito na binagay sa violet eyes nito. Ngumiti ito ng tipid sa akin.
Oh shoot! Mukhang ako pa ata ang dahilang ng LQ ng mga ito. Akmang tatayo na sana ako nang hawakan ni Lark ang kamay ko at pinaupo.
Nanlaki ang mga mata ng chinita. "Lark! Kung gusto niyang umalis, wag mong pigilan!" sigaw nito.
"Pwede ba Aria, wala akong panahon sayo!" A very furious and deep voice from Prince Lark.
Natahimik naman ang buong paligid. Namumula naman ang pisngi ng chinita at inirapan ako. "Hindi pa ako tapos sayo, pangit!" bulong nito sa akin at umalis na ito.
Napatingin naman sa akin ang tatlo nitong kasama. Ngumiti ng tipid ang red hair girl at ang short hair girl. Pero yung morenang babae ay nakatingin lang ito sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ang apat na babae.
Narinig ko naman na tumawa si Piper at Alto.
"Your reaction is priceless!" natatawang sabi ni Alto.
Tumingin ako ng masama sa lalake.
"She's cute though." Sabi naman ni Piper.
Ngiti-ngiting inaayos naman ang salamin ni Harper at napatingin sa akin.
As usual, tahimik lang din si Prinsepe Lark.
Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Magaganda at mukhang may dugong maharlika ang apat na fiancée ng magkakapatid.
Napaismid ako. It's not my problem anymore!
—
Not edited. Thank you silent readers!
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music