Eleven.

36 4 4
                                    

tapos na ang exam namin. last day na kanina. andito na ako sa bahay nagpapahinga. papunta na kaming batangas mamaya. di ko pa din nakakausap si kayne. simula nung makita namin sya kasama yung babae, di na sya nagpakita pa. dalwang araw na ang nakalipas. miss ko na sya.

"anak, diba aalis ka na. nakapag ayos ka na ba ng gamit?"

andito si mama sa taas. ako naman nakahiga pa din sa kama. ang daming pumapasok sa isip ko. pupunta pa kaya si kabeeyne?

"naayos ko na po mama ang gamit ko. kakain lang po ako tapos aalis na ako"

"may problema ka ba?"

"ah wala po ma, okay lang po ako. pagod lang"

nagsisinungaling na naman ako, kunyari masaya, kunyari okay lang lahat.

"sya sige ipaghahanda na kita ng pagkain"

"salamat po."

"nagpaloko na naman ba ako?" parang yan din yung tanong ko sa sarili ko noong iniwan ako ni adrian.

hay nako. magaayos na nga ako ng sarili ko para makaalis na.

*kring.. kring. kring*

"hello coleen?"

"bes. andito na kami, wala pa si kuya ceejay na anak ni mang kanor"

"ahhh. text nyo ko kapag andyan na, nagaayos pa kasi ako"

"okay ka na ba?"

"hindi ko alam."

"umayos ka nga. di pa natin alam rason kung bakit nagkaganon si kayne. kaya wag ka munang magdrama."

"hayss. sige na."

*toot toot toot*

nababaliw na naman ako. bababa na nga ako.

"winter kumpleto na ba gamit mo? baka may naiiwan ka ha."

"kumpletong kumpleto na po ma, magiingat po kayo dito habang wala ako"

kumakain na ako ngayon hotdog sandwich. masarap to. pampaalis stress.

"ano ka ba, oo naman. kasama ko naman tita ginnie mo dito kaya okay lang"

"i love you mama" sabay hug ko sa kanya.

"i love you too ma"

"alis na po ako"

tinapos ko na ang pagkain at hinila na ang bag ko.

"sige magiingat ka din"

"opo ma"

--

nagsakay na ako papunta sa fidel st. at naglalakad na ako papasok sa barbequet ni mang kanor at ibp.

"alam mo kasi, hindi lahat ng gustuhin natin matututpad o makukuha natin"

"pero naghirap ako veeia, naghintay para lang masabi kay winter na mahal ko sya"

magkausap si harry at veeia. nakaupo sila sa malapit sa sulok. nagfefriendly advice itong si veeia. cute nila tingnan. ako naman nakasili lang dito nagtatago at chumi chismis.

"minsan kahit gaano pa tayo mag effort hindi pa din nila tayo magugustuhan kasi hanggang kaibigan lang talaga tingin nila saatin"

"tatanggapin ko na ba na ganun na lang?"

"oo. kung ayaw mo ng maging tanga talagang tatanggapin mo. dahil maghihintay ka lang sa wala"

"salamat ha. salamat at kinausap mo ako, siguro nga hindi si winter yung taong para saakin."

"yan tama yan! ganyan lang. easy ka lang. wag mong damdamin" sabay tawa ni veeia.

tumuloy na ako papasok sa loob. walang pagmumukha ni kabeeyne.

"bes!" tawag sakin ni coleen.

kasama nya si eros. nakakapagtaka. ang inexpect ko ay mukha syang bad boy hindi pala.

"hi coleen" bati ko.

"sya si eros" pakilala ni coleen.

"hello, im eros nice to meet you." sabay shake hand sakin.

"nice to meet you too."

"girlfriend ka ni kayne diba?"

"hindi" sabay tungo ko.

"ah sorry."

"okay lang."

"tara upo tayo" aya ni coleen.

feel ko na talaga na magbabakasyon kami. sana naman masaya dun. sa ngayon down na down pa din ako. palagi ko lang sinasabi sa kanila na okay ako. hirap magpretend.

"winter!"

"oh bes bakit?"

"punta ka dito." aya ni veeia.

"oh bakit? sabay upo ka sa bakanteng upuan sa tabi ni veeia.

"okay ka na ba?"

"ewan ko nga e"

"gago yang si kayne na yan, talagang ipinagpalit ka na"

"harry tumahimik ka nga. wala kang alam at wala din kaming alam."

"nagmamalasakit lang" reklamo ni harry.

"pinalalala mo naman sitwasyon. baliw" sabay pingot ni veeia kay harry.

"close na pala kayo. cute kayo tingnan"

"ala! bading naman ito kaya ko pa ito magustuhan" sabay tawa ni veeia

"bading pala ha. halikan kita dyan e!" banta ni harry kay veeia.

"hoy tama na. OA na kayo." sabi ko.

"ganito na lang winter hayaan mo na yun. hayaan mo syang mahexplain tapos pag valid tanggapin mo. pag hindi lumayo ka na."

"kayne?! akala namin di ka na dadating." sigaw ni coleen.

dumating si kayne. kasama yung babae. aww. para akong sinasaksak. ang sama sa pakiramdam. tiningnan nya ako pero di man lang nya ako kinausap. di ko na lang papansinin. thankful ako at pumunta sya ngayon.

"guys! ano tara na?"

"lets go!" sigaw ni coleen.

at pumasok na nga kami sa van. ang arrangement ng upo namin pamula sa kanan sa may likudan ay si girl tapos si kabeeyne tapos si harry at eros. sa harap naman ay si veeia, ako at coleen.

"kamusta kayo? excited na ba kayo sa pupuntahan natin?" tanong kuya ceejay na anak ni mang kanor.

"whoooooo! sobrang nakakaexcite" sigaw ni veeia.

at nakisigaw na din ang lahat maliban kay kayne. tahimik lang sya. naguguilty yata sya. ewan ko ba.

"ah winter bakit hindi mo katabi so kayne, akala ko mag on kayo"

"hindi po"

"ahhh sayang naman kasi bagay talaga kayo"

nagkatinginan na lang kami ni kabeeyne pero agad din akong umiwas. masyado akong naguguluhan. nag earphones na lang ako at nakinig sa music. masyadong maingay ang lahat.

--

after an hour.

lumingon ako at nakita kong nakasandal yung babae sa balikat ni kabeeyne. tulog din si kabeeyne nakapatong yung ulo nya sa ulo nung babae.

sino ba sya? at bakit kasama sya ngayon? ipinagpalit na ba talaga ako ni kabeeyne? sya lang makaksagot ng lahat ng katanungan ko.

**


ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon