Erza's POV
Umuwi ako sa bahay na nakabusangot at pagod na pagod. Leche yun ah!
"O anak, bakit ganyan ang itsura mo? Ang dumi mo pa." Bungad ni mama nung pumasok ako sa kusina para uminom ng tubig.
"Natalsikan po ng putik." Walang gana kong sagot.
"Sige magbihis kana. May lakad tayo."
"Po?"
"Ime-meet ko ang bestfriend ko nung highschool. Gusto nyang isama kita at ang papa mo para daw ma meet nya. Kasama nya ring pupunta ang asawa at anak nya." Excited na saad ni mama.
Tsss. Ngayon pa talaga, eh bad mood ako.
"Mag dress ka anak."~papa
O_o
"A-ahh hindi ko na po alam kung nasaan ang dress na bigay nyo. Jeans nalang po."
Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Iniisip ko palang nasusuka na ako. Dress? Nakuuuu! Nung huling nagsuot ako nyan, yung first communion ko pa. At hindi yun nakakatuwa. Psssh. -_-
*****
"Nasan na sila ma?"Tanong ko. Kanina pa kami dito sa resto naghihintay. Wala naman yatang balak sumipot yung mga yun.
"Ayun! Tingin ko sila na yan!" Sambit ni mama habang tinuturo ang itim na kotseng kakadating lang.
Lumabas ang isang ginang na tingin ko'y kasing edad ni mama. Kinawayan nya kami. Lumapit siya at bumeso kay mama.
"Buti nakarating ka Amanda." ~mama
"Aba oo naman. Medyo natagalan nga kami ng dating eh. Yun kasing anak ko. Pasensya na."
"Okay lang, ano ka ba. Asawa't anak mo pala, nasan?" ~mama
"Nasa loob pa ng kotse. Teka, tawagin ko muna ha?"
Bumalik si ma'am Amanda sa kotse at may kinausap. Maya-maya, lumabas ang asawa nya at ang anak nil----
O_o
"Cecilia! Ito pala ang asawa ko, si Jacob at ang ang anak ko, si Jellal."
Jellal's POV
This is really boring. Kung bakit ba kasi pinilit akong sumama rito.
"Hey!" Mom called. "Labas na kayo."
BINABASA MO ANG
When the Amazona Fell in Love
Fiksi PenggemarMeet Jellal... Gwapo, mayaman, at habulin ng mga babae. However, he's an anti-social person kaya iilan lang ang mga kaibigan nya. He's the serious type and coldhearted as well. Never syang humanga sa isang babae, except for this girl who once saved...