Four.

52 5 0
                                    

"ayaw ko ng may nalulungkot.."

"kayne dapat iniwan mo na lang ako dun. hindi mo ako ganun kakilala para ipagtanggol."

"tama lang ang ginawa ko, wala akong pinagsisisihan. hindi ka dapat ginaganun ng mga yun, o ng kung sino man lalo na kung wala naman silang alam sa nararamdaman mo. sandali lang bibili lang ako ng kape para sa ating dalawa."

"uhhmm okay sige"

after 5 mins. bumalik na si kayne dala ang binili nyang kape, halata sa mukha nya na worried sya. pero hindi padin nawawala yung mga ngiti nya. ano bang meron sa taong ito?

"eto na yung iyo winter" sabay baba ng kape sa harap ko.

"black cofee?" sabay amoy ko sa kape.

"yup. masarap yan."

"hindi ko pa ito natatry milkshake lang binibili ko dito lagi e. at kung magkakape man ako cappuccino inoorder ko"

"try it?"

"yeah sure. whaaa! ang pait!"

"of course hahahaha."

"bakit mo ko tinatawanan eh first time ko nga ito"

"ang cute mo kasi tingnan"

"ehhhh?" napangiti ako ng wala sa oras sa sinabi nya

"yan oh ngumingiti ka na, maganda ka pag ngumingiti. ngiti ka pa nga"

"hehh! mambobola."

"hahahahaha. hindi naman"

"alam mo, masaya ako."

"uhmm bakit?"

"kasi, ikaw kahit di mo alam nararamdaman ko o pinagdaanan ko. naiintindihan mo ako."

"alam mo winter, kahit ako wala akong alam sa mga nangyari sayo. pero nararamdaman ko na totoo ang sinasabi mo"

"salamat sayo kung wala akong kasama kanina hindi ko alam ang gagawin ko dun."

"wala yun ano ka ba. basta kapag may nanakit sayo physically or emotionally tell me agad okay? ako ang bahala sayo. di mo manlang ba sasabihin ito sa mga bestfriend mo?"

"ayoko. may narealize kasi ako. naaawa na ako sa kanila kasi nagiging pabigat na ako. iniisip nila yung kalagayan ko. gumagawa sila ng paraan para maging masaya ako. naaawa sila saakin. ayokong maging ganun sila sakin mahal ko sila. napapasaya nila ako, hindi nila kailangang gumawa ng kung ano anong paraan dahil sa kanila pa lang masaya na ako."

"iniisip ka lang nila. siguro nakikita nila sayo na parang may kulang, kahit tumatawa ka o ngumingiti."

"after nung break up namin ni adrian nagbago na daw ako. hindi ko alam pero sobrang lakas ng impact ang nagawa nun sa buhay ko. para bang pinatay ako. at dahil dun nagiba na takbo ng buhay ko." sa ngayon kalmado na ako. itinigil ko na ang pagiyak wala namang mangyayari eh ganun padin magiging tingin ng mga kaklase ko sakin

"care to share?"

"not now. may pasok pa tayo, ano ba oras ng klase mo?"

"10:00"

"teka nga ano bang oras na? hmmm. pareho lang tayo ng schedule today. 9:00 na, tara na."

"okay ka na ba talaga?"

"oo, okay na ako. tara" isinakbit ko na ang bag ko para makaalis na kami.

"oy ha kapag may ginawa sila sayo sabihin mo lang sakin"

"ala. ayoko"

"bakit naman?"

"wala ka pa namang alam about saakin. di mo kailangang mag abala pa."

ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon