The Mystic Moon
Napakurap ako.
Bloody hell! Bloody hell!
Matalim kong tinitigan ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. Nakaangat ang sulok ng labi ni Cai. Ibang-iba sa unang impresyon kong pagkakilala sa kanya kanina. Maloko din pala ito!
"A-Ano'ng pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.
Nagbuga ito ng hangin. Nangingiti at pinipilit na maging pormal ang boses. "Well, I think...you possessed the rare gifts given by the goddess of music."
Napamura ako. I clenched my jaw.
Napaawang ang labi ni Cai sa galit kong ekspresyon. And I'm making it sure na mas nakakatakot ang ekspresyon na pinapakita ko ngayon! Hindi dapat ginagawang biro ito!
"Ganun na lang ba kadali 'yon? Ang sabihin na ako ang Mystic Harmic?! Bloody hell! Ilang taon na ang lumipas! Marami ang nadamay sa ka-bitteran ng reynang iyon tapos sasabihin mong ako ang Mystic Harmic!? Just bloody hell!" padabog akong tumalikod at humakbang papalabas ng opisina ni Cai.
"Melody! Base lang iyon sa nakikita, naririnig at -"
Muli ko siyang hinarap. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung sino ako o kung ano man ako." I cut him off. Glaring at him. Napatigil lang ako nang may napagtanto.
Muling inaalala kung sino ang kausap. It's a bloody prince! But the hell I care!
Matalim ko pa rin siyang tinitigan habang si Cai naman ay naiiling at natatawa na. Minura ko na siya sa sobrang inis ko at tuluyan nang nakalabas ng opisina nito. Nakita ko na nanlaki ang mga mata ni Prince Caiden at sa huli ay umiling na lang.
That's bullshit!
Mabilis ang bawat paghakbang ko patungo sa kwarto ni Lizette. Madilim ang paningin kong pumasok sa nakabukas na kwarto nito.
"Mamita!" galit kong sigaw. Nakakuyom ang kamao.
"Ahy! Palaka!" gulat nitong sigaw. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "B-Bakit na naman?!" gulat nitong sabi.
"Mamita! Paano ba natin malalaman kung sino ang lintek na Mystic Harmic na 'yan ha! " sigaw kong tanong.
Hindi agad nakasagot si Mamita. She just blinked her eyes then shocked expression was visible to her face. Marahas itong huminga.
"Melody!" anas nito pero hindi ko pinansin ang kabiguan nitong ekspresyon.
"Sa pagkakatanda ko dati ay nahirapan sila sa paghanap ng Mystic Harmic! At bakit ngayon parang kay dali nilang gawing biro ang tungkol sa Mystic Harmic! Ano ako? Turo-turo sa kanto na basta na lang ituturong itinakda? Bloody hell mamita! Hindi na ito biro!"
Napasinghap si Lizette at hinawakan nito ang kamay ko. Pilit na pinapakalma. Hindi ko mapigilan ang sariling mapairap.
"Melody! Don't raise your voice. I'm still your mamita." she muttered.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. I sighed. Kinalma muna ang sarili at pumikit ng mariin. "I-I'm sorry..." With an apologetic smile. Even if she's a julam, malaki pa rin ang respeto ko sa kanya. Nitong nakaraang linggo, napapansin ko ang mabilis kong pagka-irita. Malayong malayo sa kalmado at classy kong pagkatao noong wala akong maalala.
Bumuntong hininga si Mamita at pinaupo ako sa gilid ng kanyang higaan.
"Yes and maybe." huminga ito ng malalim. "It is possible that you possessed the rare gifts of our goddess, Melody." paliwanag nito. "Halos lahat naman tayo. May iba pang posibleng tunay na Mystic Harmic, Melody. Wag kang maniwala sa haka-haka lang."
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music