Thank you for patiently waiting! Dahil mainit ang panahon ngayon, ipagpatuloy natin ang Winter Wonder Musical! Enjoy!
--------------------
Winter Wonder Musical Part 2
"And now, let's call the next performers 'The Princess of Music'." Muling anunsiyo ni Lady Greta Suarez.
Hindi ko parin mapigilan ang mapangiti kapag nakikita ko si Lady Greta lalo na ang itim na itim na bangs nito.
Napatigil ako sa kakatitig sa straight cut bangs ni Lady Greta nang makarinig ako ng ingay.
Isang nakakabinging palakpakan at hiyawan ang narinig ko mula sa mga manonood.
Mula sa entablado, lumabas sina Aria Stanley,Viola Middleton, Seraphine Fletcher and Celeste Wagner.
Sila ang lumapit sa akin dati habang kasama ko ang mga Prinsepe!
I lifted my eyebrow.
The Princess of Music huh, I can see how Mellodian people love them. Hindi lingid sa kaalaman ko kung gaano sila karangya. Idagdag mo ang mga humahanga sa kanila, mapalalake man o babae.
Nakatayo ang apat sa harapan ng stage. Taas noo silang nakatingin sa mga audience. They have this aura na mapapatahimik ka talaga at kailangan mo silang panoorin ng tahimik.
Hanggang tuhod ang mga suot na gown ng apat. Hapit na hapit sa katawan nila kaya makikita mo talaga kung gaano kaganda ang hubog ng mga katawan nilang apat.
I hate to admit this pero napaka-daring ng kasuotan nila at napaka-classy.
Kumikinang pa ang mga alahas nila na tinatamaan ng ilaw!
Kumunot ang noo ko.
They don't have instruments and I wonder kung ano ang gagawin ng mga ito?
Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang mga himig ng apat.
Nauna si Celeste kumanta. Pamilyar sa akin ang kantang ito at mahina akong napamura sa kanta, naalala ko si Jacki Evancho, isang International Classical singer sa mundo ng mga tao. May ginawa din itong sariling version ng "Think of Me" na kasalukuyang kinakanta ng apat ba babae.
I blinked twice. Aamin ko napakaganda ng timbre ng boses nila!
Para akong nanonood ng Le Miserables sa teatro.
Ang ganda ng mga boses ng apat.
So, that's the gift of the Goddess of Music.
Ang kumanta!
------------
Matapos ang hiyawan at palakpakan para The Princess of Music, daw sumunod naman ang grupo nina Cassidy, kinanta ulit nila ang kinanta naming apat sa music room nung unang araw mismo na makilala ko sila.
Nakita kung napatingin sa akin si Cassidy nang matapos ang pagtatanghal nilang tatlo.
Kumaway naman sa gawi ko si Van na nakatali parin ang buhok hanggang ngayon habang nakasuot ng puting polo na bukas ang tatlong butones nito sa itaas.
Hot! Papasa itong modelo sa mundo ng mga tao!
Napailing ako dahil nalalandian ako sa sarili kung isipan.
Katabi naman ni Van si Reed na sumaludo sa akin at iniwagayway ang suot nitong sombrero na katulad ni Bruno Mars.
Ngumiti ito sa akin dahilan upang makita ko ulit ang pamatay nitong dimples.
BINABASA MO ANG
The Lost Melody
FantasyShe lost the rhythm of her life. Nawala ang musika sa puso niya. Maibabalik pa ba niya ito? THE LOST MELODY. Genre: Fantasy/Fiction/Adventure/Family/Romance/Music