Erza's POV
Tatlong buwan na ang nakalipas simula nung grumaduate ako. Mag tatatlong buwan narin kami ni Jellal. Nagt-trabaho ako as secretary sa isang company at si Jellal may itinayong sariling cafe. Si Lucy na ang nagmamanage ng Heartfilia's Mall. At si Juvia at Mira, business partners sa kanilang itinayong restaurant.
1 message received from Jellal...
Susundian kita mamaya. Love you.
Malapit narin kasi kaming mag-uwian. May tinatapos lang kaming meeting.
"Meeting is adjourned."
Inayos ko ang mga gamit sa mesa saka tumayo na.
***
"Hi love." Bati ni Jellal pagkapasok ko sa kotse nya. He kissed me on the cheeks.
"Hi." I responded.
"Are you tired?" Tanong nya habang iniistart ang kotse.
Tired? Not really.
"Di naman masyado. Wala naman akong ginawa kanina, nakinig lang sa meeting." Saad ko.
Honestly, it was very boring. Muntik na nga akong makatulog. Being a scretary isn't my thing, I guess. Sinubukan ko lang kasi kaibigan ni papa yung manager at nirecommend lang ako.
"Good. May pupuntahan tayo."
"Hah? Saan?"
"You'll see."
Pinaandar na nya ang kotse. After about 20 minutes, huminto kami sa tapat ng isang...
"Amusement park?" Gulat na tanong ko. Ngayon pa talaga nya gustong pumunta dito eh mag aala-sais na. Isa pa, Jellal isn't the type of guy na mahilig pumunta sa amusement park.
So what are we doing here? At this hour?
"Yeah." Sabi nya sabay hatak sa akin.
"Eh gabi na. Bukas nalang. Tingnan mo oh, mukhang magsasara na sila." Patay na kasi ang mga ilaw. It's creepy, actually.
"I rented this for tonight." Nakangiting sabi nya. Napalingun ulit ako sa loob ng park tapos----
"Wow." Mahinang sambit nung biglang umilaw ang buong paligid. The lights are just fascinating. Ang ganda, sobra.
Matagal narin nung huli akong pumunta dito. That was 12 years ago. And now that I'm here again, I can't help but be overwhelmed.
"Where do you want to ride first?"
Ayun!
"Tara dun sa roller coaster!" Sabi ko sabay hila kay Jellal dun sa roller coaster.
"Kyaaaaaaahhhhhhhh!!!"
"Whooooooohhhhh!"
Nakakahilo pero ang saya! Hindi ko inasahang mag-eenjoy ako ng ganito. I'm already 20, for heaven's sake. Pero pakiramdam ko, bumalik ako sa pagkabata. It's fun. Really fun!
"Dun naman tayo!"
Sinakyan namin lahat ng rides. Naglaro din kami dun sa dart na pag natamaan mo ang target, may premyo. Syempre nakuha ko yung PINAKAMALAKING teddy bear. Si Jellal pa, eh walang mintis to pagdating sa ganyan.
Napatingin ako sa relo ko. 8:56pm na pala.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko habang kumakain ng cotton candy at bitbit bitbit yung teddy bear na pinangalanan kong JERZA.
"Not yet. Sasakay pa tayo sa ferris wheel."
Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din si Jellal.
"Why? You look pale. Are you okay?"
"H-ha? Uwi n-na tayo." Sabi ko sabay talikod. Dammit! Talagang takot ako sa ferris wheel. Nung sumakay ako nyan 12 years ago nag-iiyak ako sa taas. Sumuka pa ako pagkababa namin. Kaya ayoko na!
"Pffft. Are you afraid?" Sabi ni Jellal habang hinaharap ako sa kanya.
"Y-yes."
"Look. As long as you're with me, you'll be safe. Don't worry okay?"
Hinayaan ko nalang syang hatakin ako. Hanggang sa hindi ko namalayang nandito na pala kami sa loob. Nagsimula na akong mamawis at nanginginig narin ang tuhod ko.
"Don't be afraid. Everything will be fine."
Pinilit kong ngumiti. Tapos yumuko ulit ako. Ayan na , nagsisimula nang umandar. Sh*t! Darn it!
"Hey! Look outside. The city lights are great."
Umiling lang ako at tinitigan nalang ang sapatos ko. Ayokong tumingin sa baba, feeling ko mahuhulog ako.
May naririnig akong putok ng mga fireworks kaya pinilit kong iangat ang ulo ko kahit nanginginig.
"Wow!" Manghang sabi ko. Napatayo ako at lumapit sa bintana upang mas mapanood ang fireworks display. Tsaka ko na realize na nawala bigla ang takot ko.
Nagform ng letters. Teka... Ano daw?
Will you be my wife, Erza?
Y-yan yung nakasulat sa langit. A-anong------
"Erza, will you marry me?"
Napalingon ako kay Jellal na ngayo'y nakaluhod sa harapan ko. May hawak na box.
Tears started rolling down my cheeks. I did not expect this.
"Y-yes.." Nanginginig kong banggit. Tapos agad akong niyakap ng MAHIGPIT, as in SOBRANG HIGPIT ni Jellal.
"Thank you love. Thank you." He said tapos sinuot nya yung singsing.
Dahan-dahan syang lumapit sakin and kissed me passionately.
"Whoooohhh! Congrats!"
Napatigil kaming dalawa at napalingon sa mga taong naghihiyawan. Tapos na pala yung ride.
Lumabas na kami at sinalubong nila ako ng yakap. Andito kasi silang lahat. Si Mama, papa, tita Amanda, tito Jacob, Lucy, Mira, Juvia, Natsu, Gray, at Lyon. Pati na si Amber nandito.
"Congrats!" Sabay nilang sigaw.
Yeah, I answered yes and the amazona is now getting married.
*****
A/N: Waaaaahhhhh! Down to the last chapter!
Thankiiesss readers. Your reads are very much appreciated. Love yah all! ♥
BINABASA MO ANG
When the Amazona Fell in Love
FanfictionMeet Jellal... Gwapo, mayaman, at habulin ng mga babae. However, he's an anti-social person kaya iilan lang ang mga kaibigan nya. He's the serious type and coldhearted as well. Never syang humanga sa isang babae, except for this girl who once saved...