Tears in the rain
I'm in the spiral staircase. The whole place was blurry and dark.
May naaanigan ako sa itaas kaya pinilit kong inimulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung nasaan ako pero base sa pabilog na liwanag na nagmumula sa itaas ay ang tanging naiisip ko lang na istraktura ng gusali ay isa itong tore.
I can almost see the stars and the moon above from this spiral staircase.
Napakunot ang noo ko.
Paano ako nakapunta dito? Because the last time I remember I was heavily breathing from that fire!
Almost dying.
Wait. Am I dead? Bakit nandito ako sa hagdan na ito?
As far as I know, mga kaluluwa lang ang umaakyat paakyat papunta ng langit. Ang kaibahan lang sa sitwasyon ko ngayon ay madilim sa paligid at tanging ilaw sa itaas ang nakikita ko ngayon kaya kahit papaano ay naaanigan ko ang hagdan.
"Hello?" sigaw ko ngunit umalingawngaw lang ang boses ko sa loob. Nagpatuloy na lang ako sa paghakbang paakyat.
One more step.
Hakbang. Pataas. Paakyat.
Another step.
Hanggang sa napaupo ako. Humihingal na tumigil sa pag-akyat.
"Bloody hell!" Bakit ko ba 'to ginagawa?
I've been walking upstairs pero bakit hindi parin ako nakakaakyat sa itaas? Kung pagmamasdan ko ito, para lang naman mabilis akyatin.
But bloody hell! Hindi!
I feel dizzy. Tumayo na ako.
Alam mo 'yung pakiramdam na you have to do this again? Na para bang may kailangan kang gawin?
Hinihingal akong umakyat. Paulit-ulit.
F*ck this! I'm stuck in the same spiral staircase again. I keep coming back to the same spot.
Kaya pala di ako nakakarating sa itaas!
Ayoko na!
Uupo na sana ako nang biglang nawala ang sinag ng buwan sa itaas. The stillness and darkness of this place sent shivers down my spine. Bago pa ako makatayo ay unti-unting sinakop ng dilim ang aking paningin.
I gasped.
Huni ng mga ibon ang nagpabalik sa aking diwa. Basta na lang kasi akong nagising nang maramdaman ko ang mainit na bagay na humahawak sa pupulsuhan at mga paa ko. Hindi ko alam kong nasa panaginip parin ako ngayon. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakagahiga sa isang puting kama na napapalibutan ng lumulutang na nilalang.
Lila?
I blinked my eyes twice. Hindi.
Hindi si Lila!
Pero mga katulad din sila nina Lila.
Pero akala ko ba.. "Akala ko ba lahat ng kalahi nina Lila ay kinuha ng dark queen?" Tanong ko agad. Sisigaw pa ba ako eh hindi na sila bago sa aking paningin.
Mga apat silang lumilipad malapit sa mukha ko kaya lumayo pa ako ng kaunti. I tried to move.
"Sh*t! Tanggalin niyo 'to! Mukha ba akong may gagawing masama?!" nangigigil kong sigaw sa kanila habang pinipilit na tinatanggal ang gapos sa aking pupulsuhan.
Nagulat ang apat sa sigaw ko. Kaya ang isa nilang kasama ay nahimatay at bumagsak sa dibdib ko. Ang natitirang tatlo naman ay inilibas ang kanilang matatalim na sandatang maliliit. Matalim ang tingin nila sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
Viễn tưởngShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music