Chapter 35 : Voices

1.8K 88 21
                                    

Voices

Inayos ko ang pagkakakulot ng aking mahabang buhok. Muli kong pinasadaan ang aking sarili sa isang malaking salamin. Naririnig ko pa sa loob ng kwarto ang tugtog galing sa labas. I hummed the tune softly and smiled sweetly.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko. Medyo nangingitim ang ilalim ng aking mga mata pero mapapansin lang ito kapag sa malapitan. Good thing, may concealer.

I sighed. Madalas talaga hindi ako makatulog. Gustohin ko man na matulog ng maaga ay ayaw ng katawan ko.

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan.

"Congratulations Melody!" tumalikod ako at hinarap ang bagong dating. Ngumisi ako.

"Your album hit number one in the charts and sold over 1 million all over the world! Naks!" bati sa akin ng aking manager.

I gasped. Halos matumba ako sa pagkakatayo. "W-what did you say mamita?" hindi makapaniwalang tanong ko sa manager ko na itinuturing ko na rin na pamilya.

Nakita ko ang ginawang pagpahid nito ng luha. "I-I'm so proud of you!"

Niyakap ko si Lizette. Edad kwarenta na ito pero wala pang pamilya. Mas gusto raw nitong magtrabaho na lang kasi may paniniwala siya na ang trabaho ang hindi nagbibigay ng sakit sa puso keysa sa mga lalakeng walang ginawa kundi ang bigyan siya ng sakit sa ulo. She said those words with full of bitterness.

Uh, yeah. Single ang naging ending for years.

"H-Hindi ko maaabot ito kung hindi mo ako ginabayan sa lahat...kaya I should be the one na nagpapasalamat sa'yo ngayon." hinawakan ko ang mga kamay nito.

She's the one who discovered me few years ago. Ipinasok niya ako noon sa isang agency na naghahanap ng mga artist na pwedeng mabigyan ng chance para ipakita ang kanilang talento.

Wala na akong mga magulang. Matagal ko ng kinalimutan ang naging karanasan ko noon. Walang-wala ako noon and now I'm happy with my own career.

Hindi ko na natapos ang pag-aaral ko dahil sa sakit na hindi maipaliwanag sa akin ng mga doktor and I still remember those time na nagising na lang ako sa hospital galing sa comatose but two years ago umalis ako ng bansa at tinanggap ang offer sa isang recording company dito sa New York sa tulong ni Mamita.

At first mahirap dahil kinailangan kong magtrabaho bilang isang personal assistant ng isa sa kilalang international artist sa dating kompanyang pinasukan ko noon.

Mahirap pero masaya. Marami akong natutunan. Mabait naman kasi 'yung singer-song writer na naging boss ko na rin. Ito pa nga ang nag-suggest sa akin na mag-record ng isang kanta dahil naabutan ako nitong kinakanta ang isa sa mga kanta niya.

I'm not aware. May talento pala talaga ako sa pagkanta. Akala ko, niloloko lang ako ni Mamita. Siya lang naman nagsabi na may talento ako. Wala akong halos maalala pagkagising ko noong ako ay nasa hospital. Ang alam ko lang ay wala na akong nadatnang mga magulang. May nakakakilala sa akin at inihatid ako sa aming bahay but still I can't remember my family, my past or any accidents.

Some people told me that my parents are dead, missing or kidnapped. I don't know. Kaya noong lumipad kamo ni Mamita sa New York kasabay ng pag-alis ko bansa ang paglimot sa naging karanasan ko.

Nagkwentuhan pa kami ni Mamita hanggang sa matapos na ang guesting ko sa isang sikat na Night live show dito sa New York.

"Thank you!"nakipagkamayan ako sa mga fans kong nag-aabang sa gilid ng stage. Hinarang ng aking mga bouncer ang kanilang malalaking braso sa mga nagtutulukan para lang mahawakan ako. Malapad ang ngiti ko at nagpasalamat sa mga sumusuporta sa akin.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon