Erza's POV
Nakakatamad. Nakakabagot.
Wala man lang akong makausap. Pinauwi ko muna kasi silang tatlo. Hindi pa kasi sila nakakapananghalian at ayoko silang maabala.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jellal. Agad akong umiwas ng tingin at bumuntong hininga.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Malamang bubwisetin na naman ako nito. Tsk!
"My parents forced me to watch over you. Tsss."
He said as he sits on the sofa. Kinuha nya ang isang apple na nasa table at kinain. Tsss. Akala mo naman sa kanya. Galing yun kay Mira, huy! Langya to!
*gruuu gruuu*
Leche! Gutom na ako.
"Have you eaten?" He said, still concentrating on eating his apple.
Mukha ba akong busog? Bigwasan ko to eh!
Lumapit sya sa side table at kinuha ang telepono. I wonder kung sino tatawagan nya, eh sa Nurse's station lang naman yun nakakonekta.
O_o
"Bring some food here. Room 168."
Binaba nya ang telepono saka bumalik ng upo sa sofa. Tiningnan ko lang sya at pinangliitan ng mata."What?" He asked when he caught me staring at him.
"Tsk!"
*knock*knock*
Pumasok ang nurse na may dalang pagkain at nilapag nya ito sa table. Ginutom ako lalo, buset.
Gagalaw na sana ako kaso napatigil ako nung kumirot ang sugat ko. Naknang! Pano ako kakain neto?
"Eat." Sambit nya. Nakatitig lang sya sa binabasang magazine.
Tangna! Talagang kakain ako kung makakagalaw lang ako dito!
Sinubukan ko ulit bumangon pero--- "Aack...sh*t!"
Kunot-noong napatingin si Jellal. "Seriously."
Tumayo ito at kinuha yung tray sa table. Lumapit sya sakin tsaka umupo sa tabi ko. "Tsk! I'll help you."
"No thanks. Kaya ko na."
Inagaw ko yung kutsara ngunit napalakas yata. "Awww! Tangna!"
"See? You can't."
"Kaya ko---"
"Don't be stubborn, alright? Kumain ka nalang."
Napangiwi nalang ako nung subuan nya ako. Kailangan kong magtiis. Gutom ako!
Hindi ko namalayang naubos ko pala yung pagkain.
*burp*
Napatakip ng bibig. Ganun ba talaga ako kagutom?
"Glutton."
Tamo to!
Ako? Matakaw? Aba!"Suplado." I said saka umayos na ng higa.
"Your welcome."
Abnormal pa! Pssh.
Mira's POV
Panay ang buntong-hininga ko habang nagd-drive pauwi. Lucy's on the passenger seat, habang si Juvia nasa likuran.
"Dapat nagpaiwan ako eh. Tingin ko pa naman walang nagbabantay sa kanya ngayon." Lucy murmured while frustratingly tapping his foot.
"Mapilit eh. Pssh." Dagdag pa ni Juvia.
"Don't worry. Babalik din naman tayo agad pagkatapos nating makapagbihis."
The two of them nodded. Bahagya akong ngumiti saka nagfocus ulit sa daan.
"Mira, ano ba kasing nangyari?"
Saglit akong tumingin kay Lucy na seryosong nakatingin sakin. I tightened my grip on the steering wheel.
Mira, Pwedeng atin-atin muna to?
"Nakipagbasag-ulo lang sya sa mga adik na bumastos sa kanya. Kilala nyo naman yun si Erza, diba?"
Mariin akong pumikit. Ayokong magsinungaling pero nangako ako kay Erza.
"Tsk! Kahit kailan talaga. Eh yung lalaking nakasalubong natin sa hospital? Sino yun?" ~Juvia
"Ah, yun? Anak yun ng kaibigan ni Tita Cecil."
"Talaga?"
A moment of silence filled the awkward atmosphere. Kahit papano'y nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na sila muling nagtanong.
Erza, just be careful... Please.
BINABASA MO ANG
When the Amazona Fell in Love
Hayran KurguMeet Jellal... Gwapo, mayaman, at habulin ng mga babae. However, he's an anti-social person kaya iilan lang ang mga kaibigan nya. He's the serious type and coldhearted as well. Never syang humanga sa isang babae, except for this girl who once saved...