Erza's POV
After ng class session, lumabas ako ng classroom upang pumunta sa locker room.
Iiwan ko kasi ang mga books ko sa locker. Ayokong dalhin lahat sa bahay kasi hindi ko rin naman magagamit yung iba.
"Erza labas tayo mamaya."
Automatically, nagbago na naman yung mood ko. Ang lakas mambwisit ng mga tao ngayon.
"Busy ako."
Walang ganang tugon ko. Ni hindi ko man lang tiningnan yung nagsalita. Alam ko na naman kung sino yan eh.
"Sige na naman, minsan nga lang eh."
Sino siya? Manliligaw ko RAW. Pinagbantaan ko na nga ang buhay nyan, hindi parin tumigil.
"Sabing ayoko."
Sinara ko ng malakas ang locker ko. Tumalikod na ako at balak ko pa nga sana syang banggain pero bigla nitong hinawakan ang magkabilang balikat ko at akma akong hahalikan. Buti nalang napigil ko siya. I twisted his arm. Halos mapasigaw siya sa sakit.
"Aacckk. A-ang sakit. B-ba't ka ba ganyan Erza? T-tomboy ka ba?"
"Tssss. Baka di lang kita type."
I twisted his arm once again and leave.
Nadatnan ko sina Lucy, Juvia at Mira sa labas ng classroom. Mukhang kanina pa nya ako hinihintay.
"Erza san ka galing?" Usisa ni Mira. Sabay na kaming naglakad palabas.
"Dyan lang."
"May pinatumba ka na naman no?"~Juvia
Sa ganitong pagkakataon, alam nilang may ginawa na naman ako."Ginusto nya yun."
"Siguro panahon na para baguhin mo ang iyong pag-uugali. Tatanda kang dalaga nyan."~Mira
Eh ano naman? Kaya ko ang sarili ko. Umabot ako ng 19 na taon ng walang boyfriend. Hindi naman yan compulsory diba?
***
Pag-uwi ko, dumiretso na ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop at naglog-in sa facebook. Wala namang bago. Mga cheesy posts ng mga inlove. Ew.
Magl-log out na sana ako nung may nagpop out na message.
*Mr.Anonymous
Corny ng name ah? Sino naman to?
~Hey. Can I ask for your number?
Aba! Sapakin ko to eh! Ganun-ganun? Eh hindi ko nga to kilala. Kala nya sakin? Easy to get? Ulul.
Reply: Lul! Tigilan mo'ko.
Mr: Anonymous: Nakikipagkaibigan lang naman.
Reply: I didn't ask for one. Now stop this nonsense.
Binlock ko na. Istorbo.
"Nak."
Sinara ko ang laptop at tinungo ang pinto upang pagbuksan si mama. "Po?"
"Baba ka. Maganda yung palabas."
Tsk! Alam ko na kung saan to papapunta.
***
"Yieee, ang sweet nilang dalawa!"
Si mama yan, kilig na kilig dun sa pinapanood na palabas. Love story daw. Paborito yan nina mama at papa eh.
Eh ako? Di ako interesado. Ayoko sanang manood kaso magagalit sila kung di ko sila sasabayan.
*paakk*
"Aray ko!" Daing ko sabay himas dun sa parteng binatukan ni mama.
"Wag mong tulugan yung palabas anak. Manood ka para naman mainspire ka at magkaroon ka ng lovelife."
Lovelife. Wala akong pakealam sa lovelife lovelife nayan.
Kanina ko pa nilalabanan ang antok. Kung hindi ako binatukan ni mama baka nakatulog na talaga ako.
"Hay naku! O sya, akyat ka na sa kwarto mo. Baka makatulog ka pa dyan."
Hay salamat naman...
BINABASA MO ANG
When the Amazona Fell in Love
FanfictionMeet Jellal... Gwapo, mayaman, at habulin ng mga babae. However, he's an anti-social person kaya iilan lang ang mga kaibigan nya. He's the serious type and coldhearted as well. Never syang humanga sa isang babae, except for this girl who once saved...