PROLOGUE

138 10 0
                                    

andito ako ngayon sa park sabi nya dito daw nya ako kakausapin. ang dilim ng langit, uulan na maya maya wala pa man din akong payong nagmamadali kasi ako, mas gusto ko ng mauna dito kesa pagintayin sya. Ano kayang sagot nya? sana naman mas piliin nya na bumalik saakin kesa iwan ako magisa. naniniwala ako na mahal nya pa ako kaya babalik sya. think positive!

dumating na sya.. di nya suot yung bigay kong damit eh noon lagi nya sinusuot yun kahit magmukhang yun lang yung damit nya. papalapit sya saakin. di ko mapigilang kabahan sa magiging desisyon nya sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko

"Hi adrian"

"winter.. umuwi ka na"

"ano ba sagot mo?"

parang alam ko na ang sagot nya iiwan na nya talaga ako..

"di mo pa din ba gets?"

"kaya pa naman natin to diba? adrian kinaya nga natin noon ngayon pa kaya, marami pa tayong tutuparing pangarap, madami pa tayong hindi nagagawa. magpapatayo pa tayo ng bahay natin. magkakaanak pa tayo tapos lilipat pa tayo sa japan. magiging masaya tayo."

"kalimutan mo na ako"

"Mahal mo pa ako diba? sumagot ka adrian!"

"Tama na naman oh. pagod na ako! tigilan mo na ako di na kita mahal okay? please i let go mo na ako sumosobra ka na winter!"

"sumosobra? akala ko ba mahal mo ako? wala lang ba sayo yung buong panahon na kasama kita para iwan ako ng ganito? masakit adrian sobrang sakit pinangarap ko na makasama ka hanggang huli pero ganito lang? hanggang dito lang? sana naman sinabi mo na agad nung una pa lang para naman hindi ako nahihirapan ng ganito."

"enough. please, im begging winter just let me go. marami pang iba dyan na mas deserve ka. alam kong nasasaktan ka pero sana alam mo na nasasaktan din ako. move forward. maging masaya ka na ng wala ako. hindi ako ang kailangan mo. sana makamove on ka na, hindi man ngayon, sana bukas o sa mga sususnod na araw o buwan. pero tigilan mo na ako"

*slap*

"yan lang ba kaya mong sabihin? ha? nasasaktan ka din? ikaw yung nangiwan! kaya hindi ka dapat nasasaktan! minahal mo ba talaga ako? para naman kasing hindi e"

di ko na mapigilan ang mga luha na pumapatak sa mata ko kasabay na din ang malakas na ulan

"sorry. okay? sorry kung hindi ko man ganun naiparamdam sayo ang pagmamahal ko pero minahal kita maniwala ka man o hindi"

"sabihin mo na hindi mo ako minahal"

"bakit ko gagawin yun? minahal kita winter"

"sabihin mo na hindi mo ako minahal"

"ano bang mangyayari pag sinabi ko yan?"

"sabihin mo na hindi mo ako minahal and you mean it"

"hindi kita minahal. ang gulo mo bahala ka sa buhay mo"

tinitingnan ko sya habang papalayo sya saakin di ko na alam kung gaano pa kadami ang iiiyak ko pero wala na namang mangyayari sa pagiyak ko. basang basa na ako. san na ba ako pupunta?

tapos na. wala na sya. ano ng gagawin ko?.. nanghihina na ako. ayoko ng magpatuloy pa sa buhay na ito.. nakakasawa na. paulit ulit na lang. ginawa ko na yung best ko pero wala pading nangyari. malakas ako, oo. pero hindi naman siguro tama na palagi na lang nila sinusubukan kung hanggang saan o kailan ko kaya maging malakas. they are pushing me to the limit..

**




ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon