Epilogue

15 0 0
                                    

Maraming salamat sa lahat. Kayo ang inspirasyon ko upang matapos ang mga nasimulan kong kwento.

Simula nang mawala si Sonatina, tila unti-unting bumalik ang buhay at liwanag sa palasyo ng Mellodia. Habang naglalakad ako sa malalawak na pasilyo, napapansin ko ang bawat sulok—ang mga kurtina, ang mga pintuang nagbukas muli para sa mga kaibigan at mahal sa buhay, ang mga bulwagan na minsang tahimik at tila malamig, ngayon ay puno ng saya at tawanan.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko. Ang mga hardin, na minsang naiwang malumbay at walang kulay, ay muling nabuhay, ang mga bulaklak ay namulaklak nang mas matingkad at maganda kaysa dati. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad at ang init ng pagmamahal mula sa mga tao ng Mellodia. Sila ang naging inspirasyon ko, dahilan kung bakit ako nagpatuloy sa kabila ng mga pagsubok.

Sa kabila ng lahat ng nangyari, may kapayapaan akong nadarama ngayon. Si Lark, na laging nasa tabi ko, ay nagsilbing gabay at kalakasan ko. Hawak niya ang aking kamay habang binabagtas namin ang bawat sulok ng aming tahanan—ang tahanang minsan ay naging malungkot at puno ng takot, ngunit ngayon ay naging simbolo ng pag-asa at bagong simula.

Puno ng pagmamahalan ang bawat araw na ginugugol namin sa palasyo. Ramdam kong sa wakas, natagpuan ko ang aking lugar—ang aking tahanan.

Habang naglalakad kami ni Lark sa hardin, napansin kong papalapit sa amin ang mga magulang ni Lark, Queen Bell and King Allegro, ang matalik na kaibigan ng aking mga magulang at ang mga naging gabay ko simula nang  bumalik  ako dito sa Mellodia. Ang kanilang presensya ay palaging nagbibigay ng aliw at kumpiyansa sa akin, at ngayon, tila may nais silang sabihin na mahalaga.

"Melody, Lark," bungad ni Queen Bell, na may mainit na ngiti habang inaabot ang aking mga kamay. "Hindi namin maisip kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Parang kailan lang, narito ka bilang isang estranghera sa aming mundo. At ngayon, ikaw na ang reyna ng Mellodia, kasama ang iyong mahal na hari."

Tumango si Haring Allegro, ang kanyang boses ay puno ng kabigatan at karunungan. "Nakita namin ang lahat ng iyong sakripisyo at ang bawat desisyon mo na nagbigay ng bagong direksyon sa kaharian. Hindi madali ang piniling landas mo, Melody, pero alam mo ba? Lubos kaming ipinagmamalaki sa kung anong narating mo."

Napatingin ako kay Lark, at nakikita ko ang pagmamalaki at kasiyahan sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking kamay nang mas mahigpit, at alam kong pareho ang nadarama naming dalawa—isang kapayapaang natagpuan pagkatapos ng lahat ng laban at sakripisyo.

"Maraming salamat po." sagot ko, ang boses ko'y halos pabulong sa damdaming lumulukob sa akin. "Hindi ko mararating ito kung wala kayo. Lahat ng gabay, aral, at suporta na ibinigay ninyo sa akin ay hinding-hindi ko malilimutan."

Ngumiti si Queen Bell, at sa kanyang mga mata ay nakita ko ang init ng pagmamahal na para bang ako'y tunay na anak. "Ang Mellodia ay nasa mabuting kamay. Sa inyong dalawa, nakikita ko ang kinabukasan ng kaharian—punong-puno ng pagmamahal, pag-asa, at pagkakaisa."

Hiningan ako ng yakap ni Queen Bell, at naramdaman ko ang kanyang malasakit. "Magbubukas pa ng maraming pintuan ang hinaharap para sa inyo, Melody at Lark. Lagi ninyong tatandaan na narito kami, kasama ninyong haharapin ang anumang pagsubok na darating."

Tumango si Lark, ang kanyang boses ay puno ng pasasalamat. "Hindi namin kayo bibiguin. Ang kapayapaan ng Mellodia ay aming pangangalagaan, gaya ng itinuro ninyo sa amin."

--

Ang buong bulwagan ng palasyo ng Mellodia ay puno ng tawanan, musika, at masaganang pagkain. Mga kaibigan at mahal sa buhay mula sa iba't ibang bahagi ng kaharian ang nagtipon-tipon, bawat isa ay nagpapakita ng kanilang suporta at kasiyahan para sa amin ni Lark.

The Lost MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon