Erza's POV
"Sinabi ko na sa teachers mo na bigyan ka nalang ng special exams bukas."
"Opo ma."
Kakalabas ko lang ng ospital. Isang araw lang akong lumagi roon dahil okay na naman ako. Kaya ngayon, wala man lang akong ibang magawa kundi ang umupo at mahiga. Hindi pa kasi ako pinapasok ni mama, bukas nalang daw.
"Pwede po ba akong umalis? Manghihingi lang ako ng notes kay Juvia." Tanong ko kay mama na nagluluto sa kusina.
"Kaya mo na ba?" Pinasadahan nya ako ng tingin. Tumango naman ako.
"Opo. Tsaka tinext na nya ako na tutulungan nya ako sa lessons. Nag-absent kasi sya ngayon kaya nasa bahay lang sya."
"O sige. Basta mag-ingat ka at huwag kang magpapagabi." She smiled saka nagconcentrate na ulit sa niluluto nya.
"Opo. Salamat"
Abo't tenga ang ngiti ko habang papaakyat ng hagdanan papuntang kwarto. Tatambay muna ako kina Juvia. Si Lucy at Mira kasi nasa eskwelahan pa.
I just wore a gray shirt and black ripped jeans. Pagkatapos kung magsuklay ay itinali ko ang buhok ko, then umupo ako sa kama at isinuot ang puting sneakers.
"Ma, alis na po ako."
Lumabas ako ng bahay at nag-abang ng taxi. Agad din naman akong nakasakay. Ingat na ingat ako sa pagpasok sa loob ng taxi lalo na't I still have a bandage on my wound. Medyo kumikirot pa pero kaya ko na naman.
"Manong, bakit po?"
Bigla nalang kasing huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa labas. Anong meron?"Sorry ma'am. Nabutas po yung gulong. Mag-abang nalang kayo ng ibang masasakyan. Sorry po talaga." Paliwanag nung driver. Lumabas sya upang icheck yung gulong ng taxi. Sumunod narin ako palabas.
"Okay lang manong. Walang problema."
Nag-abang nalang ulit ng masasakyan.
Halos ilang minuto na akong nag-aabang pero wala talaga.
Tokwa! Kung minamalas ka nga naman, oo!Nagulat ako ng may biglang humintong kotse sa harapan ko. Lumingon ako sa likuran ko pati na sa gilid pero wala namang ibang tao dito.
Hinayaan ko lang ang kotseng nakaparada. Pake ko dyan? Malay mo walang magawa sa buhay yung nagmamaneho at naisipan nalang huminto upang magpahinga, diba?
Napataas ang kilay ko nung bumukas ang pinto ng driver's seat. Lumabas ang isang lalaking----
"Jellal?" Gulat na tanong ko. He's looking at me with his usual cold stare. Napatingin ako sa kanya. He's wearing a black shirt and faded maong pants. What's with him, anyway?
"Tss. Ayokong pinaghihintay." Malamig na sabi nya. Tumaas ang kilay ko. Pinagsasabi nito?
"Eh sino bang hinihintay mo?" Iritadong banggit ko. Nag-igting ang panga nya at galit na tumitig sakin.
"Stupid. Sakay."
His voice was full of authority. But the hell I care? Sino ba sya para utusan ako? We're not even friends.
"Aba't sinong maysabing gusto kong sumakay? Tsk."
"Are you going to ride or you'll gonna wait here until late in the afternoon?"
I rolled my eyes and ignored what he just said. I laid my eyes on my wristwatch. Saka ko narealize na malapit nang mag 3pm. Ngayon pa talaga ako nagbalak pumunta kina Juvia, eh hapon na pala. Dapat kasi tinext nya agad ako na nag-absent pala sya.
Halos mag-iisang oras pa naman akong nandito para mag-abang ng taxi. Pssh.
"Okay." Saad nya at saka dire-diretsong tumungo sa kanyang kotse. Maybe he realized I'm not going with him, then?
"Teka---" Pigil ko sakanya kaya napalingon sya sakin. I do have pride pero kailangan ko talaga ng masasakyan. Might as well grab the opportunity, right? Just this once.
"Sasakay na. Tsss. " Sambit ko saka dumiretso sa back seat. My eyes are fixed outside the window.
"What?" Banggit ko nung hindi umandar ang kotse.
"Do you want me to look like your fvcking driver? Dito ka sa passenger's seat umupo." Iritadong sabi nya. Bumuntong hininga ako at lumabas na upang lumipat. Pagod na akong makipagtalo. Idagdag pa ang kumikirot na sugat sa tagiliran ko. Tangna!
Sobrang tahimik.
And of course, I don't want to open up a conversation first. Bakit pa? We're not close.
I yawned. Naknang! Makakatulog pa yata ako. Bakit ba kasi ang tagal ng byaheng to?
BINABASA MO ANG
When the Amazona Fell in Love
FanficMeet Jellal... Gwapo, mayaman, at habulin ng mga babae. However, he's an anti-social person kaya iilan lang ang mga kaibigan nya. He's the serious type and coldhearted as well. Never syang humanga sa isang babae, except for this girl who once saved...