CHAPTER 18✔

552 19 1
                                    

Erza's POV

"Are you sure di ka nya nakilala?"

Umiling ako at tahimik na pinakalma ng aking sarili. Ikinwento ko kay Juvia ang lahat ng nangyari kanina.
Kanina pa namin pinag-uusapan ang tungkol kay Laxus. At katulad ko, kinakabahan din sya sa mga maaaring mangyari.

"Iba naman siguro ang sadya nya."
I said saka nilagok ang isang can of soda. Pero bakit nga sya nandito? Nagpakalayo-layo na nga kami para di kami mahanap. Tapos biglang mapapadpad sya dito? Taena! Ang sakit sa ulo!

"Chill. Nakakailang lata kana. Mamaya malasing ka nyan! Hahaha!"
Inirapan ko lang sya. Nakuha pa talagang magbiro! Tengene!

"Ano sasabihin ba natin kina Lucy at Mira?"

"Ewan ko." Mahina kong tugon saka ako tumungo.
Ayokong problemahin na naman nila ang problema ko. Ayoko nang maging pabigat.

"Alam mo Erza, wag kang masyadong magworry. Eh hindi naman alam ni Laxus kung sino talaga si Titania diba?" She smiled at me kaya ngumiti rin ako.
Pero kahit di nya alam, di naman malabo na nag-imbestiga sya diba? Malay natin sinusundan nya ako kanina.

Sh*t!

Baka nga sinusundan nya ako kanina.

"O bakit? Yung lata oh! Nayupi na ng husto."

Napatingin ako sa hawak kong lata na halos madurog ko na pala. "Wala. Mamayang gabi na pala ako uuwi. Patambay muna dito, Juvia."

Itetext ko nalang si mama.
Ayoko munang umuwi. Lilibangin ko muna ang sarili ko dito.

***

Nung mga bandang 10 pm, naisipan ko ng umuwi. Hiniram ko nalang muna yung motor ni Juvia.

Marahan akong pumasok sa loob ng bahay. Patay na lahat ng ilaw kaya alam kong tulog na sila mama at papa.

Pumasok ako sa kwarto ko at sinigurong nakalock ang pinto. Kinuha ko ang susi sa drawer ko at hinalungkat ang cabinet. Nung makita ko yung box, kinuha ko ito at in-unlock. Tumambad sa loob nito ang isang baril.

*sigh*

Matagal ko na tong di nagagamit. Alam kong kinakalimutan ko na ang nakaraan ko, pero kung umabot na sa puntong nagkakagipitan, di ako magdadalawang isip na gamitin ulit ito.

Binuksan ko pa ang isang sikretong cabinet ko. Mula dun ay dinukot ko ang aking costume.

"Titania..."

***

Kinabukasan, sermon ang inabot ko kina mama at papa. Kesyo ba't daw umabot ng 10 pm. Kung pagalitan ako, kala mo teenager yung anak nila eh. Antokwa!

"Nagtext na ako diba, ma?"

"Eh hindi mo sinabi kung anong oras. Nag-alala kami sayo. Irereport ko na nga sana sa pulis, kung di lang ako pinigilan ng papa mo."
Napailing nalang ako saka umupo na para kumain.

Papasok muna ako ngayon para itake yung mga exams nung nag-absent ako. Magpapaalam nalang ako sa dean na uuwi ako agad dahil pupunta ako sa clinic. Ipapatingin ko yung sugat ko kung okay na.
Hindi na ako nag-uniform, tutal saglit lang naman ako dun.

"Anak, kaninong motor pala yung nasa labas?"

"Kay Juvia, pa."

Yan yung sasakyan ko papuntang school. Dun na daw kukunin ni Juvia.

"Ma, pa, alis na po ako."

Lumabas na ako ng bahay at sinarado ang gate. Isinuot ko ang hood ng aking maroon hoodie jacket tska umangkas na sa motor.

When the Amazona Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon